Ala-una ng umaga ng dumating kami sa probinsiya ng Sta.Clara.
Ang probinsiya ng mommy ko dito siya lumaki at ipinanganak.
Kaya ng nagkaasawa si mommy ng foreigner.
Ay binalak na nila tumigil sa ibang bansa dahil nadin sa ibat ibang negosyo ng aking ama.
Napagpasiyahan niyang dito muna kami magtagal dahil mahina na ang lola ko si
"Lola Mel."Tinanggal ko ang salamin ko sa mukha dala nadin ng panlalabo ng aking mata ay pinunasan ko ito ng matanggal ang alikabok.
Medyo may pagkamoderno ang bahay ni lola dala nadin siguro ng ilang ulit na pagdaan ng bagyo sa Sta.Clara.
Ay nakakailan pagawa nadin ito para mas tumibay pa lalo ang tahanan kinalakhan ni mommy.
May iilan din kalapit bahay si lola na moderno ang bahay.
Ngunit mas napagtuonan ko ng pansin ang nasa kaliwang bahagi bahay na katabi ng kay lola.
Moderno ito at may pangalawang palapag.
Kaso napaghahalataan walang tao dahil sa ilang baging na nakapalibot sa kanilang mataas na gate.
At damo na matatas na halatang buwan na ang lumipas dahil hindi nalilinis.
Bitbit ko ang isang maleta at isang maliit na shoulder bag na naglalaman ng aking kagamitan.
Pumasok ako sa loob ng bahay ni lola pagpasok ko palang ay amoy ko na agad ang nakakaantok na langis na sumasamyo sa aking ilong.
Ito siguro ang madalas ipahid ni lola sa kanyang katawan.
Gamot daw ito sa ilang parte ng katawan niyang nanakit na.
Medyo malaki ang bahay ni Lola Mel may dalawa din itong palapag at apat na kuwarto.
Tatlo sa taas at isa sa baba na malapit sa sala.
Sa baba ang kuwarto ni Lola Mel marahil ay nahihirapan na siyang umakyat sa itaas at palaging nanakit ang kanyang mga tuhod dala na ng sakit na rayuma.
Pagpasok ko palang ay bumungad na sakin ang sala at ang kanyang malinis na kusina na madaming nakadisplay na plato sa harapan.
Namiss ko ang mga lutong pinoy lalo na't madalang nang magluto si mommy dahil madalas nadin siya nasa opisina.
Kakatapos ko lang ng kursong Nursing sa London kaya hindi na ako gasinong "nakakagimik"dala narin ng magdamag na duty.
Ay halos itulog ko na kinabukasan ang pagod ko sa pagtatrabaho.
Kaya laking tuwa ko ng balak umuwi dito ni mommy sa pilipinas.
Pinagresign niya nadin ako dahil balak niyang dito kami magtagal dahil narin sa kalagayan ni Lola Mel.
Nilibot ko ang paningin ko sa aking kuwarto nilapag ko ang aking mga dala at balak ko na lang ayusin ito pagkatapos ko mamahinga mamaya.
Katapat ng bintana ko. Ang bahay na nasa kaliwang bahagi ng tahanan ni Lola Mel.
Binuksan ko ang bintana sa aking kinatatayuan
at nilanghap ang sariwang hangin pumasok sa aking bintana.
BINABASA MO ANG
Your Slave
RomanceI'm inlove with Golem Fuetez in a long time ago. Mahal na mahal namin ang isat -isa nangako kami dalawa na kami talaga habambuhay. Ako lang pala. Kasi di naman kami nagiimagine lang ako. Anyways, Pero ngayon ko lang narealize na mejo shunga na ako...