Kwento Nating Dalawa

1 0 0
                                    

       Ingay.Musika at tawanan.Yan ang maririnig sa paligid habang may isang babaeng nakatanaw sa vocalist ng bandang tumutugtog.Unang beses pa lamang nagkita ay nabihag na ang kanyang puso.Dahil sa malakas na pintig nito't mga paru-paro sa tyan ay ibinalin niya ang kanyang paningin dalawang gitarista gayon din sa drummer ng banda.Sa drummer na hindi nya alam magiging parte ng buhay nya.Sa taong makakapagpabago sa kanya.

        Pagkatapos,hindi nya inaasahang magiging malapit sila sa bawat isa.Nalaman nya na ito pala'y iniwan ng dati nitong kasintahan at humanga siya sa kanya dahil lumuhod umano ito sa ex at nagmakaawang magbalikan sila subalit may kinakasama na ang ex nito kung kaya't walang nagawa ang drummer kundi magmove on na lamang.Palagi siya nitong inaasar na titibo tibo subalit sa sumunod na araw ay umamin ito at siya'y niligawan.Sa una'y parang ayaw niyang maniwalang mahal siya nito.Ngunit nagsumikap ang lalaki kaya naman hindi nakapagtatakang nabihag nito ang kanyang puso.

        Masaya noong una sapagkat kahit na malayo ay pareho parin silang nagmamahalan subalit sinubok ng tadhana ang kanilang relasyon.Naging busy ang lalaki at napapagod na siya sa kakapalimos ng atensyon.Kung kaya,napagpasyahan niyang iwanan nalang ito.Nagkaroon siya agad ng karelasyon ngunit napagtanto niyang mahal pa rin niya ang drummer ng banda.Ang taong nagpabago sa kanya kaya nakipaghiwalay siya subalit huli na kasi ang taong mahal niya ay may mahal ng iba.

         Ilang buwan din silang nawalan ng komunikasyon.Bunga ng sakit ay natutunan nyang tanggapin na may mahal na itong iba.Ilang beses na siyang nagpabalik balik sa lugar kung saan nakatira ang lalaki,umaasang makikita niya ito ngunit habang lumilipas ang mga araw ay saka nya napagtantong tama na.

     Sa mga araw na hindi niya nakaka usap ang lalaki ay unti unti na siyang nakakapagmove on.Nakilala niya ang barkada nito na mataggal na niyang hinahangaan at sila'y naging malapit sa bawat isa.Nalaman niya din na nagbakasyon sa ibang lugar ang lalaki't may karelasyon itong iba.Doon niya napagtanto na siguro nga di sila para sa isa't isa.

        Subalit sobrang mapaglaro ang tadhana.Sa huling pagkakataon ay pumunta siya sa tinitirhan ng lalaki.Akala niya tanggap na niya.Akala niya nakapagmove on na siya.Isang kaway ang nakuha niya at isang ngiti na matanggal na niyang inaasam na muling makita galing sa taong matagal na niyang minamahal.Kung kailan niya pa unti unting nakakalimutan ang pagmamahal niya dito ay saka naman ito bumalik.Kasabay ng pagbabalik nito ay ang pagkabuhay sa natutulog niyang nararamdaman.

       Nag-usap sila't nagkamustahan.Nalaman niyang mahal pa pala nila ang bawat isa.Kaya naman,pinangako nilang magsasama sila balang araw at magkakabalikan kapag maayos na ang sitwasyon.Sa sumunod na araw ay sobrang sweet nila sa isa't isa kung kaya pati mga kaibigan nila ay nagtatanong kung nagkabalikan na ba sila.Ngunit hindi nya alam ang sasabihin sapagkat hindi magbabago ang katotohanang walang sila.Kaya,imbis na sagutin ang kanilang tanong ay nginitian niya na lamang ang mga ito.

         Pagkatapos ng kanilang mga pinagdaanan ay umabot na ito sa puntong pareho na silang napapagod sa sitwasyon.Nais pa niya sanang ipagpatuloy.Oo nga't napapagod na siya ngunit mahal na mahal niya ito kaya patuloy pa din siya't hindi sumusuko.Subalit papaano siya magpapatuloy kung mag-isa nalang siyang lumalaban?Ang taong nangakong hindi siya iiwan ay umalis na.Sobrang sakit ng nararamdaman niya sapagkat hindi pa naman nasisimulan ang kanilang kwento ay nagwakas na ito.

         Sa kabila ng sakit ay narito parin siya't hindi kayang itapon ang kanilang mga plano't pangako.Kaya naman,ipagpapatuloy niyang mag-isa ang lahat.Umaasang babawiin ang mga sinabi at bumalik ito sa kanya.Pero ang kaunting pag-asa na iyon ay nawala ng parang bula.Nawala ito sapagkat ng kausapin niya ang lalaki ay ayaw na nito.Kaya wala na siyang magagawa.Heto siya't nakatingin na lamang sa mga tala,may mga luha sa magkabilang mata.Ititigil na ang kahibangan dahil kahit anong gawi'y hindi na babalik ang loveybabe niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon