DAOMING SI'S POV
*Dumilat, tumitig sa kisame, tumingin sa orasan at ngumisi na may bahagyang tawa*
"7 o'clock na. Bangon na azhi, madami pang dapat mangyari ngayong araw kaya wag kang pabagal-bagal, baka nag-aantay na si shancai."
"Ay nako kinakausap ko na naman ang sarili ko, kulang lang ata ako sa tulog, oo baka nga kulang lang ako sa tulog tama."
*bumangon na at pumunta sa banyo*
*natapos ng mag-ayos at handa ng umalis*
*pababa ng hagdan*
BUTLER: GISING NA ANG YOUNG MASTER DAOMING SI!! IPAGHANDA SYA NG MAKAKAKAIN NGAYON DIN!!
"Bakit kaba laging nakasigaw? maaga pa, may tulog pa tsk."
BUTLER: Ah eh pasensya na ho kayo young master, paraan ko lang ho yun para marinig ako ng lahat at makuha ko ang atensyon nila. At saka ho kayo nalang ang natitirang tulog sa buong bahay, lahat kame ay nagigising ng alasingko ng umaga para maglinis at asikasuhin kayo dahil kayo lang ang nasa mansyon at ang buong bahay..
"Ganon ba? sige sabihin mo sa lahat ng tauhan dito, magmula bukas alasyete na kayo ng umaga gigising at kung pwede lumayo ka saken pagsisigaw ka, pakiramdam ko basag na ang airdrum ng tenga ko sayo."
BUTLER: Paumanhin Young master, tatandaan ko ho lahat yan ah eh eardrum po hindi airdrum hehe. Maaari na ho kayong tumungo sa lamesa, luto na ang inyong umagahan.
"Ah basta! lumayo ka saken pag-sisigaw ka, Hindi na, ikaw nalang ang kumain non, kanila shancai nako mag-uumagahan saka pakisabe sa tagapag-luto dito sa bahay ay aralin ang mga luto at pagkaen ng ordinaryong tao ngayon din mismo. Wala namang okasyon palagi dito sa bahay kaya hindi kailangang laging mamahalin at madami ang pagkain. Hindi ako kakain ng luto nya kapag gawa paden ito sa mamahaling sangkap, maliwanag ba?"
BUTLER: Maliwanag po Young Master.
"Saka nga pala, aalis lang ako para sunduin si shancai, darating ang mga kaibigan ko, sila lei. Pag dumating sila at wala pa kame, paki-asikaso at paki-sabe antayin kami na dumating kung hindi pagsisisihan nilang lahat. Pag may nangyari dito sa bahay, ako muna ang tatawagan nyo at hindi si mama, wag nyo na syang abalahin pa, busy yun sa negosyo. Yun lang alis nako."
BUTLER: Masusunod po Young Master Daoming si.
*Nagddrive papunta kila shancai*
*tumunog ang cellphone*"ANAK NG.. -!!!"
*iginilid ang sasakyan at huminto*
Calling Ximen ...
"HELLO?!"
Ximen: Hello azhi? si Ximen to. Papunta na kame ni Meizou kanila Lei, tulog pa ata ang kolokoy eh tapos papunta na kame sa inyo, may gusto ka pa bang padaanan?
"Isama nyo lahat ng dapat isama, kayo na bahala, wala akong panahon mag-isip at kung pwede ba wag kayong tatawag habang nagmamaneho ako?! ayoko na ulet maaksidente!! Antayin nyoko sa bahay, susunduin ko lang si shancai, wag kayong aalis ha!? bumawi kayo samen dahil di nyo kame sinundo kahapon!!!"
Call ended
"Mga ungas nayon?! kinabahan ako dun grabe, hindi nako magdadala ng cellphone sa kotse."
XIMEN'S POV
Daoming si:
Isama nyo lahat ng dapat isama, kayo na bahala, wala akong panahon mag-isip at kung pwede ba wag kayong tatawag habang nagmamaneho ako?! ayoko na ulet maaksidente!! Antayin nyoko sa bahay, susunduin ko lang si shancai, wag kayong aalis ha!? bumawi kayo samen dahil di nyo kame sinundo kahapon!!!
BINABASA MO ANG
Meteor Garden Season 3
Fanfiction"True love conquers all and when two hearts are meant to be it doesn't matter who you are and what you are .." -this is my own version of Meteor Garden Season 3 kase nabitin talaga ako ending ng season 2 nila. Up until now, bilang avid fan, umaasa p...