I : soul

47 4 0
                                    


Ako si Andrea Sanchez, 16 years old. Target ng mga bully sa school dahil sa big glasses at braces ko. Lagi rin akong nakayuko. Hindi ako lumalaban kaya napag iinitan palagi.

"Hoy Panget! Bili ka ng juice nauuhaw kami at bilisan mo! Kung ayaw mong masapal" si Stacey, ang reyna ng mga bully. Siya ang dahilan kung bakit maraming nangbubully sakin. Parang siya ang namimili kung sino ang pwedeng i bully dito sa campus.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan niyang puno ng make-up ang mukha. Na halatang nakikisama lang sa kanya para sumikat at di ma bully. At mam bully.

"Opo" agad akong umalis bago pa may idagdag. Napayukom nalang ang kamao ko dahil sa pagpipigil na lumaban. Alam ko kasi na wala akong laban sa kanya. Black belter siya at mayaman. Dagdagan mo pa ng mga kaibigan niya na ang tutulis ng mga kuko.

'Haay~ ubos na naman allowance ko' Kahit isang beses hindi sila nag bigay ng pera para pambili ng kung ano-anung gusto nila. Pera ko tuloy ang nagagamit. Pati pag iipon ko nahinto. Sa takot ko pa naman na masaktan ng pisikal. Hindi ako pwedeng masaktan dahil maaapektuhan part time job ko sa fast food. Kung hindi dahil sa sweldo ko, baka pilay nako ngayon.

Pagdating ko sa vending machine ay nakita ko si Damon na nakasandal sa machine.

'Patay ako nito' Kung si Stacey ang reyna ng mga bully, ay si Damon naman ang hari ng basagulero. Ayun sa haka-haka ay madali siyang mapikon at mababa ang pasensya. Kaya di ko magawang makalapit.

Isang machine lang meron dito sa building namin. Wala na rin akong oras para pumunta sa ibang building dahil malapit ng matapos ang lunch break.

'Anong gagawin ko?' Pag di ko nabili ang juice nila Stacey ay patay ako. Pag lumapit naman ako kay Damon ay patay rin ako.

Kailangan kong mamili ng hindi masyadong magpapasakit sakin. Si Stacey at mga kaibigan niya o si Damon na nag-iisa lang? Hindi naman siguro ako sasaktan ni Damon dahil babae ako. Pero wala daw siyang pinipili.

'Haaay~' Bahala na nga.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa machine. O kay Damon.

Nakasandal siya sa bibig ng machine kung saan lalabas ang napili mong juice. Napaisip ako na kapag pumindot ako at lumabas ang juice ay kusa siyang aalis.

Kaya iyan ang ginawa ko. At habang pinapasok ko ang coin ay muntikan kong mabitawan dahil sa panginginig sa takot. At nasabi ko ba kanina pa siya nakatitig sa bawat kilos ko?

Ng lumabas na ang mga juice ay naghintay ako na umalis siya.

Pero hindi man lang siya gumalaw sa pagkakasandal sa machine!

Wala na akong magagawa, no choice na.

'Sana mabuhay pa ko matapos nitong gagawin ko'

"A-an-ano? Pu-pwede k-ko bang ma-maku-ha ang m-mga juice ??" nakayuko kong sinabi. Hindi ko siya magawang tignan sa mukha. Ni wala akong matignan sa mukha!

Napalunok ako ng hindi parin siya umaalis.

Wala nakong oras! Tatakbo pa ako pabalik kay Stacey!

"p-ple-please?" Sinubukan ko ulit. 'Please Damon maawa ka sakin! Bubugbugin ako ni Stacey!'

Sawakas! Tumabi siya!

Nag bow ako ng konti bilang pasasalamat at agad na kinuha ang mga bwisit na juice.

Nag bow ulit ako habang yakap yakap ang mga juice bago umalis at tumakbo papalayo sa kanya.

'Phew~' Nakaraos din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden Cursed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon