ONE SHOT

20 3 2
                                    

Dominik

"Honey..." Malambing na bulong ng isang babae sa aking tainga. Dumilat ako't napakurap. Hindi ko agad maidilat ang aking mga mata dahil sa liwanag na direktang tumatama sa aking mukha. Kinusot ko ang aking mga mata. Pagtapos ay nakita ko ang mukha ng babaeng kanina lamang ay bumulong sa akin.

Isang magandang babaeng bumihag sa aking puso. Ang pinakamagandang babaeng nakita at nakilala ko. Si Abby. Niyakap ko s'ya at sinabing, "Goodmorning, Hon."

"Honey, pwede na ba akong umalis?" Tanong niya na nakapagpagising sa aking diwa ng tuluyan. Tinignan ko sya habang nasa aking mga bisig. Nakatingin din siya't tila naghi-hintay ng aking tugon.

"Hindi pwede. Magde-date tayo mamaya," tugon ko na lamang. Nabakas naman sa kanyang mukha ang lungkot. Hinalikan ko na lamang ang tungki ng kanyang ilong upang alisin ang simangot sa kanyang mukha. Siguro naman walang masama sa pagnanain kong makasama siya ngayong espesyal na araw, hindi ba?

"Ay! Hindi ka pa nagto-toothbrush!" Aniya habang pinapahiran ang kanyang ilong. Natuwa ako sa kanyang inasal at alam ko sa loob ko na itong ugali niya ang pinakanagustuhan ko sa kanya.

"Bakit? Hindi naman mabaho ang hininga ko ah!" Tugon ko at sinimulan siyang kilitiin sa kanyang tagiliran. Ito ang lagi namin ginagawa sa umaga. Naglalambingan, naghaharutan at nagaasaran at maya-maya'y mag-aaway at ako naman itong susuyuin s'ya. Kaya't hindi naging boring ang married life ko dahil sa kanya. Dahil siya ang nagbibigay saya sa araw-araw na pamamalagi ko sa mundo.

Noong bago pa man kami i-kasal ay samu't saring mga discouragements ang naririnig ko sa mga kaibigan at pamilya ko. Boring ang married life, wala nang thrill sa buhay sabi pa nga nila pero nang pagtapos ay napatunayan ko mismo sa sarili ko. Mali sila. Masaya, sobra. Punong puno ng pagmamahal.

Halos kalahating oras din kaming nasa higaan at naglalambingan. Pagtapos niyon ay nagpagpasyahan niyang mag-ayos na para sa aming lakad. Sabay kaming naligo. Hanggang pagligo ay kung ano-ano ang ginagawa namin. Habang sinasabunan ko s'ya sa likod ay nagtatawanan kami. Nadako naman ang tingin ko sa kanyang balat.

"Honey, bakit hindi na nabula ang sabon sayo?" Tanong ko na ikinataka niya. Ngingisi-ngisi na lamang ako.

"Tigilan mo'ko Dominik ha! Akin na nga at ako na ang magsasabon," aniya at kinuha sa akin ang sabon. Niyakap ko s'ya galing sa likuran at marahang hinahalik-halikan ang kanyang makinis na balikat.

"Siguro hon masyado ka nang malinis kaya ayaw bumula," Humalakhak ako sa aking sinabi. Nakatanggap naman ako ng isang hampas galing sa kanya. Yun din ang hampas na madalas niyang ibinibigay kapag kinikilig siya.

"Bilisan mo na diyan. Gusto ko nang pumunta sa labas at gumala." Sabi niya at akin naman sinunod. Kinuha ko ang aking tuwalya at nagpatuyo. Bago ako lumabas ay tinawag ko siya at kinindatan. Irap lang ang natanggap ko mula sa kanya.


"Honey, Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya habang naglilibot ng tingin sa isang amusement park. Napakaraming rides ang pwedeng pagpilian kaya't hindi ko alam kung ano ang sasakyan namin. Nandyan ang carousel, coasters at ang Vikings. Syempre hindi rin nawala ang nagtataasang Ferris Wheels. Mga taong nagtitinda ng cotton candies at kung ano-ano pang matatamis.

Sa isang sulok ay nakakita ako ng Ice Cream. Tinuro ko iyon at nilingon ang aking asawa,"Honey, gusto mo ba nun?" Tanong ko.

"Ikaw bahala," aniya kaya't kaagad ko siyang hinila patungo doon.

"Kuya, isa po," aniko sa sorbetero. Kinuha ko ang akong pitaka at kumuha ng isang perang papel na ipamba-bayad sa sorbetes. Inabot sa akin ng Mamang sorbetero ang appa ng Ice Cream.

Wheel of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon