1-of 1

2.3K 27 0
                                    

       "Will you marry me?" nakaluhod na wika ni Lancer habang hawak hawak ang isa niyang kamay at ang isang kamay naman ay hawak ang kanilang engagement ring.

       This is it!! Sabi na nga ba at magpopropose na siya. Their love was a whirlwind romance. Ilang buwan palang silang magkakilala at love at first sight ang nangyari sa kanila. Hindi niya inaakalang after 6months of getting boyfriend and girlfriend ay yayayain na agad siyang pakasalan nito. 

       Paano nga ba sila nagkakilala?

   Flashback

         '"Dalian mo Allijah malalate na tayo sa Boracay tour naten" nagmamadaling sigaw sa kaniya ng kanyang bestfriend na si Mellisa.

        "Wait lang naman. Huwag kang mag-alala hindi tayo maiiwanan ng airplane no."

        "Pst. Kahit na. Aba! Magseselfie muna ako sa airport no."

        "Kaw talaga kahit kelan selfie ang inatupag mo. Halos everyday pagmumukha mo nalang ang nakikita ko sa newsfeed ko."

      "Hehe kaw talag bestfriend masanay kana sa aken. Tsaka huwag ka na nga manermon diyan. Ienjoy nalang naten ang ating bakasyon dahil minsan lang to. Next week sagad na naman tayo sa work naten at malamang always tayong mag oovertime."

     "Yeah.yeah you're right. Halika na nga."

     "Malay mo dito tayo makahanap ng mga future jowa naten diba?"

      "Pag-big ang hanap mo bestfriend. Di bale alam kong makikita mo na yang future jowa mo sa bakasyon na to kaya chillka lang."

     "Oh yeah."

   Maya maya lamang ay sakay na sila ng eroplano papuntang boracay. 3days and 2nights ang nakuha nilang reservation. Uso kasi sa kanila yung mga promo ng mg travel agency dahil mura na. Nakakuha din sila ng one week vacation sa kanilang work. na stress na stress sila. Isa kasi silang writer sa isang magazine. Isa sa pangarap ng magbestfriend ang puntahan ang mga magagandang lugar sa Pilipinas at pag yumaman na sila ng bongga siyempre lilibutin din nila ang magagandang lugar sa ibang bansa.

    "Gumisisng ka na diyan Mellisa at andito na tayo"sabay yugyog niya kay Mellisa. Nagising nga si Mellisa at tumingin tingin sa bintana. Nakalapag na nga ang kanilang sinakyang eroplano sa airport.

    "Waaah!! Andito na tayo.Excited na talag ako. Wait best magseselfie lang muna ko." nagretouch muna si Mellisa at ng matapos ay kinuh ang samsung duos na cellphone at nagsimula ng magselfie at ng matapos ay inupload agad sa facebook at twitter account niya na may hashtag pa na #hereIcomeboracay.

    "Ang adik mo talaga sa selfie no? Tara na at nang makapagpahinga na tayo sa hotel. Tapos mamaya maya magswimming na tayo." Kahit kelan talaga isip bata ang kaibigan ko. Isip bata si Mellisa at ako naman matured na mag-isip dahil na din siguro sa mga pinagdaanan ko sa buhay.

   "Aye.aye captin"

   Pagkalipas ng dalawang oras nakarating na sila sa hotel na kanilang tutuluyan. Maganda na ang nakuha nilang hotel room kumpara sa mga hotel rooms na kasama sa mga ibang promo ng travel agency. Pang dalawahang tao sa isang room ayaw kasi nilang may makasama na ibang tao. They want privacy. Mahirap na baka manakawan pa sila.

  ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

  hanggang dito lang muna..

   akat23

    07.17.14

    

               

Fake MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon