Pagkadating namin ng bahay, mga nagsisilakad na maids na may kung anong bitbit and bumungad samin. When we entered the house, naabutan naming nagtatakbuhan ang dalawang anak ni ate Lily.
"Larkspur, Iris, stop running will you?" Bulyaw ni ate na kagagaling lang ng kusina na may hawak na mga plato. Her face lit up when she she saw us. "Hey guys, akala ko mamayang two pa kayo dadating." Inilapag niya ang mga plato sa mesa at naglakad papunta samin. "So who is this handsome guy with you?" Tanong ni ate habang nakatingin kay Hib.
"Ate Lily naman, kailangan bang ipagsigawan sa lahat ng tao dito na gwapo ako?" Out of nowhere, Trey suddenly appeared. He was about to hug Lily nang ipagtabuyan siya nito. "Magtigil ka nga kung sino kamang kutong lupa ka." Lily glared at him and his friends laughed. As if he and his friends know something we're not aware of. "Hindi ikaw ang tinitukoy ko." Ibibaling pabalik ni ate ang atensyon kay Hib.
"Hi, I'm Lake Hibiscus Patchouli Apsen." Pagpapakilala ni Hib kay ate. "Nice to meet you Lake, I'm Lily." Inabot ni Hib ang kamay ni Lily at nakipagkamay ito sa kanya. I noticed na pumunta sa isang sulok si Orchid kasama ang mga alagad niya. "Alexis Daisy." Bati ni Lily at nagyakapan sila nito. Daisy smiled at her at nagtungo sila sa kusina.
Bakit kapag sila ang ayos ayos ng pakikitungo ni Daisy, bakit pag sakin hindi? Parang ikamamatay niya kung magiging mabuti siya sakin. Ugh.
"So where am I going to sleep?" Tumingin ako kay Hib na busy na sa paglalaro ng iPad niya. "Come, let's go upstairs." Sinundan niya ako pataas ng hagdan. When suddenly i heard a loud thump. Tumungin ako sa likod at nakitang nakadapa na si Hib at bumabangon. Hindi kobalam pero imbes na tulungan kovsiya ay napabunghalit nalang ako ng tawa.
"Ayan, pabibo ka kasi. Bat kasi nag i-iPad ka eh umaakyat tayo ng hagdan? Oh ano ngayon, ilang palaka ang nahuli mo?" He took his Ipad and glared at me. "Well thanks a lot for your help Patch, you're such a great help. Pag si ate Tulip, paniguradong binangon kaagad ako." This time nasa taas na siya at masama padin ang tingin sakin.
I rolled my eyes and chuckled. "Malamang pag si Tulip ang kasama mo, baka sinira na niya at pinaghahampas yung hagdan. Malamang yung hagdan ang sisisihin niya dahil sa sarili mong katangahan!"
"Exactly! That's the big difference between the two of you. You only think of yourself." I groaned and rolled my eyes. "Don't blame me for your mistake kid. Walang kinalaman ang pinagkaiba ko kay Tulip sa katangahan mo. Matuto kang bumangon mag isa mo, dahil hindi everytime na mayroong Tulip na tutulong sayo. Tandaan mo, ang unang taong maasahan mo ay ang sarili mo. So stop comparing me to her okay?" He stared blankly at me. "Whatever." And with that, tinalikuran na niya ako at namili na siya ng pagtutulugan sa anim na guest rooms.
----
"Daffodil, are you even listening?" Napalingon ako kay ate Lily. When I hear her say my real name, hindi ko mapigilang kabahan. Because it only means one thing, trouble. Hindi niya ako tatantanan hanggat hindi siya makokontento sa isasagot ko, o sa masasamang litanyang bibitawan niya.
"I'm sorry, what?" Kumunot ang noo niya at sumeryoso ang itsura niya.
"You're acting weird Daffodil. Is there something bothering you?" I swallowed the lump on my throat. What am I supposed to tell her?
"Uhm, yeah."
"Well, I understand. Two months nalang, Ikakasal kana, tapos heto't sumingit ang kasal ni daddy, at may chance na mapostpone ang kasal niyo, at alam ko sobrang busy mo sa pag-aasikaso nito, but it doesn't mean na may rason kana para pabayaan ang kompanya. Dad entrusted you with this one, and please don't mess this up. Wag ka ng gumaya kay Tulip na sakit sa ulo. Umayos ka." Napa buntong hininga nalang ako. Lily must be one of the reasons why Tulip left. Well I can't blame Tulip, sa pag uugali ba mandin ng pamilya namin, gustong gusto ko naring umalis. And with that, atat na akong ikasal para maka alis sa puder nila. And when that happens, makakawala na ako sa puder ni papa. At ibig sabihin nun ay hindi na niya ako magiging puppet, because finally, mapuputol na ang strings na pinanghahawakan niya sakin.
BINABASA MO ANG
What we did last night
General FictionPatch woke up naked in a strange bed, with a stranger beside her. Nalalapit na ang kasal niya, at nangyari ang hindi inaasahang bagay, she got pregnant. It would have been easy for her to hide it, until the man whom she slept with, appeared and turn...