"O sige, alis na ko" paalam ko sakanya.
Tumayo na ko at nagsimulang maglakad papuntang pintuan, pero bago pa ko makalapit sa may pinto ay tinawag niya ko na ikinalingon ko naman sakanya.
"Teka, may nakalimutan ka" sabi niya sa'kin.
"Ha? Nakalimutan?" tinignan ko naman ang paligid para makita ko kung may nakalimutan nga ba akong gamit, pero wala naman. Pati ang dala ko, chineck ko na din. Mukhang wala naman akong nakalimutan.
"Wala naman akong nakalimutan ah" sabi ko sakanya.
Pag-angat ng ulo ko, nagulat ako. Hindi ko napansing nasa harapan ko na pala siya at sobrang lapit niya sa akin.
"Meron, eto oh..."
Magsasalita pa sana ako nang biglang hawakan ng kanang kamay niya ang chin ko. At mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa...
H I N A L I K A N N I Y A K O !! (O_o)
Hindi ako nakakibo sa pagkabigla, parehong nanigas ang mga kamay kong may bitbit ng mga gamit ko.
Pagkatapos ng ilang segundo ay inihiwalay niya na ang labi niya sa labi ko.
Tulala parin akong nakatingin sakanya.
Nginitian niya ko at sabay sabing, "Ayan, okey na. Sa susunod kasi i-check mo muna kung may nakalimutan ka bago ka umalis." (^_^)
THE END~
****Very short, I know****
BINABASA MO ANG
You FORGOT something!
Short StoryA very short story. *Please do always check if you forgot something before you leave.