Prologue

4.6K 67 2
                                    

Pauline

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil napadpad ako dito sa mabuting pamilya ng mga Walker. Mahigit isang buwan na ako naninilbihan dito magmula ng umalis ako sa amin sa Bacolod nang mamatay si Tatay dahil sa sakit sa baga na lumala dahil hindi tinitigilan ang paninigarilyo. Hindi rin ako nakapagtapos ng fourth year kasi ng namatay si Tatay ay huminto ako at lumuwas dito sa Maynila.

Kung sana buhay pa si Nanay ay hindi ito siguro ang magiging buhay ko. Namatay si Nanay ng ipanganak ako.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ako ang dahilan kung bakit hindi ko man lang nasilayan ang aking ina.

"Oh... umiiyak kana naman, Pauline?" Napapitlag ako ng may magsalita sa harapan ko. Si ate Mica na matagal nang naninilbihan dito.

Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti kay ate Mica.

"Ah, wala po ate Mica... May naalala lang ako." Tumango lang ito na kinahinga ko ng maluwag. Matanong kasi ito at kukulitin ka talaga kapag may tinatago kang lihim. Mabait naman ito at may isang anak na nag-aaral na.

Chismosa kasi ito.
Hehehe... sorry ate Mica!

"Sige na Pauline, maglinis kana doon sa pool area, kunin mo sa bodega ang panlinis nandoon sa likod ng garahe, ako naman ay magluluto na ng tanghalian ng pamilya Walker." Tumango ako sa kanya at umalis na ito.

Dalawa kami ang katulong dito sa mansion ng mga Walker at hati kami sa mga gawain dito. Okay naman ang sahod namin at makakaipon ako para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Nagtungo ako sa bodega upang kumuha ng gagamitin ko sa paglinis sa swimming pool. Nang makarating ako dito sa bodega na nasa likod bahay pa ay nangilabot ako pagpasok ko. Sino ba naman ang hindi eh nakadisplay lang naman ang iba't ibang uri na mga malalaking armas na nakalagay sa ibabaw ng lamesa na una ko nakita.

Mukha itong mamahalin at dekalidad ayon sa uri nito na hindi basta ang halaga.

Bakit may mga armas dito?

Hindi ko maiwasan na matakot kasi takot talaga ako sa baril at baka tamaan ako at mamatay nalang ng mabilis.

Eh hindi pa nga ako nagkakanobyo!

Iniiwasan ko talaga mapatingin sa lamesa na may mga baril at nagpatuloy sa paghanap sa mga panlinis na gagamitin ko. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang pakay ko na nasa likod ng pinto.

Kumuha ako ng chlorine at panukbit sa mga dahon.

Nang okay na ang mga kukunin ko ay naglakad na ako at pikit matang tinungo ang labasan. Malapit na ako sa may pinto ng mapalingon pa ako sa lamesa at hindi namalayan ang pagsulpot ng isang Tao na matiim na napatitig sa likuran ko na sobrang lapit sa likod ko.

"Who the hell are you!"

(Unedited)

Lahat ng Tao, pangyayari at lugar sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Orihinal na istorya ng author.

Please vote and comments.
Thank you.

His Virgin Enemy (Mafia's Maid Love-series#:3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon