JAZZEL'S POV
Nasa van na ako pauwi na saamin galing sa party na hinanda ang Jade para samin. Maagang nagpaalam si Deinel at alam kong pupuntahan nya si Ally. Napabuntong hininga nalang ako ng sabay napatingin sa bracelete na binigay sakin ni Deinel nun nasa show pa kami. Naalala ko na naman kun pano ito napunta sakin.
*Flashback*
This is it. Ngayon na ang finals ng show at kinakabahan talaga ako. Alam kong marami akong supporters pero marami din ang supporters ng iba at magagaling din sila. Actually I know magaling kaming lahat. Pero mahalaga sakin ang manalo upang maiangat ko ang family ko. Alam kong ako un makakatulong sakanila.
Pero matalo't manalo, I'll still show my best. Yan nalang ang nasabi kong pang cheer sa sarili ko nang biglang may lumapit sakin.
Si Deinel.
Sya iyon naging partner ko sa mga acting tasks namin na naging pinaka-close kong kaibigan dito sa show. Meron pa nga ata kaming Fanclub bagkus sa mga nakikita ko tuwing singing performance namin na nagaganap sa MOA pag elimination rounds at ang alam kong pangalan nitong fanclub ay Jade.
"Hey! Nervous?" Tanong nya sakin habang niakbay ako. "A little bit. Sino ba naman ang inde? Diba?" sagot ko dito.
"Well, I'm not." ang yabang talaga nito "Ang yabang mo, seryoso!" Nasabi ko nalang sakanya habang natatawa ako sa sa pagyayabang nya.
"What's wrong about not being nervous, i-enjoy ko nalang un stage diba?" may tama naman talaga sya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Huy, don't be too nervous Jazz, you're good and you have a lot of supporters. I know you will make it to the Top." napangiti nalang ako sa pag cheer nya sakin. Somehow nadistract ang pagiisip ko about sa finals ng show.
"Well mister, you have a lot of fans too. Baka nga ikaw un manalo jan. Share the blessings if ever ah" pangjoke ko dito.
Tumawa ito habang nakatingin sa akin at biglang kinuha ang kamay ko at may inalis syang braided leather bracelet sa kanyang wrist. Nilagay nya ito sa wrist ko at nginitian ako ng mailagay na nya "It's a lucky charm I used to have since a kid. Gawa ko yan at lagi kong suot suot sa mga contests na sinasalihan ko and guess what?" tinignan ko sya ng may halong pagtatanong ang muka ko "It works, that's why I'm giving it to you. Good luck, Jazz" Sabay nya akong hinila para ikulong sa mga bisig nya.
Wala na akong nasabi habang yakap yakap ko parin sya nang biglang lumuwag ang pagkayakap nya sakin "Thank you, Dei" yan nalang ang nasabi ko nanh may ngiti sa mga labi ko. Bigla ko din maalang na gaya nya meron din akong lucky charm. Inalis ko un kwintas ko at binigay ito sakanya "Manalo man o matalo" Sabi ko sakanya na may ngiti sa labi.
"Good luck satin Dei" nakita kong ngumiti sya at ibinulsa ang kwintas ng marinig namin un organizer na humanda na kami at magpeperform na kami.
*End of Flashback*
Nangingiti ako habang nakatingin parin sa bracelet. Nakakamiss un pagiging close namin na ganyan ni Dei. At talagang swerte ito at pati na din siguro un aking kwintas. Kasi imbes na isa ang manalo. Biglang nagchange of plans ang head ng show dahil kaming dalawa ay nag tie nuon sa botohan at dahil malalas din ang supporters ng amin tambalan nag decide sila na kaming dalawa ang manalo. Masayang masaya kami nuon. Nakakamiss.
"Jazz" napatingin ako kay mommy Lu, ang aking handler, dahilan para lumingon ako sakanya para makita lang syang nakatingin din sa bracelet.
"Kanina ka pa tumitingin jan sa bracelet mo, may personal meaning yan ano?" May halo pang panunukso ang kanyang boses dahilan para mapangiti ako.
"Binigay po ito sakin ni Dei bago magstart ang finals, lucky charm daw po nya." Napa oohh nalang si mommy Lu sa sinabi nang bigoang tumunog ang aking cellphone.
"Hello?" Panimula ko sa tawag.
"Hello po, ma'am, ikaw po ba si Jazzel?" Sagot nun lalaki sa kanilang linya "Ako nga po. San nyo po nakuha itong cellphone number ko?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Ay ma'am un boyfriend nyo po kasi Deinel po ata iyon pangalan naglalasing na po dito at magcloclose na po kami. Eh cellphone number nyo po binigay nun nagtanong kami ng pwedeng sumundo sakanya. Jazzel ng Jazzel po itong si sir. Kaya nagbakasakaling ikaw po ito."
Boyfriend? Si Dei? Naglalasing? Bat number ko naman ang binigay at di un kay Allyson? I mean, I know he knows my number pero matagal na nya akong di tinetext nun naging sila na ni Ally kaya nagtataka akong memorisado pa nya ito. Imbes na magisip pa ako kung ano ano, tinanong ko nalang un lalaki sa kabilang linta kung saan ko sya pwedeng sunduin at dumiretso na nga ako kasama si mommy Lu na nagtataka din.
***
Pagkatapos kong sunduin ang lasing na lasing na si Dei hinatid na namin sya ni mommy Lu, nagpaiwan nalang ako dito sa condo ni Dei para maayos ko sya at makatulog na syang mabuti.
Nun natapos kong alisin ang kanyang sapatos at pinalitan ang kanyang t-shirt kumuha na ako ng basang pampunas sakanya. Habang pinupunasan ko sya bigla syang dumilat at ngumiti sakin at napilit ulet pero nakasmile parin ito. Tsk. Lasing nga.
"Bat ka ba kasi naglalasing, ikaw na lalaki ka?" Pangsesermon ko dito. "Bakit?" Napatingin ako dito at binalewala ko ang pagsalita nya. Baka nananaginip lang ito "Bakit nahihirapan akong umiwas sayo,Jazz?" Ngayon tumingin na ako sakanya nang makita kong nakadilat na sya.
"Lasing ka na, Dei. Itulog mo nalang" sabi ko nalang nang magulat ako nang biglang hinawakan nya ang kamay ko "Suot suot mo parin sya" nagtaka ako kung ano un nang marealize ko un bracelete na bigay nya ang tinutukoy nya. "Lucky charm ko na sya" sagot ko nalang dito at pinagpatuloy parin ang pagpunas sa noo nya. Habang sya nakatingin parin sa hawak parik nyang kamay ko.
"You know there's a story behind the bracelet? May kasabihan kami na ang mga ganitong uri ng braceletes ibinibigay mo lang sa special someone mo at pag ito ay nasira dun daw mabrebreak ang inyong ugnayan." Special someone? So special ako sakanya?
Biglang parang hinaplos ang aking puso sa naisip kong iyon. Pero ang ikinagulat ko ay un paghawak sa muka ko si Dei para ako ay tumingin sakanya.
"Bat ang hirap mong layuan at iwasan? Kahit sabihin ni Ally, mahirap parin. You were and still are my special someone"
Wala na akong nasabi pa nang di ko namalayan na ang lapit lapit na nang mga muka namin at napapikit nalang ako nang dumampi ang kanyang labi sa labi ko.
Biglang naghiwalay ang amin mga labi at nakita kong pumipikit na naman mga mata ni Dei sign para maisipan kong matutulog an ulet sya. For once, nakalinutan kong lasing sya. At siguro nagawa nya ito dahil sa alak. He will never do this to me.
I know this is all wrong. Ayokong umasa sa lasing. Pero mas nasaktan pa ako at napatunayan kong wag na akong umasa dahil sa mga sumunod na wikang banggit ni Dei.
"Mahal na mahal kita, wag mo na akong layuan pa....ALLYSON"