Hintay (One Shot)

26 2 0
                                    

Day One

3 days. Kaunting araw nalang natitira sa akin. Kaunting araw na dapat sulitin. Pero sa natitirang araw ko ay hindi ko pa alam ang mga dapat na gagawin. Ni wala nga akong kasama sa paggawa e.

"Tiwala lang Mat! Tiwala lang!" Sabi ko habang nakatingin sa salamin at inaayos ang buhok.

Purbida! Ang hirap magtiwala, lalo pa't bilang nalang ang mga araw mo. Busit na Progeria 'to. Bakit ba kasi ako pa ang napiling biktimahin. Batay sa nabasa ko, isa lang sa labing-walong milyon na tao ang malas na matatamaan ng sakit na 'to. Parang galit ang mundo sa akin dahil ako ang napili. Mas malala e wala pang cure, nakakamatay!

Papalabas na ako ng bahay, pagbukas ko ng pinto ay biglang sumalubong sa akin ang isang abot tingang ngiti ni Isra. Walanjong bata 'to ah.

"Kuyaaaa Maaaat" Akmang yayakapin na niya ako pero bigla akong umiwas at nagpatuloy sa paglalakad pababa ng bahay. "Kuya Mat sandali lang po" Pahabol na sigaw niya. Pero di ko na naisipan pang lumingon.

Laging nangungulit ang batang 'yon. Nakakairita na, lalo pa't palagi niyang sinasabi na...

"Kuya Mat gawa tayo ng bucket list"

"Kuya gawa po kayo ng magandang memories"

"Kuya bakit hindi mo ako pinapansin, baka mapunta ka po sa hell niyan"

"Kuya sige na po, para ma meet mo po si Papa Jesus na masaya ka po"

Nakakairita sa tinga, pinapamukha na mawawala na talaga ako. Tss bucket list? Nong kwento non kung mamamatay na naman din ako. Magandang memories? Bakit madadala ko ba 'yon sa langit? O kahit sa impyerno pa yan, wala akong pake!

Mas gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Ang magsaya.

Andito ako ngayon sa isang maingay na lugar. Madilim, may ilaw nga pero iba iba ang kulay at paikot ikot pa, nakakahilo, masakit sa mata. Andaming tao, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagsasayawan, nag-iinoman at, a-aaatt, wala nevermind.

Bar pala 'tong napasukan ko.

Aalis nalang ako, hindi ito ang tamang lugar para magsaya. Tatalikod na sana ako para lumabas ng biglang may nagsalita at hinawakan ako sa balikat.

"Tol kakapasok mo palang aalis ka agad? Aba hindi pwede 'yan" Matangkad siya, malaki ang katawan, at may balbas. Adik ba 'to? O bouncer? Hahaha baka dancer dito? O kaya guard? Kahit ano pa yan wala akong pake.

"Pake mo ba?" Pasigaw na sabi ko kasi maingay dito, sabay inalis ang kamay niya sa braso ko. Tsaka ako umalis. Maninira pa ng araw e.

Uuwi nalang siguro ako. Nasayang ang isang araw ko nyeta.

Habang naglalakad papuntang pintoan ay nasilayan ko na naman ang batang iyon na naka upo sa may hagdanan.

"Hoy bata! Hindi ka talaga tit----"

"Isra po ang pangalan ko kuya" Pilosopo to ah, alam ko naman pangalan niya.

"Isra hindi mo ba talaga ako titigilan? Bakit ka nandito? Gabi na, hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo? Saan ka ba nakatira ng maihatid kita. Ang kulit kulit mo ah" Patuloy ko na sambit sa kaniya. Bigla akong nagulat sa reaksyon niya. Parang naiiyak pero pinipilit parin na ngumiti. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang nakokonsensya, gusto kong bawiin lahat ng nasabi ko, pero hindi na pwede.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hintay (One Shot) Where stories live. Discover now