"Wala ng mas papangit pa sayo,. Ang pangit mo!"
"Ang baho mo, Uso ba ang ligo sayo ni-minsan 'ata di kita nakikita basa ang buhok mo!"
"Umalis ka dito, Layas ka. Ikaw ang dahilan sa polusyon ng pinas!"
Ako nga pala si Miraculous Angelique Sanchez, Kung gaano kaganda ang pangalan ko, salungat sa itsura ko at ayan ang mga kataga na madalas ko marinig sa araw araw na ginawa ng Diyos ni-hindi ko man lang malaman kung bakit sila nagagalit sa akin. Una sa lahat wala ako ginagawa masama. Oo pangit ako. Pinagsakluban ng langit at lupa, Hangang sa nasanay na lang ako. Sa mata ng mapanghusgang lipunan.
"Manong, pabili po ako ng Ice Cream."
"Bakit may pambili ka ba?"
Maging ang Manong na nagtitinda ng Sorbetes ay di naniniwala sa akin, Iniisip ko na lang talaga na gawa ba talaga ako ng Diyos, Sabi nila anak sila ng Diyos ngayon nagtataka ako saan ako nagmula, saan ako gawa o di kaya sino ang may gawa sa'kin.
"Di na lang 'ho, Manong. Maraming salamat!"
Tinalikuran ko na lang kaysa makipagtalo pa ako sa kanya na mukha ba ako walang pera, I have my own money at sabihin na natin may kaya ang pamilya ko. Kung sinasuggest niyo na magpaderma at opera ako, We tried, but it will always Failed. Kung ano ano na 'rin na beauty products ang sinubukan ko ilagay sa mukha but I guess di talaga tinatablan ang mukha ko. Hay 'wan ko ba? Mabait naman ako. Siguro 'nong nagpaulan ng kagandahan wala ako sa bahay namin. Kaya ganon di nila ako nainformed.
Nakatayo ako sa may nagtitinda ng mga damit at sapatos mukhang mamahalin lahat ng tinda nila, pumasok na ako mahirap na baka walang pumasok gawa ng nasa labas ako ng pintuan nila. Masisi pa ako bakit wala silang benta, ayoko ng ganon. Kaya mas minabuti pa magtingin tingin na lang din ako.
Habang naglalakad ako, sa isang sulok may babaeng umiiyak. Siyempre ayoko na din maghimasok sa kung ano problema ng ibang tao, Mahirap na baka ako pa mapagbintangan 'nong nakaraan kasi ako na nga tumulong ako pa napagkamalan na kasabwat ng mga snatcher dyan sa Lawton. Oo sa ganito itsura di na ako magtataka kung may pupuri sa akin. Sa rate ko ng 1-100, 00 lang ang pupuri.
"Ayoko na, ayoko nang gamitin ka. Di ka na bagay sa paa ko, Dyan ka na ulit.." at patuloy pa din ang pagiyak niya.
Hindi ko na ulit narinig ang boses 'nung babae, Naglalakad na ako patungo sa sakayan pauwi dahil wala na ako makita na magandang bilhin birthday pa naman ng Mama ni Christian, Si Christian ay ang boyfriend ko at mag-5 years na kami. Di ko alam pero thankful pa din ako kay Lord dahil kahit ganito itsura ko na di 'man lang ako biniyayaan at ayaw sa akin ng mga tao sa paligid ko there is one person who will truly loves you.
"Hi moosh!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Christian. "Nakabusangot ka nanaman."
"Hindi ako nakasimangot, baliw ka!" bigla ba naman kasi ako hinalikan sa harap ng maraming tao.
"Tara na" yaya niya bigla.
Habang naglalakad kami pauwi ni Christian may nakita ako isang babae, Siya 'yung umiiyak kanina dahil sa sapatos niyang pula, Di ko alam pero 'nung sinulyapan ko siya ang ganda naman ng sapatos niya at ang ganda niya din, Makinis maputi siya, pero 'bat ganon? Ano ang kinaiiyak niya.
