1

9 0 0
                                    

CHESKA

Nagsimulang gumuho ang mundo ko, este nagkaroon ng kulay ang noo'y wala lang na okay lang na buhay estudyante ko, ito ay nung araw na nakaharap ko sya, oo nagkalapit yung dating halos kilometro na ang layo. Gusto kong isiping tadhana pero ang totoo, isa nanamang panaginip na papaasahin ako dala ng pagpapantansya, isang katangahan na dati pa naman ay tinataglay ko na. E bakit ba? Masama bang umibig sa taong hindi ka kilala? Masama bang humanga sa lalaking pinagpala ng talento ni bathala?

Lahat naman siguro sa atin e naranasan iyon, ang magmahal ng hindi humihingi ng kapalit, ang magmahal kahit na palihim, ang magmahal kahit sobrang sakit...

Pero chos ko lang naman. Ang alin don? Syempre yung huli, kasi di ko panaman nararanasang masaktan, as if naman? Wala akong boyfriend at kung may gusto man akong maging boyfriend sya na yun...

Sya.

  "Heeeeey girl may may may mayyyyyyy anghel oh em giiiiiiiiiiiii! Girl dalian mo punta ka dito sa tabi ko at ng makita mo kung sino ang paparating dito, shocks naman ohh siya ba? siya nga ba?" may pagkaexcited na sabi ni Sandra, si Sandra na isa sa matalik kong kaibigan mula pa noon. Sya yung masasabi mong best of the best kasi susuportahan ka niya sa lahat ng bagay. Tulad ngayon, "Ayan na syaaaa!" sabi niya pa habang yung dalawang palad pa niya ay nakalagay sa magkabilang pisngi niya yun nga lang hindi ko naman naiintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero sa isip ko lang ay patungkol ito sa mga crush niyang varsity player dito sa school, ganyan kasi yan kapag kinikilig. Pag may nadadaan lang dito sa room namin ganyan na sya, para bang kinukuryente talaga.

At ako naman 'tong excited din, agad agad na lumapit sa kanya. Nasa may malapit siya ng mga bintana kaya nadudungaw niya kung sino yung mga studyanteng dumaraan at napapadpad dito sa kasuluk sulukan na room namin. Ang room ng mga pinaka-low class, aaminin ko low i.q ako kaya andito ako pero hindi naman yun sobra, nasa tama lang naman. Sa tingin ko lang naman. SIGH

"OMG Iskaaaa!" Yeah, oo, yes, ako si Iska. Asawa ni Isko, charot. Seryoso, ako nga si Iska, pero syempre naman hindi yan ang tunay kong pangalan. Ako nga po pala si Cheska Yamzon Pineda, tawag lang sa akin ang Iska, pero duh? Di naman yan bagay sa itsura ko. Kahit na hindi ganun kataas ang level ng i.q ko aminado naman akong may kagandahan ako noh. Chos. "Yung si si si si Papa P mo ohhh??" pagpapatuloy niya. Pero ano daw? Papa Piolo? Pero hindi e, isa lang naman kasi yung Papa P ko at yun ay walang iba kundi si PAUL JOHN na PJ dapat pero gusto ko P lang. Sya si ultimate dream boy ko. Si Paul John Salvacion, na hanggang tanaw, sulyap, at tamang stalk lang, ang kaya kong gawin sa kanya.

O M G! Can I shout out loud now? Naku teh, english yun! SIYA! SIYA! SIYA NGAAAA! At papunta siya dito. Obvious naman, kasi kaisa isang room lang dito to e!

Anak naman ng pusit ohh? Di pa ako ready, hindi pa ko nag aayos ng hair, di pa ko nakakaharap sa mirror ko aysst. Paano na 'to? Unang paghaharap pa mandin namin ito haynaku.

Pero ang galing naman talaga ohh, Sya palang yung sinasabi ni Ma'am Ruiz na may magsasubstitute sa kanya na isang student, pero hindi lang basta basta student kasi TOP STUDENT daw, meaning to say nasa SECTION A siya. Pero hindi ko inexpect na siya ang idadala sa amin, as if naman kasi pipiliin niya ang section namin.

"Waa" gigil ko bigla, e kasi namin papalapit na nga sya.

"Gaga! makakurot ka naman sa bilbil ko parang gusto mong mapunta sayo ahh?" pagrereklamo ni Sandra, super nanggigigil kasi ako na ewan na di ako mapakali, yung tipong naka close fist tapos kurot sa kaibigan tapos gigil, ayst kinikilig ako sa crush ko e!

"Oyyy iskaaa! Kung sigurong yung bawat kurot mo na yan ay nakakabawas ng bilbil ko ay naku hinding hindi kita babawalan! Pero alam mo girl? Masakit eeeee" pero hindi ko parin siya pansin, busy kasi ako kakasulyap sa mala anghel na nanggaling sa langit para ibigin ko. Ang pogi naman talaga baby!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Kilig ver 2.0Where stories live. Discover now