CHAPTER 3

272 11 1
                                    

3. Wanna be Gorgeous

Jerk!

Tinitigan ko lang siya habang nakataas ang isang kilay. Hindi naman siya nagpatinag at ramdam ko na ang tensiyong nabubuo sa pagitan naming dalawa.

Siya ang unang nagbitaw ng tingin at ngumiti lang sakin. Nagsimula na siyang maglakad kasama ang babaeng nakalingkis sa kanya ngunit huminto siya sa gilid ko "See you later Babe" bulong nito sa'kin at napairap na lang ako.

Sumunod naman sakanila ang iba pa nilang kasama at naglakad na palayo sa'min. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na muling maglakad.

"What was that?" rinig kong tanong ni Rien sakin. "Kilala mo si Xander?" napalingon naman ako sa pangalang binanggit niya.

"Xander? So Xander pala ang pangalan niya" kumbinsi ko sa sarili ko.

"Yeah. It's Alexander Ivan Justino. Dapat magingat ka sa kanya dahil halos lahat ng magaganda dito ay piopormahan niya. Syempre maraming babae rin ang gustong mapabilang sa mga nagiging girlfriend niya kaya halos lahat handang ialay ang sarili sa kaniya at siya naman itong patos basta matipuhan niya" sunod sunod na kwento nito habang naglalakad kami papasok ng cafeteria. "Order muna tayo bago humanap ng pagpupwestuhan" tumango lang ako sa kaniya at pumila na nga kami.

Habang nakapila kami ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng cafeteria. Masyado itong malaki kumpara sa cafeteria ng dati kong school. Maganda ang design at para kang nasa isang restaurant. Maganda ang ayos ng mga lamesa at upuan. May pang 2 seater para sa mga lonely or solo flight at may 4 seater at 8 seater para sa mga magkakaibigan. Maayos din ang pinakacounter at para kang nasa hotel reception. Hindi rin ganun katagal ang pila dahil mabilis ang kilos ng bawat empleyado. Marami ring pagkain ang nakahain sa harapan at halata mong mamahalin.

"Miss isang Lasagnia at coke sakin" order ko ng ako na ang nasa harap ng counter. Nagbayad na ako ng tamang amount at ilang saglit lang ay bitbit ko na ang order ko.

Sabay naman kaming naghanap ng upuan ni Rien ay nang may makita na ay umupo kami sa pang 4 seater.

"Dito tayo, maya maya lang ay darating na si tricia" sabi niya sakin habang inilalapag ang mga pagkaing inorder.

"Tricia?" takang tanong ko sa kanya.

"Yup! She's a good friend. Nasa duty pa kase siya pero palabas na rin yun dahil patapos na ang shift niya" sabi niya habang nakangiti. Tumango na lang ako sa sinabi niya at kumain na.

Habang kumakain ay napatingin lang si Rien ng maintindihan niya. "Sige, order muna ako ng0"" pagkain ko" at umalis na nga siya at nagtungo sa counter.

"Magkakilala na pala kayo" sabi nito sa'kin.

"Kaklase din ba natin siya?" tanong ko sa kanya.

"Sa ibang subject oo. May mga subject kase siyang di naenroll. She's a scholar. Bukod sa talino niya ay student assistant din siya para may allowance siya everyday" nakikinig lang ako sa sinasabi niya habang kumakain. "As you can see hindi siya mayaman kagaya natin. Gusto ko siyang tulungan pero ayaw naman niyang tanggapin yung perang binibigay ko kaya kapag may assignment ako sa kanya ko na lang pinapagawa tapos babayaran ko na lang siya since ayaw naman niyang tanggapin yung pera ng hindi niya pinagpapaguran" dugtong pa niya.

"Wow! I'm amaze" manghang sabi ko sa kanya.

"Yeah! Kahit ako napapabilib sa kanya and I'm so proud that I'm her friend. Marami na siyang napagdaanang hirap pero pilit niyang kinakaya"

Dumating naman si Tricia kaya naputol ang pagkukwento ni Rien tungkol sa kanya.

"Ano naman yang pinaguusapan niyo at parang ang seryoso?" tanong nito matapos mailapag ang mga pagkaing binili.

Her Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon