I'M TIRED

35 5 0
                                    

MAUREEN'S POV

Ouch! ang sakit. Akala ko sanay na akong masaktan pero masakit pa rin pala. "Goodbye Maureen" yun ang huling salitang narinig ko mula sa mga labi niya. Haist! ito na naman ako, naiwan mag-isa at lumuluha. Hindi ko talaga alam kung may mali ba sa akin o sobrang malas ko lang talaga pagdating sa pag-ibig. Sabi ng iba ang swerte ko daw kasi lahat nang nagiging crush ko ay nagiging boyfriend ko pero ang hindi nila alam walang tumatagal sa kanila

"Tsk! ang panget mo talagang umiyak" hindi ko na kailangan pang tignan kung sinu ang nagsabi ng mga katagang yun dahil iisang tao lang naman ang laging nagsasabi sa akin na panget ako kapag umiiyak at yun ay walang iba kungdi ang best friend kong si Koo Junhoe. "Oo na! panget na ako kapag umiiyak pero kasi naman bes masakit dito" natatawang sagot ko sa kanya pero patuloy pa rin sa pag-aagos ang mga luha ko habang nakalapat ang kanang-kamay ko sa aking dibdib.

Marahan niyang pinunasan ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki at pagkatapos ay ikinulong niya ako sa mga bisig niya na lagi niyang ginagawa kapag umiiyak ako. I instantly wrapped my arms around him kung kaya't mas lalo akong napahagulgol nang iyak. Hindi ko alam pero sa tuwing may nagko-comfort sa akin mas lalong akong naiiyak. "Tahan na Maureen, no man is worth of your precious tears. Someday, you'll be able find the perfect man for you Maureen Lei Gonzales" bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Halos sampung minuto na ang nakalipas pero ni-isa amin wala pa rin kumikilos kung kaya't hanggang ngayon ay magkayakapan pa rin kami. Kanina pa ako tumigil sa pag-iyak pero nakakulong pa rin ako mga bisig niya kaya amoy na amoy ko ang panlalaki niyang amoy, nakaka-adik nga amuyin kaya hindi ko pa magawang kumawala sa yakap niya.

"Mau, ayos ka na ba? Kanina pa kasi tayo pinagtitinginan ng mga taong dumadaan" bigla akong napahiwalay sa yakap niya. Nakakahiya! nawala sa isip ko na nasa park kami at maraming tao ang dumadaan dito, lalo na't hapon na. Baka akalain nila na masyado kaming PDA okaya naman ay naglalandian kami dito dahil sa tagal nang yakapan namin kahit hindi naman talaga >///<

"Oo medyo okay na ako. Salamat talaga Junhoe ha, dahil lagi kang nandyan kapag nasasaktan ako. Thank you for being my shoulder to cry on and for always comforting me" I sincerely said to him as I genuinely smiled at him. Kumunot lamang ang noo niya saka siya nag-iwas ng tingin sa akin. "Oo na, you're always welcome. No need to thank me every time you cried on my shoulder dahil kabisado ko na yang mga linyahan mo. At isa pa, don't used that smile on me dahil namumulubi na ako kakalibre ko sayo sa Sweet Haven" napatawa na lang ako sa sinabi niya saka ako humawak sa braso niya at pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa subdivision namin.

Sabagay totoo nga naman ang mga sinabi niya dahil sa tuwing matatapos akong umiyak ay magpapasalamat ako sa kanya at ngingitian ko siya na parang bata para ilibre niya ako sa Sweet Haven. Hindi ko naman sinasabing ilibre niya ako pero dahil may sweet bone sa katawan ang best friend ko, nililibre niya ako ng mga matatamis na pagkain para daw gumaan ang pakiramdam ko at hindi na ako magdrama pa.

"H-huy! saan tayo pupunta? Ayun na yung subdivision natin oh!" natatarantang tanong ko sa kanya. Paano ba naman, malapit na kami sa subdivision namin pero bigla siyang lumiko sa isang kanto. "Pupunta tayong Sweet Haven, ililibre na kita kahit namumulubi na ako. Baka kasi magdrama ka pa sainyo pagka-uwi natin" I smiled widely at him. Ha! hindi talaga ako matitiis ng best friend kong ito ^_^

"Thank you Junhoe! ikaw na talaga ang 'the best' kong best friend!" masayang wika ko sa kanya na kinatawa niya. "Obviously, ako ang 'the best' mong best friend dahil nag-iisa lang naman akong kaibigan mo" mapangasar niyang tugon sa akin kaya napa-irap na lamang ako sa kanya. Oo nga pala, nakalimutan kong siya lang ang kaibigan ko at ako lang din naman ang kaibigan niya dahil kaming dalawa lang ang nakakatiis at nakakasabay sa ugali ng bawat isa.

I'M TIREDWhere stories live. Discover now