Mula sa Unang Libro - Bahaghari

788 28 1
                                    

Panahon kung saan umalis na sila Hemira sa Pamilihan ng Panos pagkatapos maging pinakakampyon si Yohan sa tulong ni Hemira sa paligsahan doon.

Ang natatagpuan pa lamang ni Hemira na mga kasamahan ay sila Ariadne, Kirion at Yohan.

* * *

"Ang bigat-bigat naman nitong armor na 'to! Hindi mo na lang ako ibinili ng maayos na damit na hindi makakapagpahingal sa 'kin nang ganito! Parusa eh!" reklamo ni Yohan at napaupo na lamang sa damuhan saka sumandal sa malaking puno sa kaniyang likuran.

Habol niya ang kaniyang hininga sa pagod dahil hindi pa sanay ang kaniyang katawan sa bigat ng bago niyang baluti.

"Nabanggit ko naman sa iyo Yohan na kailangan mo iyan upang palakasin ang iyong mahinang katawan at proteksyon na rin iyan kung sakaling may bigla na lamang mang-atake sa atin." panunuyo ko sa kaniya upang hindi na siya mainis.

Umupo ako sa kaniyang tabi upang magpahinga na rin at hinubad muna ang aking lagan upang makasandal rin ako sa puno saka ibinaba iyon sa lupa sa aking harapan. Doon ko rin muna ipinatong ang librong si Aria na hindi pa lumalabas ang mukha simula kaninang umaga. Siguradong siya ay nagpapahinga.

Bigla namang umusod palayo sa akin si Yohan sa pagkaayaw niya na ako'y makatabi. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at nakahalukipkip pa dahil sa pagkaayaw sa kaniyang mabigat na baluti. "Tss. Anong proteksyon?! Parang papatayin nga ako ng bigat nito sa pagod!" reklamo pa rin niya.

Tumabi naman sa kabilang gilid ko ang leon na si Kirion. "Kung wala kang baluti ay isang bato lamang sa iyo ng punyal o kahit anong matulis na bagay ay mawawalan ka na kaagad ng buhay. Ilang beses ba namin kailangang ipaliwanag pa sa iyo iyon? Dahil nga sa iyo ay bumabagal ang ating paglalakbay." Tumingin muna siya kay Yohan bago umub-ob dahil siya'y matutulog na upang magpahinga.

Sinamaan naman siya nito ng tingin.

Tama naman si Kirion sapagkat hindi pa bumababa ang araw kaya maliwanag pa ang paligid ngunit napagpasyahan muli namin na magpahinga muna rito sa nilalakbay naming berdeng kagubatan dahil sa pagkahapo ni Yohan. Kapapahinga rin lamang namin ilang oroas pa lamang ang nakalilipas.

Kung dati ay sa gabi lamang kami nagpapahinga ni Kirion at Aria sa aming paglalakbay ay ngayo'y tatlong beses na sa isang araw dahil kay Yohan. Hinahayaan ko na lamang siya dahil naiintindihan ko naman na hindi pa talaga sanay ang kaniyang katawan na buhatin nito sa lahat ng oras ang kaniyang baluti.

Lalong hindi maipinta ang kaniyang mukha. "Ilang araw na lang ba bago marating 'yung pupuntahan natin?! Ang tagal-tagal na nating naglalakad! Kailangan pa ba talaga nating puntahan 'yon?!" sobrang naiinis niyang tanong habang kunot na kunot ang noo.

"Ito pa lamang ang pangalawang araw ng ating pag-alis mula sa pamilihan ng Panos at mayroon pa tayong tatlong araw na gugugulin upang marating na ang Nemos. Kailangan din nating marating iyon upang makita na natin ang ating susunod na mga kasamahan na roon matatagpuan. Sila ay sina..." Napa-isip ako dahil hindi ko maalala kung ano ang pangalan ng aming mga susunod na kasamahan kaya kinuha ko ang papel ng sikreto sa bulsa ng aking baluti at binuklat iyon.

"Eugene at Euvan nga pala." pagbasa ko ng mga pangalan ng aming susunod na mga pakay makasama.

Napatingin siya sa hawak kong papel. "Mas maganda kung puntahan na natin kung nasaan 'yung prinsesa n'yo tapos iligtas na siya. Malakas naman kayong tatlo nila Kirion ah. Kaya n'yo na 'yon para hindi na hassle sa 'tin pare-pareho! Akin na nga 'yan!" Inagaw niya sa akin ang papel ng sikreto at ipinakita sa akin iyon. "Anong mangyayari kapag nasira 'tong papel na 'to?"

Napakurap-kurap ako. "Hindi na natin malalaman kung sino ang huli nating makakasama sapagkat si Eugene at Euvan pa lamang ang ikaapat at ikalima sa inyo na aking batid na ating makakasama."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hemira, Nakatagong Mga PangyayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon