Hindi sinasadya

3 0 0
                                    

Hindi karamihan ang tao ngayon dito sa baywalk. May mga estudyanteng namamasyal bago umuwi, may mga nagjojogging, may mga batang naghahabulan habang nakikipagkwentuhan ang kanilang mga magulang, may nagkakantahang kabataan na sinasabayan ang gitara.

Habang nanonood ako ng sunset nagring ang cellphone sa bag ko

Hello?
Hello ate
Pauwi ka na ba?
Maya maya pa, bakit?
Daan ka dito ha. Dito ka na kumain at sabay na tayo umuwi.
Sige te, pero paano tong bike ko?
Edi iwan mo dito. Bukas mo nalang iuwi.
Okay sige,
Bye

Kinuhanan ko ng litrato ang papalubog na araw, sobrang kaakit akit ang paghahalo ng orange, pink, blue at gray na kulay ng mga ulap.
Inupload ko to bilang Ig story at tska tumayo sa upuan.

Nakakadalawang pidal palang ako ng may sumulpot na batang tingin ko ay tatlong taong gulang sa harap ko, buti nalang at naiwasan ko, wala akong ibang narinig kundi ang malakas na pagkabog sa aking dibdib. Hindi ko namalayan na dumidiretso na pala ako sa isang sasakyan. Hindi ako nakapagpreno agad kaya nabangga ko ito. Bumaba agad ako sa bike para tignan ang bata pero nandun na nanay nito

Pasensya ka na, di ko napansin na tumakbo pala sya.
Ayos lang po, buti nga naiwasan ko sya
Ikaw? Okay ka lang?
Okay lang po pero..

Naalala ko yung kotse

Ate, mauna na ako.
I sige, pasensya ka na ulit

Bumalik ako sa kotse na katabi ng bike ko

Tinignan ko kung nagasgasan ko yung kotse nakita ko na may gasgas sa gilid, hindi naman kalakihan pero halata

Asan na ba yung may ari nito?

Sumilip ako sa loob kung may tao o wala

Walang tao, paano ngayon to?

Naghintay ako, siguro mga sampung minuto, baka kasi dumating na ang may ari ng biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
Nagtext na si Ate at hinahanap na ako.

Dahil hindi ko na mahihintay ang may ari ng sasakyan nagiwan nalang ako ng note sa harapan ng kotse siniguro ko din na hindi ito tatangayin ng hangin.

~~~

Katatapos ko lang magjogging, umupo muna ako saglit sa isang bench para makapagpahinga.
Buti nalang at may nabakante na. Mahirap kasi maghanap ng bench dito na walang nakaupo, kahit hindi karamihan ang mga tao. Sabagay konti lang din naman ang bench dito.
Lagi ako nagjojogging dito tuwing hapon, bukod kasi sa masarap ang simoy ng hangin dito makikita mo pa ang paglubog ng araw.

Medyo dumidilim na, nakapagpahinga na naman ako kaya nagdesisyon na ako umuwi.

Hindi naman kalayuan sa mga upuan ang pinagparkan ko ng kotse ko. Nang nasa harap na ako ng sasakyan ay may napansin akong papel

"Pasenya na kayo kung nagasgasan ko ang kotse nyo"
Agad kong hinanap ang gasgas na sinasabi sa papel.
Maliit lang naman pala ito
kontakin nyo nalang ako dito 0995*******

Tsk. Abala pa to

Nilagay ko ang papel sa bulsa ko pagtapos ko isave ang numero sa phone ko. Pagsakay ko sa kotse sakto naman ang pagtawag ni mama

Hello ma?
Oo ma, pero diba alas dyes pa flight nyo?
Oo nga pero gusto ko sana sabay sabay na tayo kumain bago kami umalis mamaya.
Sige po,bye

~~~

Pagdating ko sa bakery nagsara na muna kami bago kumain.

Iniwan ko na yung bike sa bakery, habang nagdadrive iniisip ko yung nangyari sa baywalk kanina. Pag uwi namin ay naligo na ako at naghanda sa klase ko. Nagtuturo ako ng English sa mga batang japanese online. Matatapos na ang klase ko pero wala pa ring tawag o text mula sa may ari ng kotse.

Pag gising ko kinaumagahan tinignan ko kung may nagtext na pero wala pa din.

Nakaligo at nakaayos na ako.
Inaantay ko nalang si ate dahil sabay kami pupunta sa bakery.
Medyo matagal sya ngayon kasi puyat dahil nagbake pa sila kanina at umuwi lang para maligo.

Magkasosyo kami ni ate sa bakery. Naging bonding na kasi namin ang pag bebake kaya naisipan nya na magnegosyo nalang kami.

Pagdating namin sa shop nagtitinda na tatlo naming empleyado.

Good morning maam!
Masayang bati ni ate Sarah at ate Shiela
Good morning din ate sabi ko sa kanila
Nasan si marian?
Tanong ng ate ko
Nasa likod na maam, inililigpit na yung mga ginamit kanina sagot ni ate Shiela.
Ay ganun ba? Sige puntahan ko na sya don.
Ako naman ay umupo na sa cashier.

Mag aalas onse na ng tanghali, pasulyap sulyap ako sa cellphone ko kung nagtext na yung may ari ng sasakyan pero wala pa din

Tapos na kami magtanghalian.
12:30 ako naman ang nakatoka para mag bake. Aalis ako sa bakery ng mga 3:30pm o minsan 4pm. Pag alis ko sila ate nalang ang naiiwan don, 6pm sila nagsasara. Minsan kapag maaga umaalis ang mga epleyado tinitext o tinatawagan ako ni ate para tulungan sya.

7pm naman ang start ng klase ko kaya nakakapagpahinga pa ako ng ilang oras.

Wala akong klase tuwing sabado at linggo. Tuwing linggo naman ay sarado ang bakery.

Sabado ngayon, nauna na ang ibang empleyado umuwi kaya tinawagan ako ni ate para magbantay at magsara mamaya dahil may date sila ni Mike, longtime boyfriend nya.

Pagdating ko sa shop si marian lang ang nandun.

Marian, si ate?
Ka aalis alis lang nya.
Ay...
Oo, may date daw sila ni kuya mike
Ikaw kasi eh, kailan ka ba magboboyfriend ulit?
Nako. Boyfriend boyfriend, hindi ko pa iniisip yan.
Ang tagal nyo hiwalay ng ex mo. Wag mo sabihin na hindi ka pa nakakamove on dun.
Wala na kong nararamdaman dun noh, Hindi ko na nga naaalala yun.
Ikaw, baka may date ka din. Sabihin mo lang, kaya ko na mag isa dito.
Wala, kuripot yung boyfriend ko eh. Once a month nalang daw kami mag date. Sabay tawa nya.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Marian, 6pm na at nagsara na kami. Nauna na si Marian, ako naman kinuha ko pa ang bike ko. Paglabas ko tumunog ang cellphone ko, una akala ko si Ate. Pagbasa ko

"Ako yung may ari ng kotse, paano mo babayaran ang damage ng kotse ko?"

Nagulat ako. Akala ko kasi ay hindi na ako itetext o tatawagan ng may ari.

"Free ba kayo bukas? Bukas natin pagusapan"
"Pakidala yung kotse para makasiguro ako na kayo yung may ari ng nagasgasan kong sasakyan" Reply ko.

"Okay, saan?" Mabilis na reply ng katext ko

"Ala una, sa repair shop na katabi ng mall"

"Sige"

Hindi na ako nagreply at umuwi agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting.. Love.. Where stories live. Discover now