Unang Kabanata

398 14 5
                                    

-Ang Unang Kabanata-

"Sa buhay ng tao, marami ang nangyayari. Marami ang mga taong nakakasalamuha na hindi mo a-akalain na magiging parte ng buhay mo." Mahinang sabi ng dalaga habang nililipat ang pahina ng libro. Tumango-tango ang dalaga.

Tama ang nasa libro. Nasisiyahan siyang magbasa dahil sa mga magagandang nilalaman ng libro ng may bigla na lang tumapik ng balikat niya.

"Ikaw si Lexie hindi ba?" Mahinhin na tanong ng babae sa kanya. Sa palagay niya ay mga kasing edad lang niya ang dalagang nasa harap niya.

"May nagpapabigay daw sa'yo nito." Saad ng babae at binigay ang isang sulat sa kanya. Napailing nalang si Lexie habang nakangiti. Nasanay na siya na bawat araw ay may nagbibigay ng sulat sa kanya. Minsan ay nasa locker na niya ang iba na may mga kasama ang chocolate. She looked at the girl then smile.

"Pakisabi na salamat sa nagbigay," Tumango ang babae at nginitian pabalik si Lexie. "At salamat din sa'yo sa pag-abot sa akin nito." Saad ni Lexie habang sinusuri ang sulat na bigay na nasa kamay niya.

"You're welcome. At isa pa hindi ko kilala ang nagbigay niyan sa akin. Basta na lamang niya inabot iyan at pinasasabing ibigay ko daw sa'yo." Tumingin muli si Lexie sa dalaga.

"Ah, ganun ba? What's your name?" Tanong ni Lexie sa babae. Mahaba ang buhok ng dalaga na aabot sa may siko nito. Ang mga mata naman nito ay kulay brown na parang isang kape. Katamtaman din ang puti nito. At ang mga labi naman nito at mapupula na natural at walang halong make-up.

"My name is Amber Samantha Mercillas." Sabi nito at inabot ang kamay kay Lexie.

"Nice to meet you. I'm Lexie Chanelle Ramirez." Tinanggap ni Lexie ang kamay nito at nginitian ng matamis.

"Friends?" Tanong ni Amber kay Lexie. Ngiting tumango ang dalaga at nag thumbs-up.

Totoo nga ang sinabi sa libro. May mga taong hindi mo a-akalain na darating sa buhay mo. Magaan ang loob ni Lexie kay Amber kung kaya naman ay hindi nagdalawang-isip ang dalaga na makipagkaibigan kay Amber.

"Friends."

----

Nagpunta sina Amber at Lexie sa cafeteria upang doon kumain. Nalaman ni Lexie na bago palang daw si Amber sa  University kaya naman napagpasyahan niya na ilibot ang kaibigan sa paaralan.

"Ako na ang kukuha ng order natin. What do you want to eat?" Tanong sa kanya ni Amber.

"1 drinks and 2 burgers lang." Tango lang ang naging sagot ni Amber kay Lexie at naglakad na paalis para kuhanin ang kanilang order.

Habang hinihintay ni Lexie si Amber ay napagpasyahan niyang kunin ang kanyang cellphone at naglaro rito. Tutok na tutok s'ya sa paglalaro ng bigla na lamang may nag pop na message sa kanyang cellphone.

From: 094********

You're so beautiful baby.

Imbes na matuwa siya sa 'compliment' na ibinigay sa kanya ay kinilabutan pa siya dito.

"You're so beautiful." Mahinang sabi ng dalaga. It's either may picture siya nito o kaya naman ay pinagmamasdan siya ng taong nagmensahe sa kanya.

Nagtaasan ang mga balahibo niya sa naisip. Hindi man lingid sa kaalaman niya na marami siyang stalker at marami ang mga nagkakagusto sa kanya ngunit iba ang pakiramdam niya sa taong ito. Pinang-kikilabutan siya.

Napagpasyahan niyang magpadala ng mensahe habang nanginginig na pinipindot ang bawat letra sa kanyang cellphone.

To: 094*********

Who are you? How did you get my number?

Sent.

Pigil ang hininga niya habang iniintay na magpadala ng mensahe ang taong iyon. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone ng biglang tumunog ito. Senyales na may dumating na muling mensahe sa kanya.

From: 094*********

Patience baby. You'll know it soon. But always remember that i am here. I can see you.

Mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya. She turned off her phone and put it in her bag. Lumibot ang mata niya sa loob ng cafeteria. Ngunit parang wala namang kahina-hinala siyang nakita. Napaigtad siya ng may maglapag ng tray sa lamesa.

"Hey, are you okay? Is there something wrong?" Napahinga sya ng malalim ng makitang si Amber lang pala iyon. Napangunot naman ang noo ni Amber habang nakikita na parang namumutla ang kaibigan.

"Lex, what happened? You look pale. C'mon, let's go to the clinic." Umiling-iling si Lexie at pilit na ngumiti. Lexie doesn't want Amber to worry about her. Gustuhin man niyang sabihin ang nangyari ay hindi pa niya masyadong kilala ang kaibigan. Kahit na palagay ang loob niya sa dalaga ay kailangan pa'rin niyang mag-ingat. Hindi pa niya masyadong pinagtitiwalaan ang kaibigan.

"No. It's nothing. I-i'm just nervous. May quiz kasi si Sir mamaya. Baka hindi ako makapasa." Tumango-tango naman si Amber at ngumiti. Tila ba napaniwala niya ang kaibigan sa excuse na ibinigay niya.

"Ah, ganun ba? 'Wa kang mag-alala. Makakapasa ka. Tiwala lang." Pilit na ngumiti siya sa kaibigan at sinimulang kumain. Hindi pa'rin mawala sa isipan niya kung sino ba ang taong nagpadala sa kanya ng mensahe. She's curious to that guy yet she's scared and nervous to him. What if masamang tao pala ang nag-text sa kanya?

Pilit niyang inalis ang nangyari kanina at nag-focus sa pagkain.

'Lexie, it's nothing. Maybe he's just playing with you. Don't worry about him.' Paalala ni Lexie sa sarili.

Ngunit hindi alam ni Lexie na may isang taong naka-ngisi habang mataman siyang tini-titigan.

'Soon baby. Magkakasama na tayo. I'll get you, by hook or by crook. Just wait for me.' Sambit ng lalaki sa kanyang isipan bago nagpakawala ng isang tawa. Isang tao na nakapang-ngi-ngilabot at hindi mo gugustuhing marinig.

-J.A

Series 1: His Untold ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon