(1) Cousin

60 2 0
                                    

Yel's Point of View

   "Young lady! Wag po kayong tumakbo!" Tawag sakin ni Lance. Hahaha!

   "Tsk! Sabi ko sayo na wag mo na 'kong sundan eh!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

   Naghahabulan kami ngayon sa Village, grounded kasi ako ngayon kasi bagsak ako sa exam sa science! Eh tumakas ako! Hahaha!

   Si Lance naman, Secretary ni Auntie, yung nakaatas na magba-bantay sakin. Ayaw pa kasi akong pakawalan, babalik naman ako!

   "Malalagot po ako kay Ma'am! Maawa na po kayo!" Hingal na hingal na sigaw nya.

   Tiningnan ko sya sa likod na hinahabol ako! Hahahaha! Parang namatayan!

   *BOOGSH!*

   Ouch. Aray! Ang sakit! Nabangga ata ako sa puno. Huhuhu!

   Pag-angat ng ulo ko ay saktong may humawak sa tenga ko at hinila ako patayo.

   "A-aray!! W-waaah!" Sigaw ko habang napa-pikit.

   "Y-young master?" Sabi ni Lance?

   Napa-dilat ako ng mata at nakita ko ang may hawak sa tenga ko na namumula sa galit. *Gulp* Lagot.

   "K-kuya?" Sabi ko.

   Hindi nya ako pinansin at hinila yung tenga ko papunta sa kotse nya.

   "Huhuhu! Kuya masakit!" Reklamo ko kaya tinanggal naman niya yung kamay nya pero tinulak ako sa loob ng kotse.

   Gerard Monteza Lee, pinsan ko at kuya ko. Napaka-seryoso sa buhay nyan pero over protective sakin yan no!

   "San ka pupunta?" Tanong niya. Huh? Ano daw?

   "Huh?" Naguguluhang tanong ko.

   "Diba tatakas ka? San ka pupunta?" Tanong niya habang naka-tingin sa bintana.

   "S-sa kaibigan ko." Sabi ko. Nakakatakot si kuya.

   Tumingin sakin si kuya tapos parang iniiscan niya yung suot ko tapos nag-sigh.

   "Buti hindi ka kinakahiya ng kaibigan mo no?" Sabi niya at ngumisi. Loko 'to ah! Bat naman ako ipapahiya?!

   "Grabe ka naman!" Inis na sabi ko.

   "Kasi naman, tingnan mo suot mo. Para kang gangster. Naka-cap tapos tinago mo pa yung mahabang buhok mo sa cap. Naka-tshirt ka na pang lalaki. Hayst." Paliwanag niya. "Diba binigyan ka na ni Mama ng madaming blouse?" Dagdag pa niya.

   "Eh kasi naman kuya, puro sleeveless yung blouse tapos ang nipis nipis pa! Tsaka pupunta lang ako sa bahay ng kaibigan ko naka-blouse pa?!" Depensa ko. Totoo naman eh.

   "Look, tatapatin kita, tomboy ka ba?" Tanong ni kuya. At nakikita kong parang kinakabahan siya sa sagot ko.

   "Oo kuya." Sagot ko. Nakita kong nalungkot siya. Nagulat ako nung nag-sigh sya at humawak sa balikat ko.

   "I will support you no matter what." Seryoso niyang sabi. Hindi ko na napigilan.

   "Pfft--WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tuloy tuloy kong tawa! Hahaha! Nakakatawa!

   Nagtataka siyang tumingin sakin. Hahaha! Loko!

   "Ano ba kuya! Pfft--di ako tomboy!" Sabi ko at tumawa ulit.

   "Ah ganun ah?" Sabi niya at lumapit sakin. Waaah! Kikilitiin ako nito eh!

   "Kuya--"

   "Nandito na po tayo." Putol ni manong sa sasabihin ko.

   Napatingin ako sa labas. Huh? Tumingin ulit ako kay kuya at tumango lang naman.

   "Ako na ang bahala kay Mama. Sige! Labas na!" Sabi nya at tinulak ako palabas.

   Nandito kami sa bahay ni Heart, yung kaibigan na sinasabi ko. Pero pano nya nalaman na dito nga ako pupunta?

   "Wag kang magtaka, siya lang naman kaibigan mo eh! Hahaha!" Sabi ni Kuya at pinaandar yung kotse. Loko 'to ah!

   Nag-doorbell ako at binuksan naman ni Manong Guard yung gate.

   "Ma'am sabi ni Young Lady sa kitchen daw po kayo dumiretso." Sabi ni Manong Guard.

   Tumango lang ako pero napansin kong may kotseng naka-parada sa harap ng garahe nila, may bago sila kotse?

   Naglakad nalang ako papuntang pintuan ng bahay nila at pinagbuksan naman ako ng isa sa katulong nila. Naaaks! Yaman!

   Pagpunta ko ng kitchen ay nakita ko si Heart na may kasamang dalawang lalaki, isang medyo baby pa at isang parang ka-age din namin.

   "Jaye!" Tss. Ayoko nga ng second name ko eh!

   "Oh?" Bagot na tanong ko sa kanya.

   "Mimi JaYel?" Sabi nung bata na kasama ni Heart. Jayel? Jey-el?

   Tiningnan ko yung bata. Kilala nya ko? Ganun ba ako kasikat? Hahahaha!

   "Baby Josh, do you know her?" Tanong ni Heart na mukang naguguluhang tanong ni Heart. Sikat nga sabi ako eh.

   "Yesh. She's the one who punch the boy on the mall." Sabi nya. Eh?

   Napatingin sakin si Heart pati yung lalaki. Hala? Sinuntok ko?

   Lumapit sakin si Heart at hinila ako palabas ng kitchen.

   "Uy! Sinong sinuntok mo?" Usisa nya.

   Hindi ko sya pinansin at inisip kung kelan ako nanuntok. Tsk. Wala talaga eh!

   "Ewan ko! Tsaka malay mo kamukha ko lang talaga yung nakita nya!" Inis na sabi ko.

   "Tss. Tara nga, ipakikilala kita!" Sabi nya tas hinili ako pabalik sa kitchen.

   Pagbalik namin ay nakatayo parin sila dun na parang hinihintay talaga kami. Hahaha!

   "Guys! I want you to meet Yel, my bestfriend. Yel, this is Josh, my cousin." Sabi ni Heart.

   "Eyow JaYel!" Sabi nung Josh. Tch. Jeyel?

   "Yel, this is Tim, pinsan ko din, kapatid ni Josh." Sabi niya.

   "Hello!" Sabi nung Tim kaya ngumiti ako.

   "I'm back!" Sabi ng isang boses sa likod namin ni Heart kaya napatingin kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Meets The BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon