Kabanata 1

7 0 0
                                    


"Gosh sino yan?"
"Eww ang taba nya ha? "
"Tol oh chicks pag laki manok! HAHAHAHAHAHAHA"
"Di yan chicks pre, pig yan HAHAHAHAHAHA"
"Who's that girl ba? Ang cheap ha at ang taba ewww kadiri argh"

And blah blah blah blah duh sanay na ko dyan, sa mga pang i insulto at panlalait nila sakin. Bakit ba kasi ako lumipat ng school? Samantalang okay na ko sa school ko. Hayst. 

Ako si Fatima Herlian Avandra. Physical appearance ko? pangit, nerd, may long wavy hair, maputi at higit sa lahat mataba. Bakit mataba? Ang kilo ko lang naman this month is 100 kilos, nandidiri na kayo no? Sanay na ko laitin at kaayawan ng tao wala akong pake sa kanila basta't alam ko na mahal ako ng parents ko at ng mga kapatid ko.

By the way I have Four Brothers, Si Kuya Flash ang panganay, Si Kuya Filo ang pangalawa, Si Aelon at Aries ang bunso syempre pangatlo ako. They all loved me naman kaya wala akong worry kung ano sasabihin ng mga tao sa paligid ko. Tanggap nila ko eh.

First day ko dito sa Parker University. Dati noong High School ako di ako dito nag aral, but dahil gusto ng mga kuya ko na dito daw ako mag aral sinunod ko sila pero di ko alam na ganito pala ang mga tao dito, masyadong judgmental.

Naglalakad ako habang ang ibang mga studyante ay nakatingin sakin na para bang literal na baboy ako. Di ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Habang nag lalakad natanaw ko na ang bulletin board malapit sa Dean's office. Naglakad ako papunta doon at hinanap ang pangalan ko pero sa kasamaang palad di ko makita dahil sa dami ng naka paskil na sections sa bulletin board. Naghanap muli ako ng may magsalita sa likod ko.

"Miss? Tapos ka na? "

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Babae, maganda sya at maamo, petite at maputi. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman sya pabalik. Mukhang mabait.

" Ahm pasensya na ah? Di ko kasi makita pangalan ko at section eh"

Pahinging paumanhin kong sabi. Ngumiti sya at tumabi sakin.

"Gusto mo tulungan kita? "

Agad naman akong tumango.
" Anong pangalan mo? "

Tanong nya sakin.
" Fatima Herlian Avandra "

Agad naman itong nag hanap.

" Nakita ko na! "

Napatingin ako sa kanya

" Nakita mo na ang pangalan ko? "

Natawa naman sya at umiling iling pa.
" Hindi, nakita ko na ang pangalan ko pero eto na hanapin ko na pangalan mo "

Natatawang sabi nya. Baliw pala 'tong babaeng 'to eh akala ko mahinhin di pala, ang amo amo kasi ng mukha.

" Nakita ko na pangalan mo"

Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin pa rin sa bulletin board. Binasa nya ang nakasulat doon.

"Fatima Herlian Avandra, Female, Section A"

Nakangiti syang bumaling sakin at sinabing

"Blockmates pala tayo eh lika na sa room baka malate tayo"

Sabi nya at hinatak ako kung san man sya pupunta.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa room natin do'n sa Building na malaki." turo nya sa building na iba sa lahat.
Iba sa lahat kasi ito ang pinakamalaki sa buong building na nandito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FATIMA (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon