Almost Paradise
Every couple wants to have a perfect relationship that will lead you to a Paradise world were you can leave happily ever after
Paradise? Masaya bang makarating diyan kasama ang taong mahal mo? Ano bang feeling na mapunta sa isang Paraiso? Kasi ako, bigo akong makapunta jan.
---*
4 years ago I met a guy named Raven. I met him because of my bestfriend, ewan ko ba sa bestfriend ko bakit kailangan akong iwan samantalang siya lang naman ang kilala ko sa pinuntahan naming party, until Raven came.
Katulad nang iba nagsimula kami sa ‘Getting to know’ stage na nagkakahiyaan pa, may awkward moment pa, palagi siyang nagtatanong saaken at ako naman taga-sagot. Ganun lang ang naging rotasyon namin.
Pero habang tumataga ang pag-uusap namin ay naging sa komportable kami sa isa’t-isa. Kaya naman ang una naming pagkikita ay nasundan pa ng nasundan. Natandaan ko pa ang una naming pagsasama ay nang pumunta kami ng Enchanted Kingdom. That was one of the best moments with him. Natandaan ko pa ng pinipilit niya akong pumasok kami ng Horror House na halos pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa kaingayan namin.
Napagkakamalan pa nga kaming mag girlfriend boyfriend, pero sympre todo tanggi naman kami kasi wala naman talaga….. sa part niya.Hindi ko alam na bawat tawanan,pag-uusap naming lumalalim yung paghanga ko sakanya. Akala ko talaga crush ko lang siya. Akala ko lang pala.
Kaya natakot ako dahil sa ako lang ang nakakaramdam noon, na lahat ng ginagawa niya iba ang kahulugan. Kaya lumayo ako, na bawat pag-yaya niya ay iba’t-ibang dahilan. Alam kong nakakahalata na siya sa bawat kinikilos ko. Pero hindi niyo ako masisis. Natatakot ako
Pero mali ako. Dahil sa isang hindi ko inaakalang pagkakataon ay nagtapat siya saakin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Dapat ba akong matuwa kasi hindi one-sided love ang sitwasyon namin? Dapat bang isipin ko na maswerte ako kasi hindi ako katulad ng iba na may kanya-kanyang zone?.
Ang maganda kay Raven ay hindi siya nagmamadali na handa siyang maghintay hanggang sa makapag-desisyon na ako.
Simula noong araw na nagsimula siyang manligaw saakin ay mas lalong napadalas ang pamamasyal namin. Kung dati ay nagdadalawang-isip pa ako kung ‘date’ bang maituturing ang mga lakad naming noon, ngayon y siguro na ako. Hindi na ako mag-aasume pa. Hindi na din siya pumapayag na hindi niya ako mahahatid o masusundo man lang sa mga pupuntahan ko. Mga simpleng bagay nap ag ginagawa niya ay hindi ko maiwasang kiligin.
Pag kasama ko siya, nakakaramdam ako ng seguridad. Seguridad ng pagmamahal, na kahit kalian ay hindi mawawala..
December 12, 2009
BINABASA MO ANG
Almost Paradise [Kimerald Fanfic] (Oneshot)
Romance[Revised Edition] Paano ba makarating sa isang Paraiso? A Kimerald Fanfic. (c) YourmortalEnemy