Maling paghusga
"Mabuti ito para sa atin kaya dapat hindi ito tinatanggihan" isinara ko ang librong aking binabasa, pagkabasa ng linyang yun at sabay naman nito na tumunog ang aming school bell hudyat na tapos na ang aming klase ngayong umaga. Uwian na. Makikita na naman kita. Ipipilit ka na naman saakin ni ina kahit na ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ayaw ko sayo. Ewan ko ba. Ano bang meron ka? At gustong gusto ka ni ina para saakin? Katulad ba ng sinabi nya? Na makakabuti ka saakin? Hindi. Hindi ka makakabuti saakin dahil iba ang gusto ko. Hindi ikaw ang gusto ko kaya sana hindi ka na ipilit ni ina saakin. Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod na ipagsiksikan ang sarili mo sa ayaw sayo? Kasi ako, pagod na pagod na.
"Anak kailangan mo sya, tingnan mo ang sarili mo ang hina mo na, ang dali mong magkasakit, ang payat payat mo na. Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya? Makakabuti ito para sa iyo" sabi ni ina na may lungkot sa kanyang mga mata.
Ayan. Ayan na naman ang linya nya na lagi kong naririnig mapilit ka lang nya sakin. Oo mahina ako. Oo madali akong magkasakit. Oo sobrang payat ko. Ngunit ano ang koneksiyon mo sa pagiging ganto ko? Kapag ba tinanggap na kita mapapanatag na si ina? Kapag ba tinanggap na kita magiging masaya na sya? Kapag ba hinayaan kitang pumasok sa buhay ko magiging malakas na din ba ako?Nagkamali ako. Tama nga si ina. Makakabuti ka nga saakin. Tinanggap kita. Hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. Simula noon, nagkaroon na ng kulay ang buhay ko. Simula noon, naging masigla na ako. Oo mahirap sa una. Nung hinayaan kitang pumasok sa buhay ko, nang tinanggap kita. Mahirap. Lalo pa't ayaw na ayaw ko sayo noon. Ngunit unti unting nawala ang pagkadisgusto ko sayo. Unti unti kong napansin dahil sayo nagiging masigla na ako, unti unting nagiging malakas na ako. Dahil sayo nagiging active na ako sa klase lalo na sa mga activity sa aming paaralan. Hindi na ako basta basta nagkakasakit at dahil iyon sa iyo. Lahat nagbago simula nangg tinanggap kita. Tama si ina at mali ang naging paghusga ko sa iyo. Tama nga naman.
"Don't judge the book by it's cover" rinig kong sabi ng aming guro at sabay nito ang tunog ng school bell hudyat na tapos na ang aming klase ngayong umaga. Uwian na. Excited na ako. Makikita na kita. Nakakatawa diba? Kung noon ayaw kong umuwi dahil sayo pero ngayon? Iba na. Excited na akong umuwi dahil sayo. Sa pagkakataong ito hindi ka na ipagpipilitan ni ina saakin dahil ako na ang kusang lalapit sayo. " Anak hinay hinay lang haha hindi ka mauubusan. Pero anak natutuwa ako dahil ikaw na ang kusang lumalapit rito samantalang dati ipinipilit pa kita. Haha hinay hinay lang baka mabulunan ka. Nga pala anak may laro kayong volleyball mamaya diba? Kailangan mo ng maraming enerhiya kaya kailangan mo nito, ang pinaka aayaw mo noon, ang gulay. Sige anak kain pa. "