BEST FRIENDS TRILOGY
AFTER ALL
Chapter 1
"Hoy, kanina ka pa diyan tulala ah. May problema ka ba?" tanong ni Charlene sa bestfriend niyang si Kheeyann.
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito habang nakapalumbaba. "Eh kasi naman hanggang ngayon 'di ko pa rin ako nagkakaboyfriend," sagot nito habang nakatingin sa kawalan.
Napailing-iling na lang si Charlene. Paano ba naman kasi, ang dami namang manliligaw nito pero wla naman siyang binibigyang pansin. Tapos, heto't nagrereklamo siya.Kung alam lang niya, eh may hinihintay talaga 'tong "love-of-her-life".
Natigil sa pagmumuni si Charlene nang biglang may mga studyanteng nagtilian. Bigla silang napalingon sa may pintuan ng kanilang school cafeteria. Kasalukuyan silang naglala-lunch ng mga oras na iyon.
"Anyare?" sabay nilang tanong sa isa't isa 'saka nagtawanan. Nasagot ang kanilang katanungan nang makita ang papasok na mga estudyante sa cafeteria. The three princes of their university were walking down the aisle of the cafeteria. Napanganga ang ibang kababaihan at ang mga iba nama'y napatili while Kheeyaan just pouted and acted as if vomiting. "Akala ko naman kung sino na, 'yun pala, umpft," sabi pa nito.
Nang wala siyang marinig na sagot mula sa kanyang kaibigan ay tumingin siya dito. May tinititigan itong kung ano. Sinundan niya ng tingin ang kung anong tinitignan nito. Bigla siyang napakunot noo ng makita kung 'ano' ang kanyang tinititignan. It was the half Japanese Lee Takano. The super gwapo ,the super silent yet the kindest member of the COLAR band. He's playing the keyboard in their band. Why is Charlene staring at Lee? Tatanungin na sana niya ito nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Her eyes easily found them. The eyes of the handsome, hunk and heartthrob ngunit ubod ng yabang na si Jigz Jimenez. The lead vocalist and guitarist of the band. Lalong kumunot ang pagkakakunot ng kanyang noo. Tinitigan din niya ang mokong pero hindi ito natinag.
Aba hindi nakukuha sa tingin ang mokong! sigaw niya sa isip.Tatayo na san siya upang komprontahin ang binata ng biglang gumulantang sa kanila ang kararating nilang kaibigang si Mikki. Ang isa pa nilang matalik na kaibigan.
"Hi girls!" sigaw nito. Medyo malayo pa sila sa kanya kaya marahil ito sumigaw. Pero sa 'di inaasahan, bigla itong nadulas. Napasinghap silang dalawa ni Charlene. Sa taas ba naman kasi ng takong ng sandal niya. Napailing-iling na lang sila. Dadaluhan na sana nila ito ng biglang may tumayong binata at agad itong tinulungan.
"Miss, okay ka lang?" tanong nito sa kanya sabay abot ng kanyang kanang kamay.
It was Justin Mercado. The ultimate playboy among them. Gwapo? 'Wag niyo ng tanungin. Magiging playboy ba ito kung hindi siya gwapo?
Kheeyann just sighed. Ewan ba niya kung bakit lahat na ata ng kagwapuhan, katangkaran at kamachohan ay napunta na ata sa tatlo. Not to mention they are all talented and witty. Balita niya mga Dean's Lister ata ang mga ito sa kani-kanilang kurso. She looked at Mikki who is still lying on the floor. Bigla siyang kinabahan nang makita ang kumikislap-kislap na mga mata ng kaibigan. "Not again." bulong niya sa sarili sabay tapik ng kanyang kanang palad sa kanyang noo.
"No. I'm not okay. My butt and left foot hurt. Hindi ko na ata kakayaning makatayo pa," sabi nito with matching acting skills.
Biglang lumapit si Charlene sa kanila. "Ako na ang sasama sa kanya sa clinic."
"No. I'm going to carry her to the clinic. Sige na." At walang sabi-sabing kinarga nito si Mikki na agad namang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa leeg ng binata.
"Thank you Justin," napakatamis na wika ng dalaga.
"Hey, you're pretty heavy Miss," Justin said and then chuckled. Hinampas ito ni Mikki sa sa braso. "Hoy, I'm not that heavy." Then, they're gone.
Nagkatinginan sila ni Charlene.
"O sige, Kheeyann, mauuna na ako sa 'yo. Pupunta pa ako sa library, may kailangan pa kasi akong taposin."
"Okay, go ahead dear," she beamed at her best friend.
She was packing up her things when she felt a familiar gaze staring at her. Again.
Nang bumaling siya ay tama ang kanyang hinala. It was Jigz again. Hindi na siya nakatiis at kinompronta ang binata.
"Hey, do you have a problem with me?" she asked.
His eyes were void with emotions. Hindi siya nito sinagot. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Hello? Are you there?" tanong ulit niya habang winawasiwas ang kamay sa harap ng mukha nito. She heard him sigh. Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo. Aalis na sana siya nang marinig niya itong nagsalita.
"Baliw."
"What did you say!?" sikmat niya rito.
"Deaf."
Hindi na siya nakatiis. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka pinisil. Nagulat ito sa ginawa niya.
"Alam mo gwapo ka na sana eh, kung hindi ka lang nuknukan ng yabang, pagkaalaskador, at baaaaaliwwww!!!" saka gigil na kinurot niya ang kanyang pisngi. Sa gulat niya'y bigla na lang itong tumawa ng pagkalakas-lakas.
Weird.
Bigla siyang natigilan nang bigla itong tumitig sa kanya. Now, his eyes were dancing with mischief and amusement. Walang sabi-sabing tinawid nito ang maliit na distansiya ng kanilang mga mukha saka kinintilan ng halik ang kanyang mga labi. Sandali lang 'yon pero daig pa niya ang nakuryente dahil biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod.
"Ooops, 'wag kang matutumba," he said while grinning. Buti na lang hawak nito ang kanyang kamay kundi tuluyan na siguro siyang natumba. "First kiss?" he added.
Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hell, it was really her first kiss because she's saving it for someone special.
"Oh my, first kiss mo nga," tuwang-tuwang saad nito nang mapansin ang namumulang pisngi nito.
Now, that was too far. Agad niya itong sinampal ng pagkalakas-lakas.
"I hate you!" sigaw niya rito saka tumakbo palabas.
SHIT! He didn't intend to go that far. Sobrang lapit kasi ng mukha nito kaya hindi niya napigilan ang sarili. Her small and natural pinkish lips were inviting. Hindi man ito alam ng dalaga pero 'yon ang napansin niya. They're alluring.
Hinawakan nito ang mga labi niya. The kiss they shared was so sweet and pure. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakahalikan na niya. Kheeyann's lips were so soft, sweet, and innocent.
Kheeyann. Tawag nito sa dalaga sa kawalan saka niya ito hinanap.
Pinakawalan ni Kheeyann ang mga nagbabadyang luhang kanina pa niya pinipigil na lumabas nang makarating siya sa likuran ng kanilang unibersidad. She didn't want him to see her cry. Baka sabihin nitong napakabig deal ng nangyari. And she doesn't want to feel that weak. Actually, big deal talaga sa kanya ang nangyari. It was her first kiss and she was saving it for Zander. Her best friend. Her first love.