Shocked ako sa sinabi ni Ate Farida. What was she trying to tell?
“Bakit bigla kang nagdesisyon ng ganito?” sabi sa kanya ni Kuya Ompong.
“Kasi... k-kasi lagi na lang kitang nire-reject dati. Hindi man lang kita nabigyan ng pagkakataon na i-prove sa akin na puwede rin kitang mahalin.”
Lalo akong na-shock. Pero tuwang-tuwa ako sa sinabi ni Ate Farida. Umepekto na sa kanya ang drama ko!
“Really?” Parang patuya ang tono ni Kuya Ompong.
Gusto kong mag-panic. Pakakawalan pa ba niya ang pagkakataon?
“Please, this is so hard for me, pero--"
“Pero pagtitiisan mong isakripisyo ang sarili mo huwag lang si Dzing ang pagbalingan ko, gano’n ba?”
Blast! Bakit ganoon ang dialogue ni Kuya Ompong? Grab the opportunity, ano ba?
Naitakip ko ang palad ko sa mouthpiece. Mahirap na. Baka makapagsalita ako at marinig pa ni Ate ang boses ko sa kabilang linya.
“O-Ompong—”
“Ihahatid na kita.”
Nakagat ko ang kuko kong kane-nail file ko lang. Pambihira naman si Kuya Ompong. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit tinatanggihan niya ang isang opportunity na dati pinakahintay-hintay niya?
“Pakinggan mo naman muna ako, o. Noong minsang nag-usap kami ni Dzing, nabanggit niya sa akin ang mga katangian mo. Para akong nagising. I said to myself, bakit nga ba hindi kita binibigyan ng chance. Honestly, gusto ko naman ang attributes mo na inisa-isa niya sa akin. Ano nga ba ang malay ko kung baka chance lang ang kailangan para madiskubre ko na puwede naman palang maging tayo?”
“Ano ang gusto mong gawin ko?”
“Pumayag ka sana sa gusto kong mangyari na magkaroon tayo ng trial relationship.”
Hindi ko sigurado pero parang tumawa si Kuya Ompong sa sinabi ni Ate. At sigurado rin ako na hindi dahil natuwa siya kaya niya ginawa iyon.
“Parang pang-romance fiction yata ang sinasabi mong iyan. This is real life, Farida, hindi istoryang gawa-gawa lang. Parang sinasabi mo sa akin na paglaruan natin ang ating mga damdamin. Na pag-eksperimentuhan natin. Iyon lang mga hindi naniniwala sa true love ang pumapasok sa sinasabi mong trial relationship. Dahil ang pagmamahal, kusang dumadating, basta na lang nararamdaman at hindi premeditated.”
Sige na nga, kahit hindi umayon sa drama ko ang mga sinabi ni Kuya Ompong kay Ate, naniniwala na ako sa kanya. I mean, let me rephrase it, humahanga ako sa pinaniniwalaan niya na tama.
“Ang dami mong sinasabi!” Pasigaw na ang sinabing iyon ni Ate. Napangiti ako. Malamang, fed up na siya sa pagpapakipot ni Kuya Ompong. May pagka-impatient pa naman ang kapatid ko. “Can’t you see kung gaano kahirap para sa akin na sabihin ang proposal na 'to?”
“Uhmp!”
Napanganga na ako. Wala nang talkies na sumunod pagkatapos ng impit at pagulat na boses ni Kuya Ompong. Great! Kissing scene na yata ang sumunod! Hinalikan ba ni Ate si Kuya Ompong?
“'Kainis! Hindi ko man lang nakita ang eksenang 'yon!”
Anyway, ten minutes later ay nakita ko nang inihatid ni Kuya Ompong si Ate Farida sa amin. Hindi na nga lang siya tumuloy. Pero sa nakita kong pigil na ngiti sa kanilang mga labi, tama nga siguro ang hula ko. Kaya naman masayang-masaya ako. Tagumpay ang unang eksperimento ni Denise Faye Baylon sa pagma-matchmake.
BINABASA MO ANG
Confessions To A Matchmaking Snoop (COMPLETED)
ChickLitPhr Imprint Published in 2006