Jamie's POV
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang klase, niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas na sa classroom. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakasalubong ko na naman sya, walang ganang tinignan ko sya,
"Would you please move?"
"I will if sabay tayong uuwi"
"I will force you to if you are not going to move by yourself"
"Alright alright, ito na po" Iniwagayway nya ang kaniyang mga kamay at saka umusod, nagpatuloy ako sa paglakad at lumabas ng paaralan.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Ara. Isang napaka matalik na kaibigan ko noon, sa dami-daming nangyari noon, ayaw parin niya ako tigilan, the times when I was all happy, masaya kami noon, naguusap, nagtatawanan, tinutulungan nya ako pag may problema. Right after the event, I grew cold on everybody. Napakalaking epekto at pagbabago nun sakin. Lahat na din sila mga snob, yung tipong parang di na nila ako kilala. I felt like an outcast,
'I felt like nobody'
Pero, may isang taong tinuring parin akong kaibigan, at si Ara lang yun, sabihin na nating loyal sya sakin (Ang gulo... aayusin ko to pag tapos ko na tong book... *ehem ehem sadyang tamad lang talaga ako ehem ehem*)
"Hiii~" si Ara
"What?"
"Wala lang... Will there ever be a time na maging positive ka na ulit?" nakasimangot niyang sinabi. Nagkabit-balikat ako bilang sagot. Hanggang ngayon kasi di ako maka-move on, dahil don naging ganto ako. Napa buntong-hininga na lang ako sa naisip ko.
"Just try, andito parin naman ako para sayo eh, kahit wala na sya, sabihin na nating sila, andito ako, hinding-hindi ki-"
"Hindi Ara! Di mo kasi ako naiintindihan! Wala ka naman kasing ginawa eh, iba yung nararamdaman mo sa nararamdaman ko! Ako! Ako ang may gawa ng lahat! Nararaat lang talaga sakin ang mga ganitong bagay! Ako ang may kasalanan ng lahat! Tumulad ka na sa iba! Iwan mo na ako!" sigaw ko sa kaniya at di ko na naigilang umiyak. Masyadong masakit parin kasi sakin ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. Di ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw sa kaniya...
'Di ko napigilang saktan sya'
"J-Jamie, k-kahit anong m-mangyari, k-kahit anong sabihin mo, h-hinding-hindi kita iiwan" mangiyak-ngiyak niyang sinabi at bigla niya akong niyakap, wala na akong lakas para alisin iyon kaya pinabayaan ko na siya.
"Halika, punta na tayo sa bahay mo, onting lakad na lang naman eh" pinunasan niya ang mga luha ko at inalalayan ako sa pagtayo. Pumunta na kami sa bahay ko at dun na niya ako iniwan.
"Ge, alis na ako ah, baka pagalitan pa ako ni nanay pag di pa ako agad bumalik, inutusan lang naman kasi ako ni nanay na bumili ng patis para sa siniga-... Shit naiwan ko sa kalye! Ge bye na ah!" tumakbo na sya at kumaway sa akin. Bago pa man ako pumasok ay inayos ko ang sarili ko kasi ayokong makita ako ni Mommy na naiyak, isang katutang na tanong ang tatanungin nun sakin eh. After that, tuluyan na ako pumasok, naghubad ng sapatos at inilagay ang mga ito sa shoe rack, isinuot ko ang tsinelas ko at naglakad patungong sala upang mamahinga ng saglit.
"O sweetie, you're home! Come, please eat, kahit ngayon lang, jebal! (please)" nagmamakaawang sabi ni Mommy, kahit na cold ako ay mabait parin naman ako, tumango na lang ako at nakita ko na lumiwanag ang mukha nya (if that is even a thing XD)
"Yey, okay buti na lang masarap ang hinanda kong pagkain para sa atin!"
"Tawagin mo na ang daddy mo, nasa taas siya, namamahinga" tumango ako at pumunta sa taas, pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis at ilagay ang bag ko dun. Pumunta na ako sa kwarto nila at na kita si Daddy na nakaupo sa kama habang naglalaro ng... ROS? Di ko inaakalang naglalaro pala sya nun.
"appa, meog-eul sigan-ieyo" (Daddy, it's time to eat)
"jamkkan, naegai geim-eul machin hue" (Wait, after I finish this game) sabi niya habang nakatutok parin sa nilalaro niya
"Arraseo" (Okay) isinara ko na ulit ang pinto at bumaba. Sinabi ko to kay Mommy at pinauna na niya ako na kumain.
"How was school" she asked to break the silence
"It was fine" actually it was pretty boring
"Ok, I'm glad to hear" sabi niya habang tumatango tango pa.
Natapos na akong kumain at tumaas, may mga assignments ako kaya ginawa ko na. Pagkatapos non ay humiga na ako hanggang sa bumigat ng bumigat ang mga mata ako hanggang sa nakatulog na ako.
Mark's POV
Malungkot akong lumabas ng school upang umuwi, may kailangan gawin pa si James kaya di siya makakasabay sakin sa pag-uwi, wala naman ding training ng Basketball kaya maaga na akong nakauwi.
Habang naglalakad pauwi, nakita ko si Jamie naiyak habang yakap yakap ng isang babae, I guess kaibigan niya yun. Bakit kaya siya naiyak? May nangyari bang masama sa kaniya? May nanakit ba sa kanya? Sinaktan ba siya ni Kev? Sabi na nga ba eh, pinaghihinalaan ko na yun eh, lagot ka talaga sakin Kev pag nakita kita bukas. Pero, maaari naman ding di yun yung rason.
'Nasasaktan din kasi ako pag nakikita ko siyang nasasaktan, umiiiyak at malungkot, hindi ko kinakaya yun'
Hindi ko naman siya malapitan kasi bat naman ako makikigulo dun, baka magalit lang yun sakin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pauwi habang iyon ay nasa isip ko parin, di ko nga namalayan na nasa tapat na ako ng bahay ko eh. Anyways, pumasok na lang ako at inihubad ang sapatos ko, wala si nanay dahil nasa trabaho siya, si tatay naman sa abroad nagtatrabaho kaya mag-isa ako sa bahay ngayon. Pumunta na ako sa kwarto ko at gumawa ng assignment, pagkatapos non ay humiga na ako upang matulog. Hindi ako makatulog dahil may isang thought o sabihin na nating tanong ang nasa isip ko, hindi ko siya masagot-sagot.
'Ok na kaya sya?'
'Natutulog na ba sya ng maayos?'
'Kumain na kaya sya?'
Pinilit ko na lang pumikit hanggang sa nakatulog na ako.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
END OF CHAPTER
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Isang walang kwentang Author's Note ni Awtorr)
HAIIII
So, may mga parte na magulo at siguro mga maling baybay na din na nakapalibot sa istorya (WOW NAYS TAGALOG)
By the end of this book, irere-read ko ulit to para icorrect ang mga pagkakamali ko.
*D ako tamad ha.... dejk*
So.... Nagustuhan nyo po ba na tagalog yung POV ni Jamie o mas gusto nyo na ingles?
Sabihin nyo na lang sa baba kung ano yung gusto niyo
Sorry ho kung late ako nakapagupload Nawa'y patawarin nyo ako AHAHAHAH
Yun lng naman
BAI~
YOU ARE READING
He Changed Me
General FictionJamie was a positive girl, her dark past changed her personality and attitude, she became cold, cold as ice that it could not even break with any ways you could ever think of. Only one person can get her out of this cage. Who will it be?