Tanga ako?? Manhid ka naman!! (one-shot)

600 18 15
                                    

first time ko lang pong gumawa ng one-shot story.. sana po magustuhan nyo..

dedicated po sa kanya.. thanks po sa dedication nyo :D

Read.. vote.. comment.. be a fan :))

___________________________________________________________________________

CHELSEA's POV

hay! eto nanaman ako! nakatitig sa facebook profile ng ultimate/ long time crush ko na si Angelo Gonzales.. haay! chelsea, kelan ka naman kaya matatauhan??

hmp.. nga pala, ako si Chelsea Nicolas.. an average student.. average din ang beauty(sabi ko) pero sabi nila cute naman daw (bulag ata sila eh..). di masyadong matalino, di naman bobo.. bobo lang siguro pagdating sa love.. MAINLOVE DAW BA SA PINAKAMAYABANG na estudyante?!! 

eto na nga.. papasok na kong school nagmamadali na ko.. 2reasons.. una malalate na ko, pangalawa, excited na kong malaman ang score ko sa mga test! may kalakaran kasi samin, pagpinagsama sama ang mga test.. iaarange ang upuan highest to lowest! bongga.. pag mataas ako.. mas malapit ako kay angelo my---

'OUCH! -

ayan kakapantasya ko may nabunggo tuloy ako! laglag lahat ng gamit. nang makita ko kung sino ang nakabungguan ko, ayun pati puso ko nalalaglag! si..si..

'ay..s-so-sorry g-gelo.. --sabi ko habang pinupulot gamit ko

'tss.. sa susunod nga titingin ka sa dinadaanan mo! wag kang tanga!-- sabi nya pagkatapos nya kong tulungan sa pagpulot ng gamit ay umalis na sya

hay! nasabihan nanaman ako ng tanga! putek.. favorite word nyang sabihin sakin yun.. sakit lang X(

pagkarating ko sa classroom ay nakita ko agad si gelo na nagbabasa ng libro. umupo na ko sa upuan ko sa may gitna. dumating na din yung mga classmate ko. nang kumpleto na.. tumayo yung president namin na si mika sa gitna.

'good morning classmates.. nasa akin na yung test results.. so tayo na kayo para maayos na yung upuan for this grading period. --mika

tumayo na nga kaming lahat.. nang nasa likod na kaming lahat nagsalita na ulit si mika. 

'okay, for the top spot.. sit down on the first seat, with the average of 99 percent.. no other than.. Angelo Gonzales! --mika

'wooh! tol congrats! dapat pala di ka na umalis sa upuan mo kanina eh! hahaha --chris, bestfriend nya

'tol! peram nga yung utak mo sa susunod na grading! --classmate 1

'tss.. thanks guys.. magaling talaga ko eh.. unlike yung iba jan ..--sabi ni gelo sabay tingin sakin

nagtawanan tuloy yung mga classmates ko.. nanliit ako bigla, parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko! MOTHER EARTH SWALLOW ME!!

'enough guys! for the second place.. take your seat next to gelo.. with the average score of 97 percent.. chelsea nicolas! --mika

'wow girl! improving!! --anne, BFF ko.

'galing mo chels! --classmate 2

'salamat.. -- ako

uupo na dapat ako sa tabi nya, kaya lang nagsalita sya..

'tss.. 2 percent na nga lang oh.. tsk. --gelo

nagtawanan nanaman ang buong klase.. di ko na kaya.. lagi nalang nya k0ng pinapahiya!

'hoy mr.gonzales! ano? sasabihan mo nanaman ako ng tanga?? pasensya naman ah! kung di ako kasing talino mo?!! --ako

'hindi na sakin nanggaling yan ah! --gelo

hinampas ko ang desk ng upuan..

'alam mo?? napakayabang mo?! wala ka ng ginawa mula nung first year kundi ibully ako at ipahiya! nakakabwisit ka na! 

mukhang nagulat ang lahat sa outburst ko.. tumayo sya at akmang lalapitan ako pero lumayo ako..

oo na! tanga na ko! tanga sa academics dahil matalino ka! at lalong tanga dahil sayo pa ako nagkagusto! pero mas okay na yun.. dahil tanga nga ako.. atleast hindi naman manhid na kagaya mo?! --umiiyak na ko.. keber ko nalang sa kanila.. di ko na kaya eh!

'c-chelsea.. --gelo

'sana..sana..sana hindi nalang ako sayo nagkagusto!

lalabas na sana ako ng classroom. di ko na kaya.. lagi nalang akong umiiyak dahil sa kanya. pero bigla syang nagsalita kaya napatigil ako.

'wag mong sasabihin yan.. --gelo

huminto ako sa paglakad pero di padin ako tumutingin sa kanya..

 'hindi ako manhid.. --gelo

papalapit sya sakin.. ramdam ko..

'dahil kung manhid ako.. bakit ko nararamdamang mahal kita?? --gelo

nagulat ako at ang buong klase dahil sa sinabi nya.. napaharap ako sa kanya..

'h-huh?? --ako

'tsk. ayaw  sasabihan  ng tanga pero slowpoke ka naman! sabi ko po.. mahal kita.. --gelo

'sinungaling ka! kung mahal mo ko bakit lagi mo kong pinapahiya?! --ako

'syempre.. para di halata. tsaka baka marealize mo na the more you hate.. the more you love.. --gelo

di na ko makaimik.. 

'kaya chelsea nicolas.. hindi ako manhid... TORPE lang.. --gelo

'hooh! sa wakas umamin ka na din tol!! --chris, bestfriend nya..

'ayyiiieeeehhhh! --buong klase

'oh ano masaya na kayong dalawa?? tama na yang drama nyo.. magtabi na kayo! bawal PDA huh! --nakangiting sabi ni mika

'slowpoke.. upo ka na daw! --nakangiting sabi sakin ni gelo.

kinuha nya ang gamit ko at nilagay sa upuan, tapos hinila nya na ko paupo.. at eto na nga ata ang unang beses na natuwa ako ng sabihan nya kong slow.. :)))

__________________________________________________________________________

waah!!! ayos lang ba guys?? o wag na kong uulit?? hahaha.. comment nyo po ng reaction nyo.. vote na din pampasaya :D SALAMAT!

basahin nyo din po yung once upon a summer.. external link at the side :))

--Sekiya--

Tanga ako?? Manhid ka naman!! (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon