AUTHOR'S NOTE: Sorry po kung ngayon lang ako naka dagdag ng part. Na busy kasi ako sa school eh, sorry po talaga. I hope magustuhan nyo po ang story. Comment po kayo.
"Chloe! Nang dito na si Gilbert! Bilisan mo raw! Nagtatampo na yata ang bakla!" batbat ni omma sa baba. [omma=mom]
First day of my Junior year sa Sword and Cross University. Ayaw ko na yatang pumasok eh, palaging binubully nila ako. Hay . . . sige na lang nga, one year na lang ang titiisin ko at matatapos na ang suffering ko at maka alis dito. I'm planning na sa labas ako magcocollege. Sa New York kasi nagwowork si appa [appa=dad]. Writer kasi eh, kaya ayon, fly to New York agad.
Kinuha ko ang bag ko sa kama at tumingin ulit sa salamin. Braided pig-tails ang hairstyle ko, well actually, everyday hairstyle. May side bangs ako, tapos nerdy glasses at braces. Plano ni omma na ipapatanggal na ang braces ko, almost 4 years na may braces ako, but iniisip ko pa. Kinuha ko ang phone ko sa dresser at nilagay sa bag ko, at bumaba na.
"Omma, nan galgeoya," sabi ko sabay halik sa pisngi ni mom. [nan galgeoya=i'm going].
"Okay, cheoli," sagot ni mom. [cheoli=take care]. Pumunta na ako sa pintuan at binuksan. Nakita ko si Gilbert na kumakain ng bubble gum.
"Hi Gilbert, sorry talaga kung natagalan ako," paumanhin ko sa kanya sabay pag bow. Nasanay na ako sa pag babow eh, half Korean kasi ako, kaya ayon. Sinira ko ang pinto at lumapit sa kanya na nagtatampo ang expression.
"Salamat at lumabas ka dyan sa pamamahay nyo. What took you so long? Aaahh! Di bali na nga. Hindi ko na hihintayin ang explination mo. At huwag ka nang mag sorry dyan. Malelate na tayo!" sabi ni Gilbert tapos hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang SUV nya.
Nagtatanong tong bakla toh tapos hindi ako ipapaliwanag. Loka talaga. Sumakay na kami sa SUV.
"First day of school pa naman at nagpapalate ka. Alam mo naman na terror teacher natin, tapos kung anong sumasalubong sayo na party," dagdag pa nito habang isinara ang pintuan.
Oo nga pala, bakla best friend kong si Gilbert. Hay, sayang talaga ang pagkakalalaki nito. May muscles sya, maputi, matalino at gwapo pa. Ano kaya ang nakain nitong baklang toh, kung bakit nagkakaganito? Talagang sayang, tsk. Bakit ba ang mga tao hindi kontento kung ano sila.
"Chlo, tigilan mo na yang pagnenerdy look mo. Hindi bagay sayo, at tsakam huwag mong itago ang kagandahan mo noh," matabang sabi ni Gilbert saka ipinaandar ang sasakyan.
"Alam no naman ako Gilbert, ganito na talaga ako. I prefer na maging nerd ako, kaysa maging walang utak na mga popular kids na yun," sagot ko sa kanya proudly.
"Hay nako . . . wag kana ngang magkunwari na hindi mo gusto maging popular sa school. Tanggalin mo na yang hoodie mo! Tinatago mo ang kagandahan mo ilalaim dyan! Tapos tinatali mo ang magandang at mahaba na buhok mo. Nako sister! Pwede ka ngang maging model dahil ang ganda ng height mo tapos ang skin mo . . . ang kinis! Ang katawan mo ay maganda rin. Matalino, maganda, mabait at palakaibigan! Jackpot kana noh. Kayam if I were you, hindi ko itatago ang ganitong biyaya ng Panginoon. Kaya ewan ko talaga sayo."
Sigh. Hindi naman ako nagkukunwari na hindi ko gusto. Ayaw ko talaga ang madaming attention, para ka na ring KSP na tao . . . Kulang Sa Pansin.
BINABASA MO ANG
Nerds vs. Beauty Queens [onhold]
Non-FictionMay transformation na nangyari kang Chloe before prom. Tapos naging kapanibago naman ang pagtingin nila sa kanya after prom. Mahal niya ang best friend niyang si Justin noon pa, pero hindi niya magawang magtapat. Nung gusto na siyang magtapat, bago...