play one

332 11 0
                                    

10 years ago

"mama san po ba tayo pupunta?" tanong ni Lia sa kanyang mama

"di ba nga sabi ko sayo maglalabada ako sa kabilang baryo"

"eh kasi naman ma, bakit sinasama mo ako dun, wala naman akong kalaro dun at saka wala akong magagawa dun, balik na lang ako sa bahay kasi tuturuan ako ni Cyrille magbadminton"

"hay nako Angie, wala ka kasing kasama dun sa bahay, baka kung mapaano ka pa at saka may anak naman yung paglalabahan ko, dun ka na lang makipaglaro"

"babae po ba sya?"

"hindi, lalaki"

"aay, ayokong makipaglaro sa mga lalaki, madadaya sila tulad ni kuya"

"ano ka ba, oh ayan nandito na pala tayo eh"

"eeeeeeeeeeeehhhhh...kasi naman eh"

"wag ka ngang makulit, dyan ka lang ha, wag kang aalis dyan, hintayin mo ako dyan"

"okay, sige na nga, ano pa nga magagawa ko

"ikaw bata ka talaga, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka o kaya kapag nagugutom ka"

"oh sige PO"

''haaaay, gusto ko pa namang matuto mag badminton :(''

"gusto mo turuan kita" sabi ng isang bata na kakapasok lang ng bahay

"ha?, anong ituturo mo at sino ka?"

"ako nga pala si Patrick, anak ako ng may ari ng bahay na ito, ikaw ba yung anak nung maglalaba ng damit namin?''

"oo

"nga pala di ba sabi mo gusto mong matutong mag laro ng badminton, gusto mo turuan kita?"

"talaga tuturuan mo ako, pero di naman tayo friends eh, bakit ako makikipag laro sayo"

"haha ganun ba, eh di friends na tayo"

"talaga...sige sige"

"halika dun tayo sa may garden" hinawakan at hinila na si Lia ni Patrick papuntang garden

"ahm bakit ganun parang may kung anong kumikiliti sa dibdib ko??" >o<

"anong sabi mo?"

"ah wala wala, salamat pala"

"ah wala yun, ano nga palang name mo? hehe, nakalimutan kong itanong kanina"

"ako si Lia Angelica, yung friends ko tawag sakin "Lia" pero yung Family ko "Angie".."

"ah pwede ba kitang tawagin na Angie?"

"eeeehh, friends lang naman tayo eh...kaya dapat Lia"

"haha, ang cute cute mo naman, malay mo maging Family tayo"

"ha?, anong ibig mong sabihin?"

"haha...wala, basta Angie ang itatawag ko sayo,....tara na Angie,  dun tayo oh para presko"

"aahh, okay"

masayang tinuturuan ako ni Patrick mag badminton, masarap din palang may kaibigang lalaki, hindi sya katulad ni kuya, tapos ang pogi nya pa, parang artista,..tapos ang bait bait nya pa, pag di ko napapalo yung bola, sasabihin nya lang "okay lang yan Angie, itry ulit natin" .......haaaaaayy, sanan lagi kaming maglalaro..

"patrick........."

 

"tinatawag ka ng mama mo oh"

 

"ah oo nga, wait lang ha, upo ka muna sa lilim ng puno, babalik ako :)"

 

"sige"

"mama bakit po?"

 

"tama na yang paglalaro nyo, tingnan mo oh basang basa yang damit mo, magpalit ka na sa itaas at tapos na pala maglaba yung mama ni Angie, tawagin mo na sya para makapagmeryenda muna bago umalis"

"sige po mama, tawagin ko po muna si Angie bago ako magpalit ng damit"

 

"oh sige'

"Angie, uuwi na daw kayo ng mama mo, magmeryenda daw muna kayo"

 

"aaayy ganun, gusto ko pa namang maglaro ulit kasi marunong na ako"

 

"haha, okay lang yan, may next time pa naman eh, tara na"

"sige na nga"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

--->>cheezyrhizelove

Playing with Love...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon