The Past 2..

9 0 0
                                    

Flashback

From: Ka

"ANO BA DANIEL?!!! ANO BA ANG PIPILIIN MO!!! AKO O ANG LECHENG BASKETBALL NA YAN!!!"

Sabi sakin ni Karen ngayon.. Si Karen pala ang girlfriend ko medyo matagal na din kaming magkarelasyon pero ewan ko ba lately parang di ko na siya mahal.. Nakakapagod at nakakasakal naa kasi ang ugali niya.. Di ko na nga alam kung mahal ko pa ba siya o hindi na.. Kaya napa isip ako ngayon kung pipiliin ko ba siya o ang basketball.. Pero ayoko na ring saktan pa siya at ayoko na ding magkunwari na mahal ko pa siya kaya ito nalang ang sinabi ko sa kanya.

To: Ka

"Ka.. Ayokong saktan ka at magpanggap na mahal pa kita kaya makikipaghiwalay na ako sa iyo.. Mahal pa kita pero di na kagaya noon.. Di ko alam kung bakit biglang lumaho ang pag-ibig ko sayo.. Patawarin mo sana ako.. Alam kong makahanap ka pa ng iba na mamahalin mo ng higit sa pagmamahal mo sa akin at mamahalin ka nang sobra at mas papasayahin ka.. Siguro hindi lang ako ang para sayo.. Wag mong sabihin na may iba ako.. Kasi wala talaga at never pa kitang niloko.. Hanggang dito nalang Ka.. Mag-iingat ka palagi."

Oo hiniwalayan ko na talaga siya kesa naman tumagal pa tong relasyon nato at mas masakton ko pa siya lalo.. Sorry talaga Karen naglalaho na talaga ang pagmamahal ko sayo. Sana mapatawad mo ako.

Agad naman siyang nagreply...

From: Ka

"Daniel wag mong gawin sakin to.. Pleaassee.. Nagmamakaawa ako sayo.. Kaya kong masaktan wag mo lang akong iwan.. Sobrang mahal kita higit pa sa sarili ko.. Please naman oh.. D ko kayang mawawala ka.. huhuhu.."

Text nya sa akin.. Pero patawad Ka di na talaga magbabago ang isip ko.. Ayokong awa lang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ang relasyong ito.. Alam ko na makakahanap ka pa ng ibang lalaking mamahalin ka higit pa sa pagmamahal mo sa akin balang araw..

To: Ka

"Sorry Ka but d talaga magbabago ang isip ko.. Don't make this hard for me please.."

Naawa talaga ako sa kanya.. Alam kong mahal niya talaga ako.. Pero dapat kasi sa isang relasyon two-sided. Dapat mahal ng dalawang tao ang isa't isa at hindi one-sided lang. Nagtext naman si Ka agad.

From: Ka

"May iba ba Daniel?.. Kaya madali lang sayo na makipaghiwalay sa akin?.. Sabihin mo ang totoo.. Wag mo akong gagohin.. Please!"

Napaisip ako dun ha.. May iba ba talaga kaya bigla nalang naglaho ang pag-ibig ko sa kanya.. Wala naman siguro.. Ewan ko ba.. Nagugulohan ako.. Oo aaminin ko may nakita akong babae last week sa school.. Pababa siya sa hagdan at ako naman ay paakyat.. Mukhang nagmamadali siya nun.. Napatitig ako sa kanya.. Sobrang ganda kasi niya at nung papalapit siya sa akin ay ngumiti siya bigla at hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib at parang may paruparo sa tiyan ko.. Alam nyo yung feeling na parang biglang huminto ang  mundo?.. Yun ang naramdaman ko sa oras na yun.. Napatulala ako sa kagandahan niya.. Para siyang anghel na hulog ng langit.. Bigla namang bumalik naman ang malay ko nang may narinig akong sumigaw sa akin..

"Hoy!! Daniel tulala ka diyan ha.. Baka magtulo laway ka na dyan pagkatapos ha." Sabi naman ng bestfriend kong c Lloyd.

"Gago ka talaga ka pre!.. Tayo na nga baka malate na naman tayo sa Pol Sci class natin.. Mapagalitan pa tayo ni Ms.Aquino" sabi ko naman sa kanya.

Simula nalang ng araw na yon ay lage na siyang pumapasok sa isip hanggang pagtulog siya pa din ang panaginip ko.. Ewan ko ba kung pag-ibig na ba ito.. Pagkatapos ng araw na yun ay di ko na siya nakita.. SIno kaya siya at ano kaya ang course niya.. Sana makita ko siya ulit..

Ayy nakalimutan ko pala.. Sasagotin ko pa pala si Ka.

To: Ka

"Wala akong iba.. Ikaw lang talaga.. Pero ayoko na.. Tigilin na natin to.. Ayokong awa nalang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ang relasyong to.. Sorry ka.. Hanggang dito nalang talaga."text ko sa kanya.

Pagkatapos nun ayy di na siya nag-reply..Patawad ka.. Sana mapatawad mo ako balang araw..

Pagkatapos ng ilang buwan ay nagka ayos din kami ni Ka.. May bago na pala siya agad agad.. Magkaibigan na din  kami ngayon.. I think yun naman talaga ang nakakabuti sa aming dalawa.. Ayy.. oo nga pala.. Nakita ko na siya ulit.. Kaibigan pala siya ng kaklase kong si Mark.. Angel pala ang pangalan niya.. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya.. Mukha kasi siyang anghel eh.. Nabalitaan ko din na niloko pala siya ng ka fling2 niya noon.. Kapal talaga ng mukha ng lalaking yun.. Di bale na Angel liligawan kita at magiging akin ka din at di na talaga kita papakawalan kelanman..

When Cupid hits you..<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon