Panimula

37 4 0
                                    

Panimula.

Isa sa mga ayoko ay ang First Day of School, masyadong nakakaimbyerna! Lalo na kung Transferee at Walang Kakilala ni Isa.

Kung hindi lamang talaga kailangan lumipat ng eskwelahan ay hindi na talaga ako lilipat

"Ang ganda naman nya! Gusto ko syang Kaibiganin, kaso Mukhang Mataray."

Narinig ko ang bulungan ng mga nasa harapan ng upuan ko, parang pinag uusapan yung babae sa Pinakadulong harap.

Jusko! People nowadays, masyadong judgemental. Naku! Kung di lang lumipat ang pamilya ko ay hindi na Sana ako Mangangapa ng Kaibigan, i have a bunch of friends noon sa school ko.

Yun nga lang, hindi sila gusto ng daddy ko because of their attitude. Ako din, some of my friends ay masyadong maarte! Spoiled Brat, nakakainis pero magpapatalo ba ako? Of course not. Ako ang pinaka rebel but not maarte.

"Hi Miss Pwede Umupo?." Tanong ng kung Sinong Babae saakin.

Hindi ba nya nakikita? Bakante ang upuan at isa pa HINDI NAMAN AKO ANG MAY ARI NG SCHOOL SO HINDI AKO PWEDENG PUMILI NG KATABI!!!

"May choice ba?." Tinaas ko pa ang Kilay ko sakanya pagkasabi ko noon.

Nagbibiro lang naman ako pero kung seryoso s'yang tao pwede nyang seryosohin iyon, tumaas din ang kilay nya bago magsalita. Woah! Palaban ang isang to!

"You're kidding right?." Sagot niya saakin

Ang taray ng mukha. Bakit sino ba sya?

Umupo na sya bigla. Wala nang pasabi. Nakakainis! Hindi ko siya magiging kaibigan ang tantiya ko.

"Incase you are wondering who I am, I'm Grayline Buenavista you can call me Gray. Ikaw? What's your name?." Ayoko na! Ayoko na talaga. Punyeta! Hindi naman kami ganito ka-OA kapag first day. Parang Normal na school day lang ang first day saamin!

Ayoko na mag-aral, kung pwede lang talaga! Umiwas ako ng tingin sakanya at umirap sa hangin. Mukhang hindi ko kakayanin ang Isang ito!

"Sungit mo naman!." Sabi niya na parang pinipilit padin na maging close kami!

Kakaasar, anti-social man ang tawag basta ayoko!

Tumango lamang ako at muling Umirap sa Hangin. Tangina! Nakakarindi na. Sana pwede pang lumipat ng Room.

Hindi na siya dumaldal muli dahil dumating na ang teacher namin para sa subject na iyon. Buti naman! Hindi na ako Makatiis Deretsahin ang Isang iyon!

"Since you know each other na, transferee nalang ang magpapakilala" Tumingin ang guro sa hawak niyang papel at binasa ang nakasulat rito.
"Lianne Tinley Aguilar from Aquila University?." Tinawag ng guro ang pangalan ko at nagtaas ako ng kamay

Pinapunta ako sa harap at pinagpakilala

Wala akong masyadong sinabi. Pangalan ko lang at edad pagtapos ay umupo na ako.

"Ah, Lianne Tinley pala name mo nice to meet you!" Galak noong isa yung kumausap saaking madaldal.

"Okay, nice to meet you too din, Grace." Ngumiti akong tamad tsaka tumango.

"Oh! It's Gray not Grace." Irap niya, ngunit ngumiti din.

Hindi ba nakakaramdam ang isang 'to? Halata naman sigurong Tamad akong kausap at hindi ako Interesado.

Tinanguan ko nalang sya' at diretso muli ang tingin ko sa blackboard

Hindi ako ganon ka-friendly, so i don't know how to communicate with others lalo't hindi ko masyadong kilala ko hindi ko pa matagal na nakakasama

Break na, I look like a nerd here! So lonely jusko, i hope mayroong akong kilala from my old school.

"Huy! Ano sabay tayo? Tara libre kita." Aya saakin nung katabi ko. What? Ano sa tingin nya I'm poor? The hell! Hindi ko na talaga matiis kung hindi lang ako bago kanina ko pa sinampal ang isang ito.

"Go. I'm fine." Nginitian ko sya ng plastik at bumaling na sa aking cellphone. Wala akong balak mag break dahil wala pa nga akong kilala.

"Dawn!! Ano? Tara na." Napatingin ako sa nagsalita sa labas. Ang dami nila at mukhang iwas lahat sakanila ang karamihan sa studyante. Hinitak na ako ni Dawn patayo at hinila palabas.

"Uy Gray! Who is she? Transferee?." Tanong nung isang lalaki. Pogi ang isang ito ang manly pa ng boses.

"Oo! Transferee. From Aquila Univ." Tango ni Gray sa lalaking pogi. Pagdating namin sa cafeteria dumeretso kami sa isang table na may dalawang babae at isa pang lalaki na nakaupo

"Hi. What's your name?" Tanong nung lalaking pogi at inabot yung kamay na. Tinignan ko lang iyon at tinaasan ng kilay.

"Lianne Tinley Aguilar name nyan. Suplada eh." Nagkibit balikat si Gray nung sinabi nya iyon at humalakhak.

"Ah kaya pala type ko. My name is Ivan Louie Ibañez." Sabi ni Ivan yung pogi. Tapos kumindat pa. Eww! Not my type.

"Ingat ka dyan Tinley. May pagka-chick boy yan!" Humalakhak ang isang babae sa kabilang seat kaya napabaling ako napangiti din ako sa sinabi nya.

"Anong may pag ka? Chickboy yan! By the way I'm  Bellatrix Villafuentes." Nakangiting saad noong Bellatrix. Ngumiti din ako, medyo magaan na din ang loob ko sakanila.

Nagpakilala na silang lahat at kumain na kami then they discussed about things that i don't know.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon