five

1K 53 22
                                    

NGINGITI-NGITI ako habang pinakikinggan si Kyle na kumakanta at nagigitara sa harap ng klase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NGINGITI-NGITI ako habang pinakikinggan si Kyle na kumakanta at nagigitara sa harap ng klase. Nagpa-practice kasi kami ng mga intermission number namin para sa darating na Christmas party.

     Nagulat ako nang bigla akong hinampas ni Lyca sa braso. Marahas akong napabaling sa kaniya sa sobrang bulat.

     “Pulang-pula ka, oy!” tukso niya sa akin. “Daig mo pa ang nagpahid ng pulang lipstick sa magkabilang pisngi.”

     Wala sa loob na napahawak ako sa mukha ko at napahagikgik. Binelatan ko lang si Lyca sabay balik ulit ng atensiyon kay Kyle. I couldn’t keep my eyes off him. Habang tumatagal, palalim nang palalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. ‘Yong parang gusto nang sumabog ng puso ko dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal. Gan’on na gan’on.

     Magmula noong maging okay kami months ago, bumalik na kami sa dati. Dito na ulit ako nakapuwesto sa tabi ng upuan niya. Pumangalumbaba ako at saka ngingiti-ngiting tumunghay. My heart grew warmer.

     Kinakanta ni Kyle ‘yong Your Song ng Parokya ni Edgar. Hindi ko maiwasang hindi kiligin habang pinapakinggan siya, feeling ko kasi sa akin niya dine-dedicate ‘yong kanta. Paborito ko pa naman ang Parokya.

     Daig ko pang sinisilihan sa kinauupuan habang ‘yong mga kaklase ko ay nagsisigawan at panay ang tukso sa amin ni Kyle. They were all shipping and rooting for us. Pati mga teachers namin ay kinikilig din sa amin ni Kyle.

     Wala akong kamalay-maalay na ang kantang iyon na pala ang magmamarka sa katapusan ng mga pangarap ko.

     Hindi ko in-expect ang sunod na ginawa ni Kyle. Imbes na dumiretso siya ng upo sa tabi ko, doon siya umupo sa bakanteng silya sa katabi naming row—sa tabi mismo ni Hanna. Walang sinayang na sandali si Kyle, hinawakan niya ang nagimbal na si Hanna sa kamay at pinatayo.

     Nagtatanong ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga kaibigan ko at kina Kyle. Pero mukhang clueless din ang buong barkada sa nangyayari.

     I was rendered speechless. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Hanna nang tumingin siya sa akin. Napuno ng tension ang buong classroom habang hinihintay ang sasabihin ni Kyle. Hindi ko alam kung bakit, but I was shaking as hell.

     Few more seconds of piercing silence, he dropped the bomb. Narinig ko ang malakas na pagkabasag ng puso ko nang masayang i-announce ni Kyle na nililigawan niya si Hanna.

     Pakiramdam ko, nalaglag ‘yong panga ko. Lahat ng kaklase koʼy napalingon sa akin. Kahit hindi sila magsalita, alam ko kung ano ang gusto nilang itanong sa ‘kin, “Ano’ng nangyari?” Pero hindi ko talaga magawang ibuka ang bibig ko. Naisip ko na baka prank lang ‘to ng binata, pero hindi.

Your Song ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon