Simula

5 0 0
                                    

June 7, 2018

Masaya akong naglalakad sa may kakahuyan hawak hawak ang envelope na may laman na portrait ni Andrei.Siya ang boyfriend ko at ngayong araw ay pang limang taon na namin.Napag usapan kasi naming magkita sa may ilog kung saan madalas kaming mag stay pagkatapos ng klase.Papanuorin ang paglubog ng araw ng mag kasama.

Napangiti ako sa labis na tuwa na nararamdaman ko ngayon.Limang taon na pala ang lumipas at matatag padin kami.Katulad ng ibang relasyon ay madami ding sumisira sa pag iibigan namin pero ni isa sa mga yun ay walang nagtagumpay.Siguro siya na nga ay.... mali siya na pala talaga ang makakasama ko habang buhay.

Pag karating ko sa dulo ng kakahuyan nakatayo ang makisig at napakagwapong nilalang na aking mahal na mahal.Siya'y bumaling sa aking direksyon at nagtagpo ang aming mga mata at siya'y ngumiti ng pagkatamis tamis.Pag baling niya pa lamang ay nagwawala na ang puso ko na tilang gusto ko ng takbuhin ang buong distansya namin at yakapin siya ng sobra.

Nginitian ko siya pabalik at nagsimulang lakarin ang aming pagitan.

Walang kapantay ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.Siya rin ay nilakad na ang aming pagitan sa sobrang kasiyahan ko ay tinakbo ko na ang aming pagitan at unti unti kaming nagkakalapit biglang...may pag putok ng baril at nakita kong..

Siya ay bumagsak na lamang at sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang envelope at inalo ang mahal ko.

"DREI!!!"

"A--ndrei mahal?Ti-tignan mo ako"ani ko at pinipilit na kunin ang kanyang atensyon

Tumingin siya at ngumiti na tila parang iyon ang huli .

" Mahal!Mahal!tumingin ka saakin please..please.."may nahawakan akong basa at tila amoy ng dugo.Nanginginig na inangat ko ang aking kamay at nakumpirmang dugo nga ito ay napahagulgol ako ng sobra.

"Ma-Mahal Cae?wag kang umiyak mahal --napatigil siya at na magsalita na parang okay lang lahat."--Ma--malulungkot ako niyan " Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti katulad ng lagi niyang ngiti.

Nanginginig akong nag tipa ng numero sa aming tahanan.

Sinagot iyon ng isa sa aming kasama.

"Hello Milendez residence sin-"

"A-ate Bering pa-pakitawag po si Boris n-na tu-mawag ng ambulansya nandito kami sa Ilog si- Andrei nabaril"

"Jusko!! Osge.... BORISS!! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!!"

Pagkatapos nun ay hinawakan niya ang kamay ko at

Kagat labi akong tumango sa pagpipigil ng aking paghikbi at nanginginig kong tinawagan ang numero ng aming tahanan multi .Pagkalipas ng minuto ay dumating ang ambulansya kasabay ng kotse na pag aari namin sumama ako sakanya sa loob ng ambulansya magkahawak ang aming kamay at nilagyan siya ng oxygen sa pagtulong ng kanyang paghinga.

"Madaming dugo na ang nawala na sakanya "

"Bilisan ninyo ang pagmamaneho "

Iyan ang pahayag ng mga Paramedic .

Pinipilit kong maging matatag at wag umiyak dahil masasaktan kolang siya lalo.Ayaw ni Drei nakikita akong umiiyak kaya pinili kong manalangin ng taimtim nalamang nagbabakasaling may himalang mangyayari.

Panginoon,alam ko pong malakas ako sainyo at naniniwala po akong makakaya namin ito.Tulungan ninyo po ang taong pinakamamahal ko,siya ang kalahati ng aking kasiyahan.Parang awa ninyo na po at bigyan ninyo po siya ng kaunting oras pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon