Hindi na Nakakatuwa

10 3 1
                                    

Di ko alam kung paano nagsimula
Noong una ay isang kapwa kamag-aral lang kita
Crush ng aking best friend
Tinutukso ko pa kayo dahil doon
Isang beses naging magkateam tayo
Naalala ko pa noong minsan kukuhanan sana kita ng larawan ng palihim para isend sa best friend kong may crush sa'yo.
Epic iyon, dahil nakaopen ang flash ng phone ko, ano pa bang mukha ang ihaharap ko sa'yo?
At di ko alam kung bakit ako natatawa habang gumuguhit ako kasama ka.
Sinimulan tayong asarin ng leader natin pero walang epekto iyon sa akin dahil para sa best friend lang kita.
Ako ang tumutukso sa inyo ng kaibigan ko.
Isa akong supporter niyo.
Pero bakit ganon?
Paano napunta sa atin ang kwentong dapat sa inyo ng kaibigan ko?
Bakit biglang napunta sa akin ang pwesto na sana'y sa kaibigan ko?
Walang malisya sa akin iyong panunukso nila sa atin dahil alam ko ang totoo
Wala kang nararamdaman sa akin
Ngunit habang tumatagal may umuusbong dito sa puso ko
Masyado na akong naaapektuhan sa panunukso nila sa atin.
Laging ikaw ang laman ng isip ko.
Isang araw, nagising nalang ako
Hulog na hulog na sa'yo
Pero alam kong wala kang balak na saluhin ako.
At hindi iyon nakakatuwa.

AimlessWhere stories live. Discover now