Para sa mga Nasaktan (Unang tula)

32.9K 70 31
                                    

Nagmahal, Nasaktan

Naranasan mo nang magmahal?Gaano katagal?
Naranasan mo nang masaktan?
Hanggang kailan?

Tayo ay masaya
Lalo na nung una tayong nagkakilala
Ang makilala ka'y tila isang biyaya,
ang mahalin ka'y sadyang napakasaya

Ngunit dumating ang araw na kinakatakutan ko
Naghanap ka na ng iba't ako'y kinalimutan mo
Ikaw sana'y patatawarin ko
Ngunit ako ay nasaktan mo

Pag-ibig mo ba ay naglaho na?
Sa akin na minahal mong talaga
Hindi na ba ako mahalaga?
Dahil hindi ko alam kung ako'y iiwas na

Hindi ko lubos maisip kung kapiling ay hindi ikaw.
Hindi alam ang gagawin kapag hindi ka matatanaw.
Ngunit anong gagawin upang pag-ibig mo'y maagaw?
Hindi pa ba sapat ang mga kilos ko't galaw?

Nilalamig sinasalo ang bawat pagpatak ng ulan.
Umiiyak niyayakap ang bawat sakit na pwedeng maramdaman.
Kung bakit daw ay hindi ko rin malaman
Marami nang nagtanong at naguluhan.

Ngunit bakit ba ganito?
Ang dali lang sayo na iwan ako?
Sobrang gago ko
Dahil ikaw ang minahal ko

Sayang ang pagmamahal na ibinigay ko
Sa isang tangang tulad mo
Nang dahil sa pangloloko mo
Natauhan na ako

Kung tayo'y magiging hindi na, sabihin mo sa akin sana,
upang itigil ko na ang pagtatanong kung ikaw pa ba.
Pipilitin kong sa iba'y maging maligaya,
ngunit ang puso ko'y sa iyo pa rin umaasa.

----------------
:)

Para sa mga Nasaktan (MGA TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon