"Cecilita"

446 13 19
                                    

Si Tobi ay isang gwapong maginoo na binatilyo pero napakaswail sa magulang, laging nag eemo at walang ibang alam kundi ang mag skateboard, Madaming nahuhumaling sa kanyang girls kahit na hindi naman siya mayaman pero madiskarte. 

Si Brent, gwapo at mayaman ang pamilya nila ang may ari ng pinaka malaking kumpanya ng sasakyan. Rebelde at mapusok lahat ng bagay dinadaan sa pagmamadali... mainipin at mainitin ang ulo.. laging napapasabak sa gulo, Pinuno sya ng isang rockband, at gusto nyang laging nasusunod.

Si Kian ay isang bully. lider ng pinaka sikat na dance group sa kanilang university. sikat dahil gwapo, mayaman at madaming chicks. Lahat ng bagay ay tinatapatan niya ng pera. Wala na siyang tiwala sa salitang pag-ibig dahil sa nangyari sa kanyang pamilya at sa kanyang unang pag-ibig. 

Pero magbabagong buhay nilang tatlo sa pagdating ni Cecilita sa buhay nila.... 

Sino nga ba si Cecilita??? anu nga bang kinalaman niya sa buhay ng tatlo at panu babaguhin ni Cecilita ang buhay nilang tatlo?

 chapter 1 

Nagsimula ang istoryang ito isang umaga sa bahay nila Tobi.... 

Tobi's POV

Tobiiiiii!!!!!!!!! gumising ka na at malelate ka na sa eskwelahan mo! sigaw ng tita ni Tobi na siyang naging ina at ama na sa kanya simula ng maulila ng maaga sa kanyang mga magulang. 

Walang sagot sa buhat sa kwarto ni Tobi, sapagkat nang mga sandaling narinig niya ang sigaw ng kanyang tita ay palabas na sya ng kanilang bahay sa pamamagitan ng bintana. nang umakyat ang tita ni tobi ay gulat na nalaman ng kanyang tita na tumakas nanaman si Tobi,

Tobiiiiiii!!!!!!! galit na sigaw ng tita ni Tobi. 

Araw-araw halos laging ganun ang ginagawa ni Tobi. At nang makarating na sya sa university ay  naglalakad sya ng nakauyo ng makabangga niya ang isang lalakeng  nagngangalang  Kian.

"Ouch! anu ba pare... ang laki ko dito at ang gwapo pa hindi mo ba ako nakita?" galit na tanong ni Kian kay Tobi. 

"Sori pare... kala ko poste lang eh!" walang pakialam at mayabang na sagot ni Tobi na nakapag painit ng husto sa ulo ni Kian.

"pre... yabang mo ahhhh! Hindi mo ba aku na kikilala?" galit na galit na sambit ni Kian

"Hindi!" wala paring pakialam na sambit ni Tobi at nagpatuloy na sa pag lalakad. 

"Hoy! bastos ka ah!" sigaw ni Kian sabay hablot sa damit ni Tobi. Sinuntok ni Kian si Tobi pero mabilis itong naiwasan ni Tobi dahilan para masuntok ni Kian ang Matigas na pader.

"Mabilis ka ah!" sambit ni Kian ng may ngiti sa mukha dahil sa unang pagkakataon may nakaiwas sa kanyang suntok.

"Ayoko ng gulo!" sambit ni Tobi! irritated dahil alam nyang malelate na naman sya sa unang subject nya. masungit pa naman ang matandang dalagang guro niya duon. 

"Wala ka nang magagawa bumangga ka sa pader eh!" maybang na sambit ni Kian. 

"Hay nako! kung yan ang gusto mo sige na nga!"  walang ganang sambit ni Tobi kay Kian kahit basagulero si Tobi hindi naman siya nakikipag away sa mababaw na dahilan katulad nito. pero mukhang hindi na niya maiiwasan kaya pinagbigyan na rin niya. 

Habang nag titinginan ang dalawa na waring gustong saktan ang isa't-isa ay may isang lalakeng dumaan sa gitna nila.

Si Brent.... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CecilitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon