2

9 0 0
                                    

CHAPTER TWO!

Courtney's POV:

Eto ako ngayon at patuloy niya pa ring kinaladkad patungo sa lugar na hindi ko alam.

"Hoy! Hoy! Wait lang! Hoy!" Tawag ko sa kan'ya habang kinakaladkad niya ako patungo sa kung saan.

Agad naman itong huminto at bumaling sakin ng may inis sa kanyang mukha.

"What now? Nakalunok ka ba ng mega phone? Can you just sip your mouth? Nakakairita kasi 'yang bunganga mo." Inis na sabi nito.

Aba't gago 'to ah! Kung ayaw niyang mag-ingay ako, bitawan niya ako! Siraulo pala siya eh.

Bigla naman kumunot ang noo ko at tinarayan siya.

"Hindi, yung flat shoes ko naiwan! Kasalanan mo 'to! Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Inis na wika ko.

Hindi ito sumagot ngunit kinaladkad ulit ako nito pabalik upang kunin ang flat shoes kong naiwan.

Tignan mo 'tong kupal na 'to! Tinatanong tapos hindi sasagot. Napaka-walang modo talaga kahit kailan!

"Ano pang hinihintay mo? Pulutin muna at isuot. Hind ka si Cinderella para ako ang magsuot sa'yo niyan. Walang ganun, wala tayo sa fairytale nasa realidad tayo." Wika nito.

Tangina neto kala mo nakikipag-biruan ako. He knows Cinderella? Tang'na don't tell me pasikreto 'tong nanonood ng Disney movies?

Pero bakit parang ang lalim nang pinanghuhugutan nito? I shrug the thought at hindi na lang pinansin.

Inis naman akong bumaling sa kanya.

"Paano ko ba kasi 'yan masusuot kung nakahawak ka sakin? Para kang takot na mawala ako. Hoy unggoy! hindi ako tatakas at hindi ako takot sayo!" Inis na wika ko at marahas kung hinablot ang braso ko.

Sinuot ko na ang flat shoes ko na natanggal at marahang tumayo. Naiwan ko pa yung mga libro kong dala. Kainis kasi 'tong unggoy na 'to eh!

Bigla akong napatakip ng tenga ko dahil sa sigawan ng mga fans 'kuno' nitong Ken Dex na'to.

Wala bang araw na hindi sila titili? Hindi ba sila napapagod? Sabagay! Always naman nilang ginagawa 'yan pag dadaan ang gang nila Ken Dex.

'Kyaaaah!! Papa Ken! Akin ka nalang pleasee!!'

'Marry me! Kyaaaah! Ang gwapo mo talaga!'

'I'm free mamaya, date me please!'

'Ay.. Please ako nalang hawakan mo! Huwag na yang panget na 'yan!'

'Hoy! Akin siya! Who told you na sayo siya?'

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Grabe 'tong mga babaeng 'to.
Tsk! Tsk! Tsk!

Ano kayang nakita nila sa lalaking 'to? Wala namang maganda bukod tangi lang ang mukha pero ang attitude at paguugali nito ay ekis para sa akin!

Oh.. edi ako na panget sa paningin nila atleast hindi ako cheap. Duh!

Tuloy tuloy lang ang paglalakad ng mokong. Sa hindi kalayuan nakita kong may mga nagsasayahan at nag-iingay sa isang tambayan. Wait marami sila?

Tapos may mga girls... teka?

Don't tell me..

Fvck?! 'Yan ba yung Cassanova's Headquarters?

Hindi! Ayoko! ayokong pumasok dun! Kingina.

T_T

"Hey, Bro! You picked another girl? Are you going to add her at your collection?" Nakangising wika nang lalaking blonde, matangos ang ilong, maputi, masculine type of guy in short gwapo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerd Transgress The Casanova's RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon