Prologue

660 19 1
                                    

Sa loob ng isang gusali ay may mga nagkakasiyahan. Malalakas na tunog ng musika at mga malilikot na ilaw habang may mga umiindayog sa saliw ng musika.

Sa isang sulok ay may isang dalaga ang tahimik na lumalaklak ng alak. Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, siya ay naghihinagpis mula sa sinapit. Tuloy tuloy na lagok ng alak at walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid.

Sa kabilang banda ay may isang lalaki ang nakamasid sa dalagang mula sa pagpasok pa lamang sa gusali ay naagaw na nito ang pansin. Hindi dahil sa nakasuot ito ng nagsesexihang kasuotan kundi dahil gandang taglay nito kahit na napakasimple lamang ng kasuotan.

Kanina pa niya ito napapansing panay ang lagok ng alak. At hindi na nga ito nakatiis at mabilis na lumapit sa dalaga.

"May I join you?" malambing na sabi nito sa dalaga ngunit tinigan lamang ito saglit ay mabilis na ibinalik ang tingin sa alak na iniinom.

"Mind your own business" walang buhay na sagot nito makalipas ang ilang sandali.

"But you are my business" may halong landing pagkakabigkas nito sa dalaga.

"Hah!" mabilis na baling ng dalaga sa binata at itinaas ang isang sulok ng labi. "Way to go mister! Hindi mo 'ko madadala sa mga salita mo" sagot nito at mabilis na linagok ang alak at muling nagsalin.

"Why miss? Did your boyfriend dumped you?" tugon naman ng lalaki na siyang naging dahilan ng muling pagkakatulala ng babae.

Mabilis naman niyang napansin ang mga luhang dirediretso sa pagbagsak mula sa mata ng magandang dalaga. Hindi naman ito magkandaugaga sa nakita.

"Miss I didn't mean it" mabilis na alo nito sa dalagang patuloy na umiiyak ng tahimik. "I'm sorry okay? I'm sorry" hingi nito ng paumanhin ngunit hindi nito iyon pinansin.

Sunod sunod naman ang lagok ng dalaga sa alak at hindi na malaman ng binata ang kung ano ang dapat gawin. Shit! This is my fault! What to do ? What to do? ani nito sa kanyang sarili.

"Am I not pretty?" tanong ng dalaga sa estrangherong binata. Wala na siyang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Ang nais na lamang niyang mangyari ay maibsan ang sakit na nararamdaman. "Ano bang mali sakin? Why? Bakit hindi kayo makuntento sa isa? Hindi pa ba kami sapat?" halos pasigaw na nito at buti na lang at maingay ang paligid at walang nakakapansin sa kanila.

"Your boyfriend is stupid to dumped you. You are so beautiful! No! Scratch that, beautiful is understatement. Gorgeous is the best word to describe you"

"Yan! 'Diyan kayo magaling. Sa pambobola!" sigaw nito at mabilis na tumayo. Muntik na siyang matumba dahil sa pagkakahilo. Agad naman siyang inalalayan ng binata.

Nagkatitigan ang dalawa at hindi na nga nagdalawang isip at mabilis na inangkin ng bawat isa ang mga labi. Hindi nila alintana ang paligid at patuloy na naghalikan. Dahil na rin sa dami ng alak na nainom ay mapusok na nilabanan ang labi ng bawat isa.

Mabilis na kumapit ang dalaga sa batok nito at kinawit naman ng binata ang mga braso sa maliit na baywang ng dalaga. Agad na naglikot ang mga kamay ng bawat isa at kung saan saan na napunta.

"Let's get out of here" sabi nito at inalalayaan ang dalaga palabas mula sa maingay na gusali.

---
Pagpasok sa isang kwarto ay hindi na sila nagsayang pa ng oras at muling sinalubong ng bawat isa ang mapupusok at mapupulang labi. Isinandal ng lalaki ang dalaga sa likod ng pintuan at halos sambahin ang dalaga. Hindi na malaman ng bawat isa kung ano ang dapat gawin. Dahil sa init na nagmumula sa kanilang mga katawan ay halos ang kanilang mga katawan na lamang ang naguusap at tila parang alam na nila ang dapat gawin.

Her Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon