Nagiikot-ikot ako ngayon sa bago kong school, hindi pa naman kasi time so may oras pa akong magikot.
Hayst ano ba yan? ang laki naman nitong campus, mukang kasya na nga dito ang barangay namin eh. Andito ako ngayon kung saan nakikita ang buong field nakaupo sa isang bench,napagod kasi ako magikot. Ikaw kaya ikutin mo rin ang malabarangay ( malabayan na yata eh) na campus kung hindi ka mapagod.try natin..
"Waah,ang gwapo nyo!"napatingin ako sumigaw at nakita ko ang grupo ng mga babae na kulang na lang maglupasay na dahil sa nakikita nila.
Tsk ganyan ba ang girls dito? Sana naman hindi para may maging kaibigan ako at tsaka mukha silang,hmm ano nga yun ulit? ah alam ko na "Slut" dahil sa iksi ng mga suot nila. Ano na yan? Paiksihan ng damit contest. Pumasok pa sila kung ganun para pa silang clown dahil sa make up.
Sinundan ko kung saan sila nakatingin at nakita ko ang naggwagwapuhan at ok they're so hot pero para saken ok lang sila.
And what the?! kaya naman pala parang kiti-kiti ang mga babae kung makasigaw, eh nakatopless ang mga ito showing their greek god body ang their pandesal . Di ko alam ang tawag dun sa nasa tiyan nila eh, sorry naman narinig ko lang yun sa matandang kapitbahay namin na tinawag yun na pandesal.hehehe peace.
Siguradong mga famous ito,impossible naman na hindi noh.
Umiling-iling na lang ako at tumayo na para hanapin ang building at class ko dapat pala yun ang una kong hinanap aissh.
Ako nga pala si Alexandrei Rimielle Bautista, ang panganay na anak ni Lauren at Miguel Bautista, may dalawa rin akong makukulit na kapatid na kambal.
"Ang hot nyo!"napailing na lang ako ulit sa mga aking naririnig ,hay mga walang magawa.
Biglang nahulog ang mga papel kong dala kaya pinulot ito, isang papel na lang ang aking kukunin ng may mga sumigaw pero hindi ko ito pinansin malay nyo hindi ako, pero malas lang.
"Miss watch out!" "Miss ilag!"
"May bola!" "Wag kang tatayo!"Inayos ko na ang gamit ko at tumayo na , na sana lang hindi ko na ginawa ; dun ko lang kasi napansin ang paparating na bola sa akin and before I can dodge it natamaan na ako at bumagsak.
Aray ko naman! ano ba yan?! First day na first day disgrasya agad. Aah my head is spinning.
Aray ang sakit, jusko.
"Hey miss, are you ok?"sabi ng isang tinig, I think its a boy's voice at tsaka muka ba akong ok?
"She passed out." sino ba sila?
"Do you think she'll be ok?"sa tingin mo magiging ok ako pagkatapos matamaan ng bola?
"Let's bring her to the clinic." ano daw? Clinic? Ayoko dun, no no..
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad saken ang mga gwapong lalaki naglalaro kanina. What the?!
Napabangon ako ng wala sa oras at dahil sa katangahan kong ito mas lalong sumakit ang ulo ko. Hayst naalaog yata.
"Careful miss."sabi nito at sinalubong ako ng isang pares ng mata, hmm brown eyes.
"Miss are you ok?"sabi naman ng isa, chinito ito at anong klaseng tanong yan?
"Do I look ok?"iritadong kong sabi sabay hawak sa tinamaan nga bola, bwiset ang sakit.
"Easy lang miss, nagtatanong lang."sabi naman ni kuya na may hikaw sa kaliwang tenga; eh sa hindi ko sila kilala, magagawa ko?
"Try kaya natin sayo tapos tanungin rin kita kung ok ka lang , gusto mo?" I said then glared at him.
Tumayo na ako ng dahan dahan, baka kasi sumakit lalo ang ulo ko medyo nahilo na ako mabuti na lang nasalo ako ni kuya chinito kundi bagsak na naman ako.
"Dahan dahan naman."sabi ni kuya tangkad at inalalayan ako ,napatagil pa nga ito hmm promblema nito?
although lahat sila matangkad pero sya yata ang pinakamatangkad
"Tsk, bat kasi hindi ka umilag?"tanong ng isa na kanina pang walang imik, akala ko wala itong boses.
Tumingin ako dito tsaka tinaas ang kilay sabay sabing,
"Bakit alam ko na ako ang matatamaan?" sya yata ang pinakagwapo parang syang animae, oh-em-gee yah snap out of it.
"Bingi ka ba para hindi marinig ang sigaw namin?"iritado nyang sabi, wow ha sya pa talaga ang may ganang mairita." Malay ko ba na ako. may sinigaw ka na pangalan?"
"Hindi kita kilala."walang gana nyang sabi, pambihira=_=
"Eh dapat nagbigay ka clue!" yan napapasigaw na ako, binibwiset ako nito
Nakatingin lang sa'min ang mga kasamahan nya, amusement and concern are visible in their eyes.
"Don't you know me?!"he said na parang pinipigilang sumabog,tsk away pa more Drei.
"Why? Do I have to know you?"pambabara ko, if he's pissed then I'm more pissed and beside my head really hurts.
He is already glaring at me but I didn't back down; yan ang turo sa'kin ni papa 'it doesn't mean I'm a girl ,I can not defend myself.
" Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ng iba
Kailangan ko ba talaga sila makilala?
Tiningnan ko sila ng - muka - ba - ako - nagbibiro- look.
Nagkatingin sila at parang naguusap sila through their eyes. Napailing na lang ako at tumalikod na dahil kukunin ko pa ang mga gamit ko.
Pero sa 'di inaasahan nahilo ako at biglang napaupo; naramdaman ko na lang na may gumalaw sa tabi ko.
"Hey miss you ok?." ilang beses na nilang tinanong sa'kin yan. Hindi ba sila nagsasawa?
" Huwag kang padalos dalos." pangangaral ng isa
Tumayo na ako at aalalayan sana ako ng mga ito pero hindi ako pumayag. I am fine anyway.
"I'm fine alright."sabi ko pero lahat sila ay may unexplainable reactions at parang may nakitang hindi kanais nais.
"Blood." What?
"Fxck you're bleeding." hysterical na sabi ni kuya chinito
Dali daling lumapit sa akin si kuya tangkad pero umiwas ako.
" oh shxt your nose is bleeding."sabi ni kuya animae
Hinawakan ko ang ilong ko at sa kamay ko dun ko nakita ang dugo. Ay lintek!
"Let's go to the clinic."sabi nya pero umiling na ako.
"I can manage."sabi ko at tumalikod na but before I can take another step I lost my balance because of dizziness but strong firm arms caught me.
"I'm taking you to the clinic." sabi nito pero umiling ako,ayoko dun ayoko ng alcohol.*__*
Aray ko ang sakit. Bwiset na bola na yan. Malas.
Someone carried me bridal style pero hindi ko na naaninag dahil hilong hilo na ko, may nagpupunas pa yata ng dugo eh.
Gusto kong imulat ang aking mga mata but darkness overcomes me.
To be continued...
YOU ARE READING
Heart Thief
RandomMagbibigay ng sakit sa ulo, manggugolo sa mga buhay nyo , magpapaiyak at lalo magpapakilig. Samahan sa kanilang paglalakbay sina 1st Drae at 2nd Drei hehehe.. Nakakalito ba? Ako rin eh nalilito. Isang cold guy na mas gustong magkulong sa kanyan...