"Moosh, lapit tayo dun saglit." Out of the blue ko sinabi kay Christian na agad naman nagpatianod.
"Saan?"
Nilapitan ko 'yung babae siya nga 'yun, pagkalabit ko sa kanya bigla ako nagulat. I don't wanna sound rude but to be honest she is way more uglier than me, well atleast kahit alam kong pangit ako I still have may teeth medyo bulok nga lang ang iba. Secret na 'yun kung saan banda.
"Ano 'yun?" Di niya na soot ang sapatos na pula. Tinignan ko siya mula ulo hangang paa at sobrang pangit niya na kung pangit na ako sobra ano pa siya, Sorry sa pagiging honest. I told you before ako 'yung suki ng mga taong mapanghusga, Maga pa din ang paa niya pero 'yung sapatos na pula ang ganda niya bongga sa tingin ko bagay sa paa ko 'yun, Iba ang pagkapula niya at may taas na takong na nasa 2-3 inches.
"Ayaw mo na ba ng sapatos na iyan."
Turo ko 'don sa sapatos, batid ko naman naintindihan niya kaya agad siya tumugon agad gamit ng pagtungo.
"Oo, maganda nga ang sapatos na ito. Gusto mo?"
Nagulat ako sa alok niya, Napatungo na lang ako "Magkano ba?"
Umaliwas bigla ang mukha niya, "Libre na, sayo na lang iyan." Sabay abot ng sapatos na pula na naka-paper bag. "Alis na ako."
Tuwang tuwa ako na binigyan ako ng libreng sapatos na mukhang mamahalin talaga, Di sa wala ako pangbayad, Natuwa ako gawa ng may libre pa pala sa mundong ibabaw. Bibihira na lang ang ganon sa panahon ngayon.
"Tara na moosh, matutunaw na lang ang sapatos sa kakatitig mo."
Bago 'man kami tuluyan makaalis ni Christian bigla tumakbo ang babae sa akin.
"Please be careful.. It might hurt you and make you suffer 'til the end." At tinalikuran na ako. Nagulat ako. Literal na gulat, Hindi gulat na dahil sa biglaan niya pagiingles, Gulat na nakatingin siya ng matagal kay Christian bago siya tumitig sa akin. Nakita ko ang expression sa mukha ni Christian na parang nabobored na kasi nga ang tagal nga namin umalis.
Magtatanong na sana ako sa babae pero bigla ako nakaramdam ng inis sa katabi ko na agad ko naman sinampal si Christian, Gawa 'nung warning 'nung babae.
"Babae mo ba 'yun?" Mangiyak-ngiyak kong tanong at isa lang sagot sa akin ni Christian.
"Baliw ka, Di ko nga kilala 'yun. Tara na nga umuwi na tayo sa amin, Birthday ni Mama!"
Nang matapos na ang birthday ni Tita, Hinatid na ako ni Christian sa bahay agad ako naligo at nagdive na agad sa kama sobrang pagod talaga ngayong araw na 'to. Wala 'man lang bago.
Sinilip ko ang paper bag nandon pa din ang pulang sapatos grabe ang ganda niya talaga nagtataka ako bakit iniiyak iyak ng babae ang sapatos na ito. Well, siguro ay hindi na kasya o nagsusugat siya. Binalaan niya pa ako tungkol sa boyfriend ko na lolokohin ako. Nilapitan ko muna ang sapatos bago ko matulog.
"Ang ganda mo, sana bagay ka sa paa ko."
YOU ARE READING
THE RED SHOES
HorrorMatagal na niyang hinahangad ang pagiging maganda dahil buong buhay niya hindi niya kailanman naranasan maging masaya dahil sa kaniyang itsura hinuhusgahan siya, Ngunit sa di inaakala naging mabait 'ata ang panahon sa kaniya at binigyan siya ng pagk...