My Japanese Boyfriend

35 0 0
                                    


Louise

Maaga ako nagising dahil nga first day sa ojt ngayon, syempre kailangan mag paimpress. Hahaha

6:35am palang pero nandito na ako. Napa aga lang ako ng slight, 7 kasi bukas neto.


"GoodMorning sir, table for how many po?" Tanong ko sa isang matandang lalaki na sa tingin ko e foreigner.

Sumenyas lang to sakin na pang isang tao lang daw.

Kaya naman hinatid ko na sya sa upuan nya at binigyan ng menu. Tsaka ako bumalik ulit sa pinto.



Agad kong tinanggal yung sapatos ko na may 1inch na takong.  Sobrang sakit ng paa ko juzq, maghapon ba naman kasing nakatayo ako sa may pintuan as receptionist.

Nagpaalam na ako sa manager namin para naman makauwi na ako, sa kitchen naman daw ako bukas.











"Hija paki balatan naman tong bawang"

"Hija, Pakigawa naman 4 na ham&cheese tsaka 6 na chicken sandwich. takeout!"

"Hija, pahiwa naman neto para sa chicken curry"

"Hija, pakibukas naman netong all purpose cream, tapos pakilagay nadin sa kawali tas pakihalo na din."

Sunod sunod na utos ng cook. Ako lang kasi magisa na ojt sa kitchen, pero tatlo naman kaming ojt. Yung dalawa nasa labas yung isa as receptionist at yung isa naman para sa pag take ng order.

Palitan kasi kada araw

Medyo mainit sa kitchen kaya naman tagaktak talaga yung pawis ko. Haggard teh!





8pm na ng makauwi ako sa bahay. Diretso agad ako sa higaan, nakatulog naman agad ako dahil sa pagod.


-


Pangatlong araw ko palang dito pero yung pagod ko pang tatlong buwan na. Huhu

Sa dining area naman ako ngayon.

"Hija, pakidala naman to sa front desk sa baba." Sabi nung manager namin.

Agad akong lumapit at kinuha yung isang pirasong papel na dadalhin sa front desk.

Myghad! Bawal nga pala mag elevator pag ojt. Nasa 9th floor ako tas yung front desk nasa 1st floor. Humaygad!

Hotel kasi tong napagojthan ko, tas yung resto nasa pinaka taas.



Hingal na hingal akong bumalik sa resto. Umupo muna ako sa bakanteng upuan dahil wala namang guest ngayon dahil 5pm palang. Mga 6 kasi dumadating yung mga guest, yun yung mga naka check-in dito sa hotel.


Napatayo agad ako ng makita kong may naglalakad papasok sa resto. 5 lalaki na sa tingin ko mga nasa 27-30 yung edad tas may kasama silang mga 50+ na lalaki na sa tingin ko e pilipino. Yung apat kasi e hapon ata.

Agad kong nilapitan nung nagtaas ng kamay yung 50+ na lalaki.

"Ahm isang whole fried chicken, 1 pork sisig, 1 beef steak, 1 chopseuy, 1 buttered corn, tsaka 5 mushroom soup. Tsaka pala 5 scoop na rice. Thanks!"

"How about drinks po sir?"

"Ahm 3 mango juice tsaka 2 orange juice"

Inulit ko lang ulit yung order nila tsaka ako umalis.




Juice lang yung sinerve ko, tas yung waiter na sa lahat.

Bigla akong napatingin sa table nung lima ng magtaas ng kamay yung isang hapon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Japanese BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon