Baekhyun, ang Baklang Ama

3.7K 144 91
                                    

PROLOGUE

Masikip at may kadiliman. Malakas na tugtugan. Iba't ibang klaseng amoy ng alak. Mga lalaki't babaeng nagsasayawan. Sa lugar na ito ako dinala ng mga paa ko matapos akong palayasin ng ama ko nang malaman niya na ang isa niyang tagapag-dala ng apelyido ay hindi isang barako kundi isa palang Maria Clara.

Magulo ang isip ko nang dumating ako dito, siguro dala na rin ng malakas na pagkakasampal niya kaya siguro naalog ang utak ko. Imbis na humingi ng tulong sa mga kaibigan ko ay mukhang dito ako malilipasan ng gabi. Ang tanga ko.

Naupo ako sa sulok at umorder ng isang iced tea. Napatungo ako bigla at napaisip kung paano humantong ang lahat sa ganito. Aaminin ko, noon palang nakakaramdam na akong may kakaiba sa akin pero di ko kailanman inisip na magpakain sa isa ko pang pagkatao. Gusto kong maranasang maging normal na tao, normal na lalaki. Pero ngayon ay mas pinangibabawan ako ng kahati ko. Naloko na.

"Ilang oras mo ba tititigan yang inumin mo?"

Napadako ang tingin ko sa nagsalita. Isang babaeng... maganda. Di ko nalang pinansin at ininom ko nalang ang inumin ko.

"Aba snob ka ha." Nilingon ko siya pero di ako umimik. May mata, may ilong, may tenga. Psh, normal lang naman na babae maliban sa—ano kayang brand ng lipstick niya? "Sayang, ang pogi mo pa naman."

Pogi daw ako sabi niya. Bakit.. bakit di ako masaya? Oh baka naman mas gusto kong masabihang maganda. Maganda naman talaga ako ah. Ang gulo ko lang.

Nanahimik na kami pareho. Aba matindi din itong babaeng ito, ako iced tea lang ang kinaya pero siya may pavodka-vodka pang nalalaman. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko na pasulyap-sulyap siya sa akin habang unti-unti niyang nilalagok ang inumin niya. Ano ba girl, naiilang ako.

"Alam mo bang pinalayas ako sa bahay dahil lang bumagsak ako sa Math?"

Nabuga ko ang iniinom ko at di sinasadyang natapon pa ang laman. "Di kasi ako nagtitino kaya yan, bagsak. Kasalanan ko bang pinanganak akong bobo sa subject na yun?"

Umorder muna ako ng isa pang iced tea kasi naubos na, napunta ng mesa. Nung nabigay ininom ko muna bago nagsalita, "Grabe naman ang pamilya mo at pinalayas ka dahil lang diyan. Di ba sila nakokonsensya na matapos ka nilang palayasin ay dito ka napadpad?"

"Eh ikaw, di rin ba nakokonsensya ang pamilya mo na nandito ka rin?"

Boom. Huli ka, Baekhyun. Madaldal ka kasi.

Napangiti nalang ako nang mapait nung maalala ko ulit ang nangyari limang oras lang ang nakakaraan. Nakakatawa man pero nasasaktan akong sarili kong ama ay itinakwil ako. Ngayon di ko na alam kung paano ako mabubuhay. Ininom ko nalang ang kalahati ng laman ng baso bago magsalita, "Walang konsensya ang ama ko. Itinakwil na niya ako."

Tiningnan ko siya, ang mga mata niya nagtatanong ng bakit. "Kasi nalaman niyang bakla ako."

Biglang tumugtog ang 'Dark Horse' sa loob ng bar. Naging wild bigla ang mga tao sa loob pero ako at ang babaeng katabi ko ay nananatiling tahimik. Nakaramdam ako ng kaunting hilo, siguro dala ng amoy ng halo-halong alak at sigarilyo. Mas tumindi pa nung maubos ko ang isang baso ng inumin ko. Ayan kasi, may painom-inom pang nalalaman eh maski nga simpleng beer di ko kaya.

Walang ano-ano'y hinigit ako patayo ng babae at dinala sa gitna at sinayaw ako. Dala na rin siguro ng pagkahilo ay pinatulan ko ang pagsasayaw niya. Sumasabay sa tugtog ang katawan niya at ako nama'y sumasabay sa indayog niya. Lumipat siya sa harapan ko at tumalikod sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa leeg ko at parang nag-sexy dance.

Oh. My. God.

Bigla akong nailang kaya unti-unti kong linuwagan ang hawak niya. Humakbang ako paatras pero bigla nalang umikot ang paningin ko. Napahawak ako bigla sa kanya.

"Are you okay?"

"Y-yeah. I guess.." Hindi. Nahihilo ako. Umatras ulit ako at napansin kong nakahawak siya sa balikat ko at inaalalayan siguro paupo.

Tiningnan ko siya. Ano ba 'to? Bakit.. bakit biglang uminit? Ilang beses akong kumurap-kurap at inalog ko na ulo ko pero.. arghh. Mainit ang pakiramdam ko at nahihilo ako nang husto. Nagulat nalang ako ng niyakap niya ako sabay bulong ng, "Long Island iced tea ang na-order mo kaya ka nagkakaganyan. Good luck with the consequences," at napaupo ako bigla sa sofa.

You're such a dumbass, Baekhyun. Long Island iced tea has a very high alcohol content. Just sht.

Wala na akong halos makita pero alam kong nasa tama pa akong pag-iisip. Nakaramdam nalang akong may nakayakap sa akin. Ayoko, ayoko nang ganito. Tinulak ko siya at sinubukang tumayo pero napaupo ako ulit.

"Don't force yourself if you can't. Just.. just this night. Kalimutan natin ang mga di magandang nangyari sa atin, please. Just one night." Ewan ko pero I just agreed to what she said. Miserable ako ngayon. I feel broken. Kaya tumango ako sa sinabi niya. Naramdaman kong ngumiti siya, at biglang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.

Now let me forget everything.

Unang sampal sa aking ama.

Unang inom mula sa inuming hindi ko nakasanayan noon pa.

Unang sayaw sa kanya.

At unang halik galing sa babaeng di ko kilala.

Nangyari sa iisang gabi. Isang gabing dapat ay magpapaka-miserable ako. Isang gabing di ko inaasahang mangyayari. Nang dahil sa isang gabing puno ng kalungkutan ay mapapabago nito ang takbo ng buhay ko. Isang gabi na pagkagising ko, may supling na pala ako.

Ako si Baekhyun, ang Baklang Ama.

**

BABALA: Pawang KALOKOHAN ang istoryang ito, maniwala ka. Di ako seryosong tao kaya asahan niyong kalokohan itong gawa ko. Napanaginipan ko lang siya kanina tapos boom, heto na siya. Huwag masyadong mag-expect (kung babasahin mo man, lol). Makinig ka kung ayaw mong ma-disappoint. DEJOKE LANG HAHAHA! Pero seryoso puro kabaliwan at kabaklaan lang ang taglay nito.

Baekhyun, ang Baklang Ama (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon