Chapter 1

1 0 0
                                    


September 1, 2016

6:30 na ng umaga pero inaantok pa rin ako. Tamad na tamad akong bumangon para mag-agahan.

"Morning, Ma. "

"Late ka na naman, Seji!!"

Pero imbis na pandesal at gatas ang nasa sikmura ko ay mga sermon ni Mama. Kesyo daw lagi akong puyat kaya lagi din akong late. Hindi ko naman kasalanan na pag-uwi ko lagi galing sa school ay tulog agad ako at gigising para maghapunan tapos hindi ba naman agad ako dadalawin ng antok. Sino ba ang nakakatiis sa pagod lalo na kung grade six ka palang parang college na kung mag-p-project sila ma'am.

"Kaya ikaw Sienna Jillian kahit lagi kang late dapat ayusin mo ang pag-aaral lalo na at minsan nag-t-top ka. "

Napakamot ako sa noo ko napatawa. Pero nanahimik din nang napansin ko na seryoso pa rin si Mama. Grabe poker face si Mother. Napalabi na lamang ako.

"Mama sa quizzes lang naman ako nag-t-top pero sa exam talo pa rin ako ni Gail at Angelo pero hindi naman ako nakikipagkompetensiya sa kahit sino sa kanila."

Sina Gail at Angelo ay mga kaibigan ko at kaklase, lagi kaming nagtutulungan. Si Gail tahimik siya pero magaling sa Matematika. Kaya kapag wala akong naiintindihan sa lesson namin sa kanya ako nagcoconsult. Si Angelo naman ang opposite ni Gail. Talo pa nga niya ang babae sa sobrang ingay. Kung kausapin nga ako parang ang layo ko, katabi ko lang naman siya. Siya yung pasaway at maraming kalokohan pero magaling siya sa Science mahilig sa hayop, parang siya lang hehe. Joke lang. Si Mama wala pa ring pinagbago sa mood. Kaya iniba  ko na lamang ang topic namin.

"Siyanga pala Ma, si ate Rose? "
Siya ang panganay kong ate na third year college na.

"Hinatid ng Papa mo sa sakayan. "

"Si ate Czareen, Ma? "
Siya naman yung pangalawa kong ate na araw-araw yata may dalaw, kung sungitan ba naman kasi ako parang siya ang laging nagpapakain sakin, taga-saing lang naman siya. I tsked.

"Umalis na. At ikaw namang bata ka maligo ka na, alas siete na!! "

Naglakad na ako at pumuntang banyo at nagsimulang maligo pagkatapos ng ilang minutong pagbababad ay natapos na ako. Nagbihis na ako ng uniform.  Paglabas ko naabutan ko si Papa na kakatapos lang magkape. Nag-ayos na ako ng gamit ko at nakangiting humarap kay Papa.

"Pa, pahatid naman na oh, 7:30 na po, please? Dali na Pa! Dali na! Dali na! " Saad ko. Aba, at may paawa effect dapat para sapat. Papa's girl kasi ako noon pa man. Pero parang hindi na ito gagana.

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyang mga moves mo na yan, Sienna... ", sabi ko na nga ba, "pero sige na nga. Tara na. " saad ni Papa.

"Yehey!! I love you Papa!", maligayang sabi ko.

"Ma! Baon ko nga po pala? "

"Nandiyan na sa mesa. ", pagtingin ko may 50 pesos, kinuha ko na baka bawiin pa ni Mama. Kuripot pa naman 'yan.

"Sige po Ma, mauna na po kami, thank you po. Love you Ma." sabi ko sabay halik sa pisngi ni Mama.

"Oh sya sige na, love you too. "

----------
Pababa na ako ng may maalala ako. Hindi pa pala ko nagpapakilala. Ako nga pala si Sienna Jillian Falcon, 12 years old nakatira sa Momo Street, Barangay Land, Philippines. 'Yun na lang, wala na akong maisip.

"Pa, saan pala ako mag-aaral ng high school? ", tanong ko.

"Hindi pa namin alam ni Mama mo, anak. Pag-uusapan pa namin. Sige na oh, late ka na. Bye na anak, love you. " ani Papa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

StayWhere stories live. Discover now