Pag Lumingon Ka, Akin Ka

518 11 0
                                    


JACKIE

Alam mo bang wala akong magawa kahit gustong gusto kitang yakapin? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nandyan ka. Pero parang may magnet ang katawan mo na gusto kong laging malapit sayo. Minsan naiisip kong hawakan yung kamay mo sa harap ng camera pero alam naman nating hindi pwede—sa napakaraming dahilan. Ano ba tong nararamdaman ko Vice? Akala ko wala lang. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita kita. Minsan nga sa tingin ko bonus na din kapag nakausap kita. Hindi ko kasi alam ang nasa isip mo. Parang nitong mga nakaraang araw yung dadaan ako sa harap mo tapos wala lang sayo.

Yan ang mga salitang gusto kong itext. Pero nasa drafts ko lang. Wala akong lakas ng loob na isend. Hindi ko na alam. Naku Papa God help naman po.

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Vice heading to his dressing room.

"Hi Vice." Nahihiyang sabi ko sakanya pero nakangiti pa rin ako. Kumaway lang sya sakin, ngumiti ng kaunti, tumalikod sabay umalis na rin. Nagtataka talaga ako kung anong meron sakanya nitong mga nakaraang araw. Sa Ms. Q and A segment ok naman kami pero kapag off cam na hindi na nya ako pinapansin. Pero sa bagay sino ba naman ako diba. Kaso akala ko may nabuo nang friendship samin, akala ko lang pala yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko at tinawag ko sya.

"Vice!" Medyo napalakas ata ang pagtawag ko sa pangalan nya at napalingon yung mga tao sa hallway. Naisip ko bigla yung video namin. 'Pag lumingon ka, akin ka.' Tapos lumingon talaga sya. Bigla akong kinabahan kasi bakit ba pabigla bigla ako? Hindi ko alam na may ganito pala akong side. Minsan talaga nagugulat din ako sa sarili ko.

VICE

Naguguluhan na ako sa nararamdam ko. Hindi naman kasi dapat ganito diba? Alam ko bakla ako pero pagdating sakanya parang I keep questioning my myself. Kaya these past few days pakiramdam ko ayoko syang makita, na gusto ko. Ayaw ko dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko kapag nandyan sya. Gusto ko syang nakikita kasi sya lang naman ang bumubuo sa araw ko. Kaya kahit anong busy ko or kahit may sakit ako I'm really trying my best na makapasok kahit late, just to see her.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa dressing room ko tapos nasalubong ko sya. I didn't know what to do. She said hi at ang nagawa ko lang ay kumaway. Ano ba naman yan self! Feeling ko nanigas nanaman buong katawan ko. Sabay talikod ako tapos umalis na. Pero kinilig ako dun ah. Sya yung unang pumansin. But I hope it didn't bother her, the way I acted. Or the way I'm acting all week. Tuloy-tuloy akong naglakad tapos may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Medyo napalakas ata ah. Nakakaloka. Lumingon ako tapos parang nag slow motion. Paglingon ko sya pala yun. I'm trying to hide my smile at nag poker face nalang ako. Kunwari patay malisya ang bakla.

'Yes Jackie?' The expression on her face, parang medyo seryoso. Nagtaka ako, ano kayang problema nito? Naglalakad sya papalapit sakin at ang daming tanong ang nabubuo sa utak ko. Pero ang ganda talaga nya, no doubt. She's perfect.

'Vice. Sorry ha. Pero meron sana akong gustong itanong sayo.' Sabi nya. First time ata ito na lumapit sya sakin. Usually kasi ako ang nagaapproach sakanya bilang mahiyain nga ang baby ko, este sya pala.

'Osige Jackie. What's the matter? Is this regarding your career?' I said.

'Ah hindi. O-okay lang bang makausap ka?' She said, stuttering. Talagang naiintriga na ako ha. Ano kaya ito. Then I told her we can use my dressing room to talk. Naglakad kami towards my dressing room at pinaalis ko muna ang mga bakla dun sa loob, naku ang iingay. Pagpasok namin sa loob pinaupo ko sya and I offered something but she said she's fine. I can't read her mind pero I can see that there's something bothering her. Tapos tumayo sya bigla.

'Naku Vice pasensya ka na. Naabala pa ata kita.' She was trying to walk her way out pero nahawakan ko ang kamay nya. Pinalapit ko sya sakin. At habang hawak ko ang kamay nya nararamdaman ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Vaklang to!

JACKIE

Adrenaline lahat ng nangyayaring ito. I thought this was a mistake. Pero nung hinawakan nya ang mga kamay ko parang may kuryenteng bumalot sakin. At sa pagkakataong yun ayaw ko nang bumitaw.

'Jackie, tingnan mo nga ako.' He lifted my chin up. Tiningnan ko sya sa mga mata nya, ito talaga ang best part ng katawan nya e. Pero hindi pa rin ako nagsalita.

'Ano bang problema? Sabihin mo nga sakin. Pinagaalala mo ko e.' Sinabi nya ang mga salitang yun sa malambing na paraan. Feeling ko nasa Ms. Q and A ang scene namin pero sa pagkakataong ito wala kami sa harap ng camera. Kaming dalawa lang sa kwartong ito. Hindi ko mabuo sa isip ko ang gusto kong sabihin. Unti unti nalang akong lumapit sakanya, I wrapped my arms around his waist and I hugged him. Tumapat ang tenga ko sa dibdib nya at naririnig ko ang tibok ng puso nya. Pwede bang dito nalang ako forever? Cause I feel safe around him. Niyakap nya rin ako pabalik at hinawakan ang buhok ko. Yun ang gustong gusto ko, kapag hinahawakan nya ang buhok ko. Feeling ko alagang alaga ako. At hinalikan nya ako sa ulo. Naku po jusko ayoko nang matapos ito.

'Ayos ka lang ba? Ayos lang ba tayo?' Sabi nya.

'Tayo?'

'Ahh, oo tayo.'

'Diba parang dapat ako ang nagtatanong sayo nyan? Kasi ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Ako ang nagaalala kung ok pa ba tayo.' Hinawakan nya uli ang mga kamay ko at nilagay nya sa tapat ng puso nya.

'Jackie gulong gulo na kasi talaga ako. Hindi ko alam ang ikikilos ko pag kaharap kita. Ang mga salita ko piling pili din kasi baka mamaya may masabi akong hindi dapat sabihin. Ano ba to Jackie? Sabihin mo naman sakin.'

"Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Kung ano ba 'tong nararamdaman ko."

"Yung mga banters natin on cam para kasing totoo na parang hindi. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko dun. Kasi alam naman natin ang situation diba. At gustong gusto kitang napapasaya."

"Oo Vice sobra mo akong napapasaya. Pero sana sa pagkakataon na 'to hayaan mo naman na ako ang magpasaya sa'yo. Ano bang happiness mo?" Yung mga lumalabas na salita sa bibig ko hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ko rin alam kung ako ito pero gusto ko ang Jackie na 'to.

VICE

Ang mga salitang sinabi nya, hindi ko inasahan. Bigla nalang napatulo ang luha ko. Naghahanap ako ng kasiyahan, hindi ko alam kung saan hahanapin. Marami na akong pagkakataon na nasaktan, inuuna ko ang pangangailangan ng iba kaysa sa sarili ko. At this moment I want to choose my happiness.

"Ikaw." Yan ang sagot ko sa tanong nya.

"Ako?"

"Hindi. Sya, sya." Pabiro kong sinabi. At nakita ko nanaman ang mga ngiti nya.

"Vice hindi ko alam ang sasabihin ko."

"Wala kang kailangang sabihin Jackie. Ikaw lang sapat na." Niyakap ko sya uli. At sana hindi na matapos ito.

Choose Your TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon