Gianna's POV
"Beeeeees!" Lumingon ako at nakita ko ang best friend kong nakangiti habang papalapit sakin. Napangiti nalang ako.
"Oh, wag kang tumakbo baka atakihin ka nanaman pag napagod ka." Tumawa lang ito at tumabi sakin.
Nasa may bench na may mesa ako ng university. Dito kami madalas tumambay ni Yna saka ni Kate, mga kaibigan ko.
Third year college na ako at bus. ad. ang course ko, ganun din sila. Sila din naman kasi ang mag mamanage ng mga negosyo ng magulang nila.
Tahimik lang akong tao, pero tumatawa naman kong may nakakatawa. But all in all tahimik lang ako dahil mahilig akong mag basa ng libro.
Nag dorm ako, dahil nasa probinsya ang mga magulang ko. Hindi naman ako ganung kayaman para pantayan ang mga kaibigan ko. Scholar student lang ako, dahil nag valedictorian ako nung highschool.
Free lahat, kaya dito ko naisipang mag aral dahil magandang eskuylahan ito at dito ko din nakilala ang mga kaibigan ko ngayon.
Tanging sari-sari store lang ang pang kabuhayan ng mga magulang ko. At farmer naman si Tatay sa strawberry farm sa probinsya. Habang ang mga kapatid ko naman ay nasa highschool at elementary pa lamang.
Kung hindi dahil sa scholarship na ito, hindi ako makakapag aral. Hindi naman kasi kaya nila Nanay na pag aralin ako.
Masyado kasing magastos ang college, kahit sa probinsya magastos na din ang college. Kaya nung highschool nag sikap ako, para maging top sa klase. Gusto ko kasing makapag aral ng college kaya ginawa ko ang lahat dahil may scholarship daw ito. Kaya nag sikap ako para makuha yun, at nag tagumpay nga ako.
Nang makakuha ako ng scholarship, pinapili ako kung saan ko gustong mag aral. At ito nga ang napili ko.
Nung una, sobrang kabado ko dahil maynila ito. Nakakatakot dahil na din sa bali-balita sa TV. Pero kinaya ko para sa pamilya ko, gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay. Kaya kahit mahirap, tiniis ko dahil inspirasyon ko ang pamilya ko.
Isang taong nalang at makakatapos na ako. Nag working student din ako sa tapat ng school na coffee shop, gusto ko kasing dalhin sila Nanay sa sikat na restaurant sa manila pag kagraduate ko.
Kaya ito ako ngayon, student sa umaga at trabaho naman sa gabe. Apat na oras lang shift ko, dahil 11pm ito nagsasara kaya 6pm palang andun na ako.
"Okay lang, dala ko naman palagi yung inhaler ko." Sabi nito at ngumiti. Napailing nalang ako saka binalik ang tingin sa binabasa ko.
"Bes, may kwento ako sayo!" Tumango lang ako. "Kilala mo si Timothy? Yung varsity player? Di ba? Sa engineering building. Yung kinukwento ko sayong crush ko, kahit na masungit."
"Oo, yung unang taong sinungitan ka." Natawa naman ito. "Nakuha mo!"
"Oh, bakit?" hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa libro. Wala si Kate ngayon, busy sa student organization. Malapit na kasi ang intramural sports, at secretary siya.
"Beeeeees! Nakatingin siya ngayon sa gawi natin. Waaaaa! Okay ba mukha ko? Wala bang dumi?" Napahinga ako ng malalim saka siya tiningnan. Umiling ako.
"Hays, grabee! Ang gwapo niya talaga kahit ang sungit sungit." Nakinig lang ako sakanya habang nag ku'kwento siya.
Pero nung hindi ko na siya pinansin tumahimik ito, kaya sinilip ko siya. Busy siya sa phone niya, ini-stalk nanaman ata yung crush niya.
Napatingin ako sa building ng engineering, at tama nga si Yna andun yung taong kinukwento niya kani-kanina lang. Nag iwas ito ng tingin ng matamaan niyang nakatingin ako sakanya.