SA pagitan ng dalawang baryo, ang San Isidro at San Sebastian, nakatayo ang tinatawag nilang Haunted House. Marami ang nag sasabi na maraming kababalaghan daw ang nangyayari doon. Marami na rin ang nag patunay, lalo na pag sumasapit ang gabi.
Ang sabi sabi ng mga taong dumadaan doon pag galing sila sa kabilang baryo ay bigla na lang daw nag liliwanag ang bahay. Ang iba naman ay may nakikitang nag iisang ilaw sa loob ng bahay. At ang iba pa ay sabi'y para daw may kasiyahang nagaganap sa bahay, kahit wala naming nakatira doon.
NGUNIT sa lahat ng storyang nag kalat may isang binata at dalagita ang hindi naniniwala sa mga naririnig nilang mga kwento. Sila ay sina Nathaniel at Alexa, ang dalawang matalik na magkaibigan.
HABANG nag iisip ng gagawin ang dalagang si Alexa ay bigla siyang napatingin sa burol sa gitna ng kanilang baryo at sa kabilang baryo. Naisip niyang pumunta doon nang mapatunayan niya kung totoo ba talaga ang mga storyang nag kalat tungkol sa bahay sa gitna ng burol.
"Alexa, narinig mo na ba ang usap usap na naman tungkol sa haunted house na yun?" Tanong sa akin ng isa kong kaibigang si Janine. Dalawa lamang ang matuturing ko na kaibigan dito, yun ay sina Janine at Nathaniel lamang.
"Ano na naman ba ang mga pinag sasabi nila? Hindi naman totoo." Tumayo na ako at nag lakad sa daan papuntang burol. Ngunit napahinto ako ng marinig ko pa ang boses ni Janine.
"San ka pupunta, Alexa? Wag mong sabihing pupunta ka talaga doon? Baka may mang yaring hindi maganda sayo." Sabi sa akin ni Janine at halatang natatakot siya na pumunta ako doon.
"Pupunta ako doon. Mapatunayan ko lamang na hindi totoo ang mga nabuong storya tungkol sa bahay na yun. Tara! Samahan mo ako." Yaya ko sa kanya.
"Ayoko . Ikaw na lamang ang pumunta, baka kung ano pang mang yari pag pumunta ako doon." Sabi naman niya sa akin.
"Bahala ka diyan kung ayaw mo'y ako na lamang ang pupunta." At tinuloy ko na ang aking pag lalakad. Ang layo ng bahay na yun sa baryo naming.
Nang nandito na ako ay namangha ako, ang ganda ng bahay. May mga tumutubong bulaklak at halatang na aalagaan ang mga ito. Baka naman may nakatira talaga dito o taga bantay ng bahay o kaya'y may hardinero na nag tatanim ng mga halaman na yan, na sambit ko sa aking sarili.
"Tao po! May tao po ba dito?" tanong ko sa kawalan. Linibot ko ang paligid ng bahay. Ang ganda talaga dito. Tanaw na tanaw mo ang malawak na karagatan. Nang nag sawa na akong mag libot at walang nakitang tao ay nagpag pasyahan ko na lang na pumasok sa loob ng bahay.
Nang pumasok siya sa bahay ay nakakagulat talaga ang kayang nakita. Nag tuloy tuloy na siyang pumasok at kamangha mangha talaga ang bahay, kay linis nito na parang may taong nag aalaga at nag lilinis dito. Na alala niya ang mga halaman sa palibot ng bahay, baka yung hardinero ng bahay ang nag lilinis dito, sabi ko na lamang.
At linibot niya ang unang palapag ng bahay. Nang may marinig siyang parang nag bukas ng pintuan.
"Sino yan?"
Papunta na siya sa pintuhan para tingnan kung sino ang pumasok, ang nakita niya...
Itutuloy~
BINABASA MO ANG
Memories in Haunted House
Romance(This story is not horror, Romance po ito and parang Pocketbook style na rin) TADHANA lang ba ang gumagawa ng paraan para mag sama ang dalawang taong nag mamahalan? Naniniwala ka ba sa multo? Maniniwala ka ba kung sasabihin kong mas magaling pa ang...