Sadist Ghost

2 0 0
                                    

2015

Matagal ko nang binalak na umalis sa pinagtatrabuhan kong cafè bilang isang part-timer dahil sa aking oras.
Madalas kasi akong nakanight-shift kaya inaantok nako pagdating sa eskwela.

Ako ay isang Psychology student na nagaaral sa St.Lawrence University sa lubao,pampanga.Ang pinagtatrabuhan kong cafè ay ilang metro ang layo sa eskwela ko.Madalas natatapos shift ko ng 3:40a.m kaya may 20 minuto pako para makauwi at umiglip.

Minsan naman akong nakakatulog sa biyahe kaya nagpapahinga nalang ako sa may bandang puno sa tabi tabi,medyo mapuno ang daanan dito at walang ilaw na umaaninag sakin,madalas naman akong naka-alarm in case na baka makatulog ako hanggang 7:00,ang oras ko para pumasok.

Bilang cashier,mahirap magmanage ng magisa sa counter lalo na at ako lang ang may shift pag madaling araw,kasama ko ang cafè barista na si Evan at ang waiter na si Chris

Sabado ngayon at nakashift ako,madami ang mga kustomer kaya nahirapan akong magoperate,sa cashiering,galing manila ang mga iba na pumasok sa cafè at nagbiyahe lang pabalik kaya humigop muna sila ng cafè bago lumakbay muli.

Oras na ng matapos ako sa trabaho ko,nagpalit nakong damit at dumiretso na sa kotse ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko at humarurot na papunta sa highway.

Nagpatugtog ako ng mga pampa-gising na kanta kaya di ako kaagad inantok.

Lumingon ako sa tabi ko at kinuha ang phone ko na nakatabisa bag ko na nakasandal sa tabi kong driver's seat.

Nang makadaan ako sa isang street lamp,napansin kong wala namang ganito dati,nakakaaninag ang ilaw ng streetlight pero may nakita akong hugis ng isang damit,nang makalayo nako,napansin ko ang isang imahe ng babae.

Umabante ako at tumigil sa tabi ng poste,naiwan kong nakabukas ang pintuan,kung sakaling may sumugod sakin kasi naging taguan daw ito ng mga mamatay tao noong unang panahon.

Nang makalapit ako sa poste,nakita ko ang bakas ng pulang marker sa may bandang gitna...
Nakasulat ay AME18291...

Ewan ko kung namimilik mata ako o hindi kaya tinignan ko yung plate number ng kotse ko..

Papano?...

Nakakatakot na dito kahit ngayon ko lang nakita ang poste na ito pero nakasulat na ang plate number ng kotse ko..Imposibleng may nag-vandalize nito at kakilala nito,dahil WALA naman akong kakilala dito.

Except nalang sa mga kaklase ko,pero hindi naman siguro sila hihinto sa isang poste para kabitan lang ng plate number ng kotse ko.

Nagmadali akong tumakbo patungong kotse ko at dumiretso na sa daan.

Lumamig ang aircon ngayon ewan ko kung bakit pero hindi ko na lang ito pinansin.

Katapos ng ilang minuto nakaramdam ako ng isang kurot sa tiyan ko.Kasabay nito ang malakahoy na pumalo sa tiyan ko,narinig ko ang pagpalo pero wala namang bagay na tumama sakin.

Bigla namang nasabunot yung ulo ko at napalingon ako sa likod.

Wala namang tao,pero may naiglap akong mukha ng babae nung lumingon ako sa likod,ng biglang tumunog ang horn ng kotse ko,tumuloy nako sa pagdrive at kahit di sagap ng mata ko ng maayos ang nakikita ko..Alam ko na hindi ako magisa sa kotse.

Sadist GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon