Chapter 1 - MEG's.

26 0 0
                                    

MEG's POV.

*Ring....Ring...Ring*

Ughhhhh... Napabalikwas ako sa higaan dahil sa ingay habang natutulog! Sino ba tong hating gabi na tawag pa ng tawag?! *JAMPONG CALLING* Lintik naman talaga!!! Popong sinasabi ko sayo pag hindi importante tong sasabihin mo malilintikan ka saken!!!!!

{"Hello?! Pong siguraduhin mong importante yang sasabihin mo kundi malilintikan ka talaga saken!!!"} Pupungas pungas at naiinis kong sagot sa kabilang linya.

{"Easy ka lang Megs. Hahahaha!! Ibabalita ko lang sayo na nagtext nanaman sakin yung mga babae mo hinahanap ka. Ang tagal mo na daw hindi nagpapakita sa kanila. Gumawa ka na kase ng GC! Hahahahahahaha"} tatawan sagot ng mokong nato sakin.

Btw. Jampong is my half pilipino half chinese Bestfriend. Jamie "Jampong" Yuchengco. Katulad ko, isa din syang butch.

{"SRSLY Pong?! Yan lang tinawag mo sakin ngayong sabi?!!!! Jusko naman!!!!! Wala akong pakialam sa sinasabi mo at mas lalong wala akong pakialam sa kanila!!!! Letche!!! Humanda ka talaga sakin bukas Pong!!!!. *toot* *toot*} Naiirita kong sabi sa kanya sabay baba ng telepono.

Bwisit talaga bestfriend ko kahit kelan! Alam naman nyang kailangan kong matulog ng maaga ngayon at mahaba dahil kagagaling ko lang sa sakit. Eto nga't masakit pa ulo ko. Gusto yata akong mabinat nung isang yun nakuha pa kong tawagan para lang ibalita yung mga walamg kwentang bagay. -_-

-

*Kinabukasan sa school.

"Pong gusto mo bang mabinat ako kaya ka tawag ng tawag kagabi?! Alam mong kailangan ko ng marami at mahabang tulog tapos tatawag sakin ng walang kwenta yung ibabalita mo?!" Naiirita kong sabi sa bespren kong intsik.

"Chillax. Oo na. Next time hindi nako tatawag alam ko na. Hahahaha!" Tatawa tawang sagot nito sakin.

"Oo na alam mo na? Eh ilang beses mo na sinabi at ginagawa yan bibigwasan na kita dyan isa pa!" Angil ko aa kanya.

"Hindi na talaga Meg. Hahaha! Alam mo, tutal magaling ka naman na, shot na natin yan! Tara sa sidestrip! Inaaya ako ng mga tropa ko. Magdadala na din ako ng mga babae. BAGONG mga babae!! Wooo *taas magkabilang kita sabay ngiti ng nakakaloko*" Alam na alam talaga neto mga gusto ko. Wahahahaha

"Yan naman ang gusto ko sayo alam na alam mo mga gusto ko. Hahaha! Siguraduhin mong magugustuhan ko yang mga babaeng dadalhin mo ha? Dahil kung hindi patay ka sakin. Hahaha!" Hyper na sagot ko sa gagong to. Hahahaha!

"Oh sure. Kilala mo ko. Hindi ka magsisisi sa mga babaeng dadalin ko bespren. Pano ba yan? Pero wag mo kong isusumbong sa jowa ko at makokotongan ako. Hahahaha! G tayo mamaya Meg?" Masiglang sagot nito sakin.

"Pong, kelan ba ko nagsumbong sa jowa mong abnormal at napakaselosa? Jusko kulang nalang yata itali ka sa bewang nya eh! Hahahaha, but Naaahhh. Hindi tayo pwede mamaya bruh. May klase ako panggabi. The day after tommorow nalang siguro. Free ako nun. Ayain mo na din buong tropa para masaya." sagot ko sa kanya.

Paano ba naman kahit kaibigan pinagseselosan. Hindi matahimik kahit tapos na yung issue ay pilit ibinabalik. Paulit-ulitt. Kung ako yung nasa katayuan ng bestfriend ko? Hihiwalayan ko na yun. Hinding hindi ako tatagal lalo na't ganun ang ugali. Realtalk ayoko sa babaeng paulit-ulit. Napakaimmature at napakaselosa kahit wala naman dapat ikaselos. Eto naman kasing bestfriend kong intsik, sa dinami dami ng naging girlfriend nyang boto ako at medyo matino hindi ko alam kung bakit eto yung pinakasineryoso nya. Hindi ko alam kung anong nakita nya. Nakakabwiset!

"Hahahaha abnoy ka talaga Megs! Oo na. Pero wag ka nga! Love na love ko yun kahit toyoin yun! Hahaha! Osige. Sasabihan ko sila sa sidestrip tayo sa sabado." Tatawa tawang sagot nito sakin.

"Sus. Wag ka magpatali dyan bespren. Madami dyang iba. Ano ba nakita mo dyan kay Kabs at masyado kang patay na patay? Hahahaha (kabs is for kabayo, maganda naman sya pero kase yung bibig nya alam nyo na hahahaha) Hindi mo ko gayahin hindi na masyadong nagseryoso after nung last ko kase masakit." Sabi ko sa kanya

Yep. I admit. Nasaktan na ako once. Ayoko na maulit pa yun kaya nag iingat ako. Kaya ako naging ganito. Masakit para sakin kasi sa kanya lang umikot yung mundo ko nung time na yon. Umikot yung mundo namin sa isa't-isa. Maybe kaya ako ganito naging ganito ngayon na mapaglaro nalang kasi wala pa talaga yung babaeng masasabi kong sya na talaga. OK. Enough na. Hahaha! Past is past right? Masaya nako sa buhay ko ngayon kasama yung pamilya at mga kaibigan ko. Girls? Past time lang muna yan para sakin. Darating at darating din naman yung babaeng makakatapat ko eh.

"Sus Meagan! Wag mo nako ipares sayo. Nahanap ko na katapat ko at si Aubrey yon. Mahal ko sya. Graduate nako sa pambabae na yan. Ikaw one of these days, makikita mo din katapat mo at hinihintay mo. Pagtatawanan kita kapag nangyare yun! Hahahaha." Seryoso at pamaya maya'y tatawa tawang sagot nito sakin.

"Ulul. Meagan mo mukha mo! Isa pang tawag mo sakin nun babatukan talaga kita Yuchengco! And pake ko kung dumating sya?! Ako suyuin nya kung gusto nya, kung ayaw nya edi fine! Ang daming babae sa mundo. Hello?! HAHAHAHAHA!" Tawang tawa kong sabi ko sa kanya. Hahaha

"Talaga lang ha?! Osige tingnan natin! Isang araw magpapaalipin ka nalang dahil ganun mo sya kagusto at tatawanan lang talaga kita. Bwahahahahaha! " Sagot nito na tuwang tuwa. Pffft.

"In your dreams Yuchengco! Sige nga. Dyan ka na intsik! Hanapin mo na si Kabs at ako'y papasok na. Kanina pako hinihintay ni Riley. (Riley is my classmate/kalandian sa room) See you later Pongs! Mwaaa" sabi ko sa kanya.

"Alright. Ingat ka Ramirez! Baka makasalubong mo mga babae mong nangungulit sakin." Pabirong sabi nato.

"Gago ka talaga!" Inis kong sabi sa kanya sabay alis na.

A/N: Thankyouu sa mga nagbasa. Please vote and read! Salamat😊

The MORE you HATE, The MORE You LOVE (TMYHTMYL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon