Amytist Grey's POV
*lunch time*
Papunta kami ngayon ni Alex sa Canteen.Panay daldal ni niya tungkol sa lalaking nakilala niya.
Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Alex dahil siya ay maganda, madaldal,masiyahin at higit sa lahat ay mayroon siyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
" Gwapo sana siya pero parang siyang pipi hindi siguro iyon marunong magsalita.Ang weird niya parang napakacold niya." kuwento lang ng kuwento si Alex hanggang makarating kami sa canteen.
"Ahhhhh! Grey!tingnan mo siya yung sinasabi kong lalaki sayo!." sigaw niya habang tinuturo ang lalaking nakaupo sa isang table na may kasama pang isang lalake.
Agad ko namang tiningnan iyon.Totoo nga napakagwapo siya maputi,matipuno,at mukhang napakacold.pero mas nakatutuk ako sa katabi niyang lalaki
Mukha siyang babae pero ang ibang features ng mukha niya ay napakamanly.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi ng bahay dahil baka magalit naman ang nanay ko.
"Amytisssttt!!!" umalingaw-ngaw ang tinig ng aking ina pagkapasok ko sa bahay.
"Bakit hindi kapa nakapagluto?!? Diba sabi ko sa iyo na pagkarating ko ng bahay ay nakahanda na ang lahat?!!"
"Ma, Sorry po late na po kasi kami pinauwi ng guro namin dahil,may ginawa pa kaming activity."
"Parang nakakasagabal na yang pagaaral mo sa mga gawaing bahay.Gusto mo bang ipatigil kita sa pagaaral?!!!"
"Ma!! Ayaw ko pong tumigil sa pagaaral. Kakayanin ko po lahat na ito."pagkumbinsi ko sa kanya.
"Edi gawin mong tama ang mga pinapagawa ko sayo! Boba ka talagang bata ka!"
Agad naman akong kumilos upang gawin ang pinapagawa ng aking ina. Binilisan ko ang kilos ng maramdaman kong malapit ng umuwi ang aking ama,dahil sobrang sahol yun kung makasakit sa akin
____________________________________
sorry po sa mga typos,wrong grammar at wrong spelling. vote or comment.