Simula

31 2 0
                                    

Simula



“SUMMER, she’s back!” Nangunot ang noo ko sa mga ipinangbungad sa akin ni Chloe.

Pagkabreak ng aming shoot ay bumungad sa akin ang ilang missed calls galing sa kanya. Hindi naman siya tumatawag kapag alam niyang may shooting ako kaya naman siguro ay importante ang itinawag niya. Siguraduhin niya lang na importante nga.


“Why are you calling me ba in the middle of my shoot? Is that too important—” Hindi ko na naituloy pa ang aking mga sinasabi dahil sa pagputol niya sa akin.



“I said, Yuki is back!” pag-uulit niya na nagpatigil sa akin.



Otomatikong kumalabog ang dibdib ko at nanlamig ang aking mga palad.



P-paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik? After—

“Hey? Speechless, girl? Dapat lang. Dahil dinig ko ay galit na galit siya. At balak niyang maghiganti,” balita pa ng aking kaibigan na nakaragdag ng kaba sa akin.


“You’re not helping!” inis na sabi ko dahilan para matawa siya sa kabilang linya.

“Hindi kita tinatakot, kaya ko sinasabi ‘to sayo. Sinasabi ko ‘to para maghanda ka—”


“Who’s that? Hmmm?” Halos mapatalon ako sa gulat nang may yumakap sa aking likuran.


“Gosh! Sting! You freak me out!” Napahalakhak siya sa naging reaksyon ko habang hinarap ko naman siya at bahagyang hinampas ang kanyang braso.

“’Yan ang epekto ng sobrang pagka-kape, Summer,” panunukso siya dahilan para irapan ko siya. Sinenyasan ko siyang tumahimik bago ko muling binalikan ang tawag ni Chloe.


“Chloe, hello?” tanong ko.


“Masasaktan ako kung sakaling mawala si Sting sayo, Summer. Sige na. I’ll just call you later.” Panandalian akong hindi nakahinga sa kanyang sinabi.

Narinig ko ang pagbaba ni Chloe ng telepone ngunit hindi ko pa rin tinanggal ang aking cellphone sa gilid ng aking teinga.


Kung si Chloe ay masasaktan, ano naman ang mararamdaman ko kung sakali?


Isang halik ni Sting sa aking pisngi ang nagpabalik sa aking wisyo.

“You’re too serious. Anong sinabi ni Chloe?” tanong niya. Wala na ang tono ng paglalaro sa kanyang boses.


Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa aking baywang para harapin siya. Isinukbit ko ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg at pinagmasdan ang kanyang mukha.


Mahaba ang pinagdaanan ko, mapasaakin lang ang lalaking nasa harapan ko. Kaya hindi ko dapat hayaan na mawala siya sa’kin.


Ipinaraan ko ang aking hintuturo sa kanyang natural na makapal na kilay. Sunod ay sa kanyang mapipilantik na pilik mata dahilan para mapapikit siya.

“Why are you acting this way, Summer? What did Chloe tell you?” This time, bakas na ang pagkairita sa kanyang boses at iniiwas niya pa ang kanyang mukha sa aking kamay.

“Nah. She just told me about her new suitor. Sabi niya, kasing gwapo mo raw. Loko ang babaeng ‘yon,” pagsisinungaling ko na sinabayan ko pa ng bahagyang pagtawa at pag-iling.



Ibinaba ko na lang ang aking kamay at pinagmasdan na lamang ang iba pang parte ng kanyang mukha.


Perpekto ang hugis ng kanyang ilong. Pati ang kulay ng kanyang labi, natural din ang pagkapink.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon