Nawawalang Ako.

26 0 0
                                    

"Kamusta ka? Mukhang hindi ko nakikita ang tunay na ngiti mula sa iyo? Tila may suliranin ka." , 'yan ang sabi ng isang babaeng nakaharap sa salamin at pilit kinakausap ang sarili. Matagal siyang nakatitig doon, at wari bang naghihintay ito ng sagot galing sa babaeng kanyang nakikita. Pilit niyang hinihingi ang mga ngiti nito ngunit, kahit anong kanyang gawi'y hindi ito gumagalaw at walang ibang salitang banggit, kundi "Ayos lamang ako."

Sa hindi kalayuan, nakita niya pa ang kanyang sarili. Nakatayo  ngunit kakaiba ang lugar kung ihahambing sa lugar na kanyang nasilayan sa salamin ilang sandali pa lamang ang nakalilipas. Alam niyang tunay na saya ang nararamdaman nito at hindi mapagkakailang gusto niya ang lugar kung saan siya naroroon. Matiyaga niya itong pinagmasdan, at hindi nagtagal, unti-unting lumalabo ang sinaryong kanyang sinisilayan.

Bumalik ito sa salamin, ngunit nananatili pa rin ang kanyang sarili doon. Nakangiti, ngunit kakaiba sa ngiti na kanyang nakita mula sa di kalayuan. Naguluhan ito. Hindi niya maunawaan ang bawat kaganapan na nangyayari. Nasambit niya sa kanyang sarili,

"Sino nga ba talaga ako? Bakit hindi ko maunawaan ang bagay na nangyayari? Nararamdaman kong hindi ako maligaya. Nasaan ba ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nawawalang Ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon