Everthing happen so fast nang magkaroon sila ng hint kung saan makikita si August White. Ilang araw silang hindi halos magkakitaan sa bahay dahil sa sobrang busy nila sa pagkakalap ng iba pang impormasyon.
"Are you ready?" Tanong ng lalaking may itim na itim na buhok, makisig, may makapal na kilay at ang brown nitong mga mata ay mas nakadagdag sa sex appeal nito. He's Josh Andrew De Guzman, hindi maitatangging napaka gwapo nito.
"Yeah. I guess.. Nag aalala ako kay Cayden baka pala hindi talaga siya si August." Seryosong sabi ng babaeng kanyang katabi. Si Genieva Argento Sel Monroe, hindi din maiiwasang mapatingin sa kanya ang mga tao sa paligid dahil sa kagandahan at kasexy-han niya. Nakasuot siya ng hanging blouse kita ang pusod at fitted pants with a pair of high heels kaya mas nagmumukha itong Sexy Badass Girl.
"Everything will be alright. Let's just wait for them." Sagot naman ni Josh, Ang matalik na kaibigan ni Gen.
Madami ang nangyari sa ilang araw na paghahanap nila ng impormasyon sa babaeng nangangalang August na leader ng mga gangster. Nakakagulat at nakakatakot nga ang background nito pero hindi sila sigurado kung ito nga ang kaibigan nila dahil wala naman silang nakitang picture nito.
Isang araw dumating si Cayden at pinasyang gumawa ng sariling grupo para makasali gang war. Nakakagulat dahil bakit kailangan pa nilang sumali rito pero kailangan daw yun para mas mapalapit sila kay August. Wala naman silang nagawa kundi sumang ayon. But the thing is may rules ang mga sasaling grupo, Atleast 5 members is the minimum members of any gang group who will join. Malaking problema sakanila ito dahil naging aloof sila sa mga tao dahil sa iba't ibang naranasan nila.
Nakakagulat lang ng may lumapit sakanila at sinabing sasali siya sa grupo.. Si Josh Andrew, ang nakilala ni Genieva sa convenient store at ang kauna unahang lalaking pinagkatiwalaan niya sa Earth. Isang magaling na programmer ito kaya advantage din na mapasali nila ito sa bubuuing grupo. Ayaw ni Lucas dito dahil lagi itong nakadikit sa pinsan niyang si Genieva pero wala namang nangyari sa pagkadisgusto niya rito dahil pumayag ang Leader nila, si Cayden na sumali ito.
Nakakabelieve ang kakayahan ni Cayden. Nakakapagtaka at nakakagulat para sa dalawang Elites ang mga desisyong ginagawa niya lalo na kung paanong nagkaroon ito ng connection sa mundong kinagagalawan ng mga Gangster.
Aminado silang ito ang pinkamalakas na pandorian sa mundo nila pero ngayong nandito na sila sa Earth parang wala man lang nagbago sa pinapakita nitong kakayahan. Madaming nakakamanghang bagay ang nasa mundo ni August kaya nga kahit wala mang kapangyarihan ang mga tao katulad nilang Tatlo halos lumebel naman ang mga ito sa ibang aspeto. Ito ay ang kakayahan na lumikha ng mga kakaibang bagay at gamitin sa buhay pang araw araw.
Before the day of gang war ang grupo nilang apat ay nadagdagan pa ng isang myembro para makumpleto ang nasabing minimum members na sasali sa labanan. Si Caila Evonne Marshall, ang babaeng kinakainisan ni Genieva ng sobra! Napaka clingy nito kay Cayden at napaka arte pa magsalita parang laging kinikiliti sa singit! Ipit ang boses pag kaharap si Cayden. Pero kahit gigil much na si Gen sakanya hindi niya naman mapaalis ito sa grupo dahil mismong si Cayden ang nagpasali sakanya. Nagdadalawang isip tuloy siya kung mahal pa ba talaga nito si August White. Ang dahilan nila kung bakit sila nandito sa Earth.
"C'mon, my Queen.. Ibibili kita ng kahit anong pagkain pumayag kalang.."
"Tigil tigilan mo ako Demonyo! Kahit na gamitan mo ko ng weakness ko hindi ako papayag na sumama sayo!"
BINABASA MO ANG
AN ELITES ADVENTURE :SO NEAR YET SO FAR
FanfictionIsang Balita, Isang Vision at Isang Mission. Lahat ay nakatakdang mangyari